CHAPTER TEN

3.2K 117 11
                                    

CHAPTER TEN

KUMAKABOG ng husto ang puso ni Laizel habang nasa harapan ng dalawang matandang sinasabi ni Cenon. Mukha namang mababait ang mga ito pero iba paraan ng pagtitig ng magkapatid sa kanya Pinagpapawisan tuloy siya ng malapot.

"Laizel ang pangalan mo, hindi ba?" ani Lolo Marvin.

"Laizel ano?" segunda naman ng kakambal nitong si Lolo Max.

"L-Laizel Miranda po."

"Taga-saan?"

"S-sa Tarlac po ang probinsya ko."

Nilingon niya si Cenon na nasa tabi niya. Gusto niyang ipaalam dito na hindi na niya matatagalan pa ang nerbiyos. Pero ngumiti lang ito sa kanya. Pinilit niyang ngumiti nang ibaling muli sa dalawang matanda ang paningin.

Nagkatinginan naman ang kambal.

"Masarap ang dried fish nila doon, di ba? Ang sarap ng kain ko noon nang magawi tayo doon noong araw," ani Lolo Max.

"Aba, natandaan mo pa iyon?" tukso dito ng kakambal.

"Syempre naman! Sabi ko na sa iyo, kalabaw lang ang tumatanda!"

Nagkatawanan ang dalawa.

Nakamata lang siya sa mga ito. Bahagyang naibsan ang pagkatensyon niya.

            "

Granpas, huwag niyo namang sindakin itong si Laizel. Tingnan niyo at namumutla na," sabi ni Marla na hanggang ngayon ay karga pa rin ang isa sa mga sanggol.

"We're not!" Binalingan siya ni Lolo Marvin. "Are we scaring you, iha?"

"Now you're scaring her, Lolo Marv's."

Tinawanan lang ito sa sinabi ni Cenon.

"By the way, Granpas, mom and dad..." Tinanguan ng binata ang mga kapamilyang naroon. Pagkuwa'y ginagap nito ang kamay niya. "I'm planning to get married."

Tila walang nasorpresa sa sinabi nito. Mas nakatuon ang pansin ng mga ito sa mga kamay nila. Nais na niyang bawiin ang palad pero mahigpit nito iyong hinawakan.

"When?" ang daddy nitong si Phillip ang unang nagsalita.

Nagtaka siya. Hindi ba tatanungin ng mga ito kung bakit? It is obvious na siya ang tinutukoy na pakakasalan ng binata. Siya na isang disgrasyadang babae marahil sa paningin ng mga ito dahil nagkaroon siya ng anak ng walang maiiturong asawa.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Cenon sa palad niya. Napatingin siya sa gwapong mukha nitong nakatingin rin sa kanya.

"Ang gusto ko ay two months from now," sagot nito habang nakatitig sa kanya. Para bang tinitingnan nito kung tututol siya sa desisyon nito.

"Matagal pa ang two months, iho. Why not after a month?" sabi ni Lolo Marvin.

"Yeah. One month is long enough, apo. Lalo na kung ganyan kaganda ang mapapangasawa mo," sabi naman ni Lolo Max.

Napatingin siya sa mga ito. Hindi kababakasan ng pagtutol ang mukha ng mga ito. Maging sina Marla at Tita Raquel ay maganda ang pagkakangiti sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin ng mga ito... Tinatanggap siya ng buong pamilya ni Cenon. Parang gusto niya tuloy maiyak sa sobrang galak ng puso.

"Thanks to all of you. Tanggap niyo ang mapapangasawa ko." Inakbayan pa siya ng binata.

"Noong unang kita ko pa lang kay Laizel, itinuring ko na siyang parang anak," saad ni Raquel.

Hindi niya alam kung paano'ng magpapasalamat dito. "S-salamat po, Tita Racquel..."

"Uh-oh. You will now call me 'mommy'."

NOW THAT I FOUND YOUWhere stories live. Discover now