The TAO Anthologies Episode 13: The Viral Virus

15 0 0
                                    

Sa labing pitong taon na pamamalagi ng parasitikong ito sa ating mahal na Pilipinas ay nagawa nitong sumira ng di mabilang na dami ng pagkakaibigan, relasyon, pamilya at kalusugan ng di rin mabilang na dami ng Pinoy. Ginawa nitong ligtas ang mga kalsada mula sa mga nagliliparang mga tsinelas, lata at mga bata, at hinukay ang lagusan upang maipuslit ang ating kababaihan patungo sa mga banyagang may "exotic taste". Ito ang tinitingalang bayani ng mga Pinoy na tila human ukay-ukay kung manamit at kung magtype ay parang sirang caps lock na may spell check dictionary na inakda ng isang alien habang bumubulusok ang kanyang sasakyang pangkalawakan patungo sa kaulapan ng jupiter. Isa siyang anino na sinusundan ka sa bawat isa sa iyong mga yapak habang patungo ka sa iyong paroroonan gamit ang built in gps ng phone mo.

Ano itong Sakit na ito? paano ito maiiwasan? At nandito na din naman tayo, sino umubos ng ice cream ko sa ref?

Ang sagot sa ikatlo at ikalawang tanong sa itaas ay lingid padin sa aking kaalaman, ngunit ang sakit na ito ay ang sapot na bumabalot sa buhay ng lahat ng tao sa mundo. Ito ay ang Internet.

Ang Internet ay nagsimula bilang konsepto upang bumilis ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao mula sa iba-ibang lupalop sa mundo. Ngunit, tulad ng lahat ng mga bagay na nahahawakan nating sangkatauhan, matapos ang di lalampas sa kalahating henerasyon ay nababoy, or frankly, natao, na natin ito. Mula sa mga akda na wrong spelling na, sira pa ang caps lock, mga topic na kung tutuusin ay dapat na lamang itago sa sarili, mga kabobohang karapatdapat na tawaging kabobohan, larawan ng pagkain sa umaga, hapon at gabi, mga larawan ng mukha na wala naman tayong paki kung ano ang itsura dahil di natin sila kilala, mga malalaswang bidyo na gawa lamang sa bakuran, hanggang sa mga banta ng pagpapakamatay dahil sa simpleng dahilan na yung crush nilang di na papangalanan ay aalis sa isang di na rin papangalanang boyband. Sadyang tayo talaga ang sumisira ng mga imbensyon na kapwa nating tao din ang gumawa. Pagtuunan natin ng pansin ang isa sa mga katauhang, este kababuyang ito.

Ang Facebook, Friendster, MySpace, Instagram, Twitter and the like ang ilan sa mga pook-sapot na kinakikitahan ng sobrang kababuyan ng mga normal na taong apektado ng sakit na tinatawag na Internet. Lahat tayo ay nahawahan na nito ngunit maraming tao ang kinakitaan ng adverse effects nito. Ang pinakamadaling makita na sintomas ng human Internet Virus ay ang pagpwersa ng parasitikong internet na maging dependent ang taong nahawahan sa Internet. Mula sa paggising, pagkain, hanggang pagtulog ay puro internet ang hinahanap na tila batang hamog na isang linggo nang di nakakasinghot ng rugby.

May 6 stages ang Human Internet Virus, o maaari na nating tawaging #HIV, naglagay ako ng hashtag upang mabigyan ng pagkakaiba ang HIV at #HIV. Tulad ng HIV, ang #HIV ay di nagagamot, ngunit maaari paring mabuhay nang normal ang taong apektado o nahawa nito. Ito ang mga sumusunod.

Stage 1

Ang stage 1 #HIV ay ang manipestasyon ng virus mula sa unang kontak dito. Ang tao ay kalimitang walang ipinapakitang sintomas dito. Kalimitang ang taong nasasadlak sa stage na ito ay may increased na frequency ng pagcheck ng email, facebook notifications and the like. Maaaring di na magprogress ang #HIV mula sa antas na ito, ngunit maaari ding humantong ito sa susunod pang mga stages.

