CHAPTER THREE

1.9K 68 0
                                    

CHAPTER THREE

WALA silang imikan habang bumibyahe.

Gusto niyang magsalita pero naiilang siya. Ramdam niya ang pagkatensyon ng katawan. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Tila mawawasak ang dibdib niya sa kalampag niyon. Kanina pa siya humihinga ng malalim pero hindi pa rin nababawasan ang kaba niya.

Kailangan kong gawin ito. Para kay Rio... Napapikit siya ng mariin. Lord, ito ba talaga ang tadhana ko?

Tila naparalisa ang katawan niya nang ihinto nito ang ferrari car nito sa tapat ng isang condominium building. He’s really rich. Kaya pala hindi nanghihinayang na magtapon ng twenty thousand para sa babaeng katulad niya.

“Here we are.”

Napapitlag siya nang magsalita ito. Bumaba ito ng kotse at lumigid sa gawi niya.

Tama ba talaga ang gagawin ko? May oras pa ako para magback out... Pero sayang ang pera... Lakasan mo ang loob mo, Laizel. Kaya mo ‘yan!

“Laizel?”

Hindi niya napansing nakabukas na pala ang pinto sa tabi niya.

Pinuno niya muna ng hangin ang dibdib bago bumaba doon.

Matapos nitong isara ang pinto ay lumapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas ng sapuhin nito ang mukha niya. Ipinatong nito ang noo sa noo niya.

“Don’t be scared. I won't bite you.”

Sinulyapan niya ang mukha nito bago ibabang muli ang paningin. Tumango na lang siya.

He planted a quick kiss on her lips. Hinawi nito ang buhok sa mukha niya at hinalikan siya sa noo.

Medyo nabawasan ang nararamdaman niyang kaba sa ginawa nito. He’s making her feel good everytime he kiss her. May sumingit na hindi kilalang emosyon sa puso niya.

“Let’s go.”

Inakbayan siya nito papasok sa building na iyon. Ibinigay nito ang susi ng kotse sa guard. Sumakay sila sa elevator.

“Paminsan-minsan lang ako umuwi sa condo na ito. Usually, sa bahay ko sa Bulacan ako umuuwi.”

She knew he’s trying to make a conversation to ease her uneasiness

“S-siguro, umuuwi ka lang dito kapag may kasama kang babae.”

Napangiti ito. “Not really. Kapag ginagabi ako sa trabaho, dito na ako umuuwi.”

“Alam mo, weird ka. May condo ka pala dito, sa malayo ka pa umuuwi... Wait, baka magalit ang asawa mo kapag nalamang—“

Napahinto siya sa pagsasalita nang tumawa ito.

“I don't have a wife.”

“Iyan lagi ang sinasabi ng mga lalaki.”

“Well, believe it or not, I really don't have a wife. At least not yet. Umuuwi ako sa Heritage Villa dahil gusto ko ang ambiance doon.”

“Heritage Villa?”

“Yeah. It's a subdivision in Bulacan. Maganda doon at masaya pa.”

“Ah, okay.”

Bumukas na ang pinto ng elevator. Kinabahan siyang muli.

“Still nervous?”

“M-medyo.”

Ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. Hinila siya nito palabas ng elevator. Huminto sila sa tapat ng isang pinto. Binuksan nito iyon.

“Come here. Don’t be afraid.”

NOW THAT I FOUND YOUWhere stories live. Discover now