5. Ngiti lang, madam.

Start from the beginning
                                    

 

Halos manlaki butas ng ilong ko sa pagpipigil ng tawa. Hahahaha. Namiss ko ‘yung hambalusin kita dyan line niya na impluwensiya ko. Ibang iba talaga ‘pag siya nagsabi, e. Hahaha. Sarap gumulong, buset. Kabisado talaga ni mama takbo ng utak ko. Kaya the best ‘yang nanay ko, e. Wagas.

“You’re so crazy times three talaga when you’re with kuya, mommeh! Haha!” Aya.

“Pak na pak, de ba? Mm, h’wag ka.. Pwede nang susunod na Ashi Behati sa susunod na palabas ni Daniel, ‘no? Hihi. Apir beybe!”

At nag-apir pa nga!

“Yeah!” Aya.

Pambihira.. Pinagtutulungan ba ‘ko ng mga ‘to? 

“’De, loko lang, kuya. Kampi muna ‘ko sa’yo for now. Hihi.” Tapos nilapitan ako ni Aya. “Happy birthday, kuyaaaa! Hmmuah!” She kissed me on the cheek.

Sabi ko nga, naalala pa nila, e. Pero alam ko naman na alam nila na hindi ako nagce-celebrate ng birthday ko kaya hindi na sila lagi nag-aabala. Pinapagalitan ko, e.

“Thanks, bata. Kuha mo ‘kong juice—“ Uutusan ko sana si Aya kaso biglang....

“Maligayang kaarawan, anak! Power hug, power hug! Hmmmmm!” Mahigpit na yumakap sa’kin bigla si mama. Bumaba tuloy sa kandungan ko si Loko!

“Ma,’yung buto ko, mawawarak!”

 

Kaso mas lalong hinigpitan niya yakap niya sa’kin.

“Okay lang ‘yan, ‘nak. Marami naman tayong kawayan sa likod, pamalit! Love love ka muna ni mama. Hmmmm!”

HAHAHA. Buset. Kawayan daw, e. Pero totoo, kawayanan talaga likod ng bahay nila. Pero ulit, may abs kaya ako. Nasanay lang ako sa pang-asar nila na payat daw ako.

“Hmmmm!”

Kupo inang! Pinanggigilan na ‘ko ng husto!

Napangiti na lang ako. Baliw talaga nitong si madam. Aaway-awayin ako pagkakita sa’kin tapos kung makayakap.

“Akin na dali!” Makilig-kilig na nilahad ni madam pareho niyang palad sa harap ko matapos niya ‘kong yakapin.

“Ang alin?”

 

“’Yang regalo mo sa’kin! Hihi!” Kinilig pa!

Regalo?? “Ano’ng regalo ko sa’yo? Birthday mo?”

Adik talaga nitong nanay ko. Ako may birthday, ako magreregalo?

OPERATION: STEALING THE BAD BOYWhere stories live. Discover now