Stage 2

Ang stage 2 #HIV ay nageevolve mula sa stage 1 with enough exposure sa Internet. Ang sintomas nito ay ang pagkapuyat dahil nagkakaroon ng extra hour of priority si internet habang nababawasan ang hours of priority ng pagtulog. Kalimita'y nagsisimula na magpost ng mga status ang biktima sa Social Media. Minsa'y nagpopost na din ang taong apektado ng mga bagay na maaari niyang ikahiya in a few years. Mula sa stage 2 #HIV ay maaaring magrevert ito to stage 1 o umakyat ng antas patungong stage 3.

Stage 3

Ang stage 3 #HIV ay mula sa stage 2 with enough internet exposure. Nagkakaroon ang biktima ng karakteristikong pagpapalit ng ilang mga salita sa kanyang pakikipagusap sa kapwa tao face to face. Gumagamit siya ng mga acronym tulad ng LOL, ROFL, TL:DR, to name a few, mid conversation na tila chatbox ang kausap niya at hindi normal na tao. Lumalala ang paguupload ng mga "pagsisisi-worthy" content. Ang mga indibidwal na ito ay kalimitang nagreresign sa kanilang current employment thru facebook at nagaapply sa mga kumpanya tulad ng "Sa Puso Mo", "Krusty Krab" at "Ate pa-RAK" to name a few. Kalimitan din ay mabilis silang mapromote to managers, CEO at President ng kani-kanilang inapllyang kumpanya. Dito rin sa antas na ito na nagsisimula magpost ng picture ng mga normal na bagay na ginagawa nila during their day. Tipong may caption pa na galing sa Bibliya, Quran, at iba pang banal na libro. Ang stage 3 #HIV ay wala nang pagasang magrevert to stage 2 and below, pero may chance pa na hanggang dito nalang ang ipoprogress ng kaso ng #HIV ng apektadong indibidwal.

Stage 4

Ang stage 4 #HIV ay ang kaso ng nasabing sakit na wala nang pagasang gumaling at ang tanging chance lamang na available sa apektadong indibidwal ay ang paglala nito. Kalkmitang ang biktima ay nawawalan na ng pagasa pag walang naglike ng post nila. Ito ang antas na unti-unting sinisira ng sakit ang person to person skills ng pasyente at nabubulok ang kanilang mga relasyon sa ibang tao. Ang iilang mabubuting kaibigan na matitira sa kanila ay apektado din ng ibaibang antas ng #HIV. Di na mapipigilan ang pasyente sa pagpost ng mga nakakahiyang bagay ngunit di sila nahihiya dito, kahit sa kapamilya o kaibigan. Kalimitan din na nawawalang na ng abilidad na magsalita ang pasyente, at kahit na kausapin ito ilalagay lamang nila ang kanilang mga kamay sa ere at papagalawin ang kanilang mga daliri na tila nagtatype. Wala nang kagalingan dito sa stage na ito ay maaari nalang magprogress ito sa stage 5

Stage 5

Ang stage 5 #HIV ay ang second to the last na terminal na stage ng sakit na ito. Sintomas nito ang pilit na pagbili ng mga bagay na wala sa budget upang picturan at ipost sa facebook with matching hashtag at quotable quote. Dito sa stage na ito ay nagmamakaawa na ang pasyente upang ilike ang kanilang mga post. Halos wala nang external connections ang taong ito at ang tanging pamatid-kawad na lamang upang makausap ang pasyente ay ang internet. Kapag nawalan ng internet ay tila nababaliw ang biktima dahil di siya updated at di rin updated ang mga friends niya sa kinakain niya.

Stage 6

Ang stage 6 ng sakit na #HIV ay ang terminal stage, kung saan wala nang kagalingan at unti-unti nang kakainin ng sakit na ito ang pasyente. Dahil na rin siguro sa kawalang pagasa ay nagkakaroon ng schizophrenia ang pasyente sa faceb ook. Nagkakaroon siya ng maraming dummy personality upang makapanira ng iba o para lang masabi na marami siyang friends. Ginagamit niya rin ang mga ito sa pagpaparami ng kanyang likes. Ang mga like na dati rati'y tila drogang kinaaadikan lamang sa ngayo'y maintenance na upang mapahaba ang buhay ng pasyente. Bumibili na lamang siya ng pagkain upang kunan ng litrato at ipost sa facebook na may kalakip na quotable quote.

Ang #HIV ay di dapat ipagsawalang bahala. Ito ay seryosong sakit ng mundo.

The TAO AnthologiesWhere stories live. Discover now