The TAO Anthologies Chapter 11: Reclassified Refuse: A Comprehensive Study

7 0 0
                                    

Isa ito sa pinaka-importanteng elemento sa mundong ibabaw. Makikita natin ito in abundance sa lahat ng lugar, at ang kawalan nito ay siyang magiging kawalan din ng buong sangkatauhan. Sa sobrang importante ng bagay na ito ay isang titik lang ang ipinagkaiba nito sa pagiging Tao.

Ito ay ang Tae.

Sa mahigit isang-kapat ng sentenaryo na itinagal ko sa mundo ay marami-rami na kong naranasan at maibabahagi tungkol sa Tae. Sabihin na nating close kami, at pwede na ko maging Consultant tungkol sa Tae. Ito ang panulat na babago sa pagtingin mo sa bagay na pinakapinandidirihan mong nanggaling mismo sa iyo, bukod pa sa ihi, kulangot, bata, at kung ano pang kababuyan, which we will tackle some other time.

May tatlong criterion ang pakaka-classify sa Tae. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Substance

2. Density

3. Occurrence

I. Substance:

Ito ay ang criterion na kinabibilangan ng mga paraan kung paano maikaklasipika ang Tae batay sa kanyang nilalaman at mga pisikal na property. Ito ay nakahanay mula sa pinakamataas patungo sa pinakamababang antas

a. Utos ng Hari:

Ang Utos ng Hari, kahit kalian man ay di nababali. Ito ay nakareserba sa mga klase ng Tae na pagbagsak sa bunganga ng toilet ay buo, ranging from 6 to 20 inches ang haba at 2 to 4 inches ang girth. Swabe ito lumabas mula sa pwitan at may karakteristikong tunog na ginagawa pagbagsak nito sa tubig-palikuran. Isa sa mga pinaka-outstanding na katangian nito ay ang pagsasayaw nito ng macarena habang umiikot ikot ito sa vortex na gawa ng flush. Tulad ng Utos ng Hari, ito ay hinding hindi mababali. Ito ang usual na nagmamanifest sa iyong kalamnan pag ika'y kumain ng mga mabubuhok na gulay, hence its high tensile strength. Kaya't lagging i-doublecheck ang palataihan upang masiguradong pumasok na ito sa tubo kundi ay magmamacarena lamang ito ng paulit-ulit kahit ibang tao na ang gumagamit.

b. Nagasaki:

Ang Nagasaki ay maihahambing natin kay "Fat Man", ang atom bomb na bumagsak sa Nagasaki noong panahon ng mga paulit-ulit na kwentong digmaan ng ating mga Lolo at Lola. Tulad din ng Big Man, ang uri ng Tae na ito ay hindi kahabaan, ranging from 3 to 5 Inches, ngunit ang taba nito ay maaring umabot mula 3 to 5 inches din. Hindi ito swabe lumabas mula sa pwitan. Maihahambing mo ang karanasang ito sa pakiramdam ng maliit na karayom habang nagpapasok ka ng yarn sa butas nito. Ito ang idinudulot ng paginom ng napakaraming soft drinks na din na natin papangalanan dahil wala tayong endorsement rights. Ang impact nito sa tubig-palikuran ay nagiiwan ng mushroom cloud at fallout ng maruming tubig na umaabot sa pisngi ng iyong pwet. Kalimitan ay nasusundan ito ng magkahalong Raisinets at Suspended Animation. (See Below)

c. Hiroshima

Ang Hiroshima ang scaled down verson ng Nagasaki. Ang tanging pagkakaiba lang ng dalawa ay ang kanilang sukat (2 to 4 Inches in Length, 2 to 4 Inches in Girth). Pareho din ang sensasyon na inaabot ng nakakaranas ng phenomenang eto pagdating sa pagsakit ng tumbong. Maaari din ito sundan ng Raisinets at Suspended Animation, Raisinets more likely occurring than Suspended Animation. (See Below)

d. Teach me how to Doggie

Ang Teach me how to Doggie ang isa sa pinaka-unique na uri ng Tae. Kung titignan natin ang ating alagang si Bantay ay makikita natin ang maaaring family relations nilang dalawa. Ito ang Taeng may batik-batik ng ibaibang kulay, from Olivedrab Green, Chocolate Brown, Dark Chocolate Brown, Dry Mensturation Red, Reddish-Ochre, You-Should-Ask-A-Doctor Black at iba-iba pang kulay na di na mababanggit. Bukod pa sa outstanding colors nito ay wala na tayong maaari pang masabi tungkol dito.

The TAO AnthologiesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum