Chapter 1 - The Invitation

Start from the beginning
                                    

I don't want to check the news or any other articles na connected dito dahil alam kong makikita ko ang name nya.

Ang name na...

"Ma'am Jane! We'll go at the airport in 2 hours!" Katok ng PA ko sa'kin dito sa loob ng hotel room ko.

But...

But i don't want to go.

As much as gusto ko pang mag stay dito sa hotel at para na rin sa peace ko for the mean time, bawal talaga.

I still have works to do maliban sa mga set. May mga ini-endorse akong mga products and etc. May mga iba pa akong contracts na god knows kung ano 'yun na hindi ko pa nababasa as of now.

Habang nags-shower ako, hindi maalis 'yung thoughts ko na baka natatakot lang akong makita sya dahil sa ginawa ko.

Or di kaya, baka nahihiya ako sakanya dahil hindi ko tinanggap 'yung offer nya.

Pero sa'n naman ako pupulutin ngayon kung hindi ko tinuloy 'yung pangarap ko?

Wala sanang Jane Florence De Leon kayong nakikita sa tv at cinema, pati na rin sa mga talk shows at noon time shows.

"Ma'am! Last call na raw po!" Teka lang, nag bibihis na nga 'yung tao diba?

Ay, mali ko pala kasi hindi ako sumasagot. Baka akala nila natutulog pa rin ako.

Sino ba naman kasing nagsabi sa'kin na mag lasing ng sobra? Ayan tuloy, tamad na tamad akong kumilos at gumalaw ngayon.

Parang ayoko pa ngang iwan 'tong lugar na 'to, sa isang taon ba namang nandito ako.

"Ma'am Ja---"

"Teka lang Felly! Palabas na nga oh!" I shouted. "Ay! Sorry po ma'am!" She shouted back. Napa face palm nalang ako at napa ikot nalang ako ng mga mata ko out of annoyance.

Hindi manlang sya pumasok dito para tulungan akong magbuhat ng maleta ko.

Ay...

I forgot...

Naka lock nga pala ang pinto.

Oh sorry naman! Mali ko na!

Pagkalabas ko naman tinulungan nya ako sa maleta ko kaya hinayaan ko na sya na sya 'yung magbitbit papunta sa sasakyan.

Niyakap ko lang 'yubg mga co-actor at co-actresses ko para magpaalam sakanila.

"See you again guys! Next project!" Pagpapaalam ko pa sakanila tapos nag-iiyakan na sila dito.

Bukas pa kasi sila aalis kasi mag b-bonding pa ata 'tong mga 'to.

Ako naman, hindi na pwedeng mag stay ng another night dito dahil may ine-endorse nga akong products at kailangan na rin pirmahan ang contracts ng mga 'yun.

Hindi rin naman nagtagal, nakarating na kami sa manila.

Mga 5 hours flight lang kami and di rin naman ako nakapag relax dahil nga sa reunion na iniisip ko.

Anong susuotin ko? Dapat bongga para pag nakita ako ni ano hehe.

Bakit ko ba iniisip kung anong susuotin ko? Andami-dami kong hindi pa nagagamit na gown dun sa bahay.

Pwedeng-pwede ako mamili dun ng kahit ano.

Calm down Jane. You'll always be pretty at ikaw ang mag s-stand out among them all.

Don't overthink it.

Enhale, exhale.

Ayan, medyo um-okay na ako.

Two GhostsWhere stories live. Discover now