"I KNOW now kung bakit magaan agad ang loob ko sa'yo," tumatangu-tangong sambit ni Marla.

Nasa silid sila at pinapatulog ang dalawang sanggol.

Katatapos niyang ikuwento dito ang lahat ng nangyari almost ten months ago. Noong una silang magkita si Cenon. Ikinwento niya lahat. Walang labis, walang kulang. Pati ang nararamdaman niya sa binata ay sinabi niya dito.

Napayuko siya. "Sorry kung naglihim ako sa'yo, Ate Marla. Hindi ko naman inaakala na magkikita pa kami ni CJ."

Tinapik nito ang balikat niya. "It's okay. I understand. Unang kita ko pa lang sa inyo ni Cenon, alam ko nang may something between the of you. Bukod sa kitang-kita ang lahi namin sa kambal, nang makita ka niya ay parang lagi na lang may gutom sa mga mata niya..."

Namula siya. Hindi niya akalaing napansin nito iyon.

"I am now believe in destiny. Mukhang kayo talaga ang magkapalad ng gwapo kong pinsan."

"T-tingin mo?"

"Yep."

"Pero para namang hindi niya ako mahal, Ate Marla," buntong-hininga niya. Ramdam niya ang pagguhit ng kirot sa puso.

"Paano mo nasabi 'yan? Hindi ba't inalok ka na niya ng kasal?"

"We both... we both desire each other. Hanggang doon lang ang lahat para sa kanya."

"Laizel, kung iniisip mong dahil lang sa mga bata kaya siya..."

"Hindi ko pa sinasabi sa kanyang anak nga niya sina Cyrill at Shaira."

Natigilan ito. "Hindi pa?"

Umiling siya.

Lumawak ang ngiti nito.

"Oh, I think Cenon has his precious reasons why he decided to marry you."

NAG-AAGAW ang diwa ni Laizel nang maramdaman ang mga pinong halik na iyon sa kanyang mukha. Parang ipinaghehele siya sa pagtulog.

Nagpatuloy ang magagaan na halik hanggang sa dumapo iyon sa mga labi niya.

Tila nawala ang antok niya. Bigla siyang nagmulat ng mga mata at tarantang itinulak ang kung sino mang pangahas na gumawa niyon. Saka niya napatantong katabi niya ito sa kama at yakap-yakap siya nito.

"Laizel..."

Napagmasdan niya sa sinag ng lampshade ang mukha nito. Agad niya itong  nakilala.

"CJ?"

"Sino pa'ng inaasahan mo?"

"B-bakit ka narito?"n Nilinga niya ang mga anak na katabi niya lang. Pero wala sa kama ang mga ito.

"Hiniram muna kita saglit sa mga bata. May kailangan tayong pag-usapan."

"Paano mo ako nadala dito?"

"Binuhat kita. Napakahimbing ng tulog mo kaya hindi mo na namalayan."

Hindi siya makapaniwala. Paano'ng nadala siya nito doon na hindi siya nagising?

Akmang babangon siya nang iangat nito ang kalahati ng katawan at idagan iyon sa kanya. Napagtanto niyang nakahubad pala ito!

"Where do you think you're going, lady?"

"K-kailangan ko nang balikan ang mga anak ko."

"Sure! After we talk." Ibinaba nito ang mga mukha hanggang sa maglapat ang mga labi nila.

Agad niya itong itinulak.

"Ang sabi mo, mag-uusap tayo?"

"Yeah." Hinuli nito ang dalawang kamay niya at itinaas sa ulunan. "After we're done with this," he huskily said.

NOW THAT I FOUND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon