CHAPTER ONE

2.5K 67 0
                                    

CHAPTER ONE

"TITO Cenon!" mataginting na tawag sa kanya ng anim na taong pamangkin, si Karin, pagkababa niya ng kotse.

Binuhat niya ito nang makalapit sa kanya. Agad nitong hinagkan ang pisngi niya.

"How's my beautiful niece?"

"Maganda pa rin po hanggang ngayon," humagikgik ito. "Where's my pasalubong, Tito ko'ng gwapo?"

Natawa siya sa tinuran nito.

"Hmm. Gwapo ba talaga? Because of that I will give you your pasalubong." Binuksan niya ang backseat ng kotse at kinuha doon ang isang malaking paper bag. "There you are."

"Wow, tito. It's so big." Nanlalaki ang mga matang kinuha nito iyon at niyakap. She chuckled. "It's soft! Stuff toy po ito, di ba?"

"Why don't you see it through yourself, darling?"

"Ofcoarse, I will!" Nagpababa ito sa kanya. "Let's go inside, Tito." Hinila siya nito papasok sa ancestral house nila.

It was a sunny sunday and also their family reunion. Once in a month lang ito nangyayari kaya ano mang pinagkakaabalahan niya ay iniiwan niya. Besides, tiyak na magtatampo ang kambal niyang mga lolo. He is the only grandson kaya mahalaga sa mga ito ang pag-attend niya sa family reunion nila.

"Cenon! I'm glad you're still alive!"

"Ate Dorinne!"

Hinalikan niya sa pisngi ang nakatatandang kapatid na sumalubong sa kanya. Ito ang ina ni Karin.

"Mommy, look! May pasalubong si Tito Cenon sa akin."

"Wow, Karin! Mukhang napilitan na naman ang Tito mo na ibili ka ng pasalubong, ah?"

"Hindi naman, ate."

Nagkatawanan sila.

"Well, tara na sa loob, Cenon. Kanina ka pa nila hinihintay. Let's go Karin." Inakay nito ang anak papasok.

Naabutan nilang nagkukwentuhan ang pamilya sa sala. Sina Lolo Max at Lolo Marvin, ang kambal niyang mga lolo, ang kasalukuyang nagbibida sa usapan. Mukhang talagang namiss ng mga ito ang mga anak at apo.

Naroon din si Tita Mely, anak ni Lolo Max, and her one and only daughter na si Marla. Ofcoarse his dad and his sister's husband.

“Hello, everyone!”

Napalingon sa kanya ang anim na taong naroon.

"So the heir is finally here!" tuwang sabi ng Lolo Marvin niya, ang dad ng mommy niya.

Tumindig ito at lumapit sa kanya. Nagyakap sila.

Yes, he is the heir. Siya lamang kasi ang nag-iisang lalaki sa blood line nito. Ayon sa mga ito, siya lamang ang makakapagpatuloy ng kanilang angkan kaya sa kanya ipinamana ang malaking percent ng kayamanan ng pamilya.

"Lolo, you don't need to emphasize it." Nagmano siya dito na'ng pakawalan siya. "How's life?"

"Great! Really great! Come here and have a seat."

Iginiya siya nito sa sofa.

"It's been a while, Cenon. How are you?" bati naman ni Lolo Max matapos siyang magmano. Tinapik siya nito sa balikat.

"Definitely fine, Lolo Max." Naupo siya sa tabi ng daddy niya.

"Dad, where's mom?"

"Nasa kitchen. Naghahanda sila ng tanghalian. I guess naroon na din si Dorinne."

Tumango-tango siya. Pagkatapos ay ibinaling ang paningin sa tiyahin. "Hello, Tita Mely and Marla."

"Hello, Cenon. Lalo tayong gumugwapo ah!"

NOW THAT I FOUND YOUWhere stories live. Discover now