CHAPTER SEVEN

1.9K 78 0
                                    

CHAPTER SEVEN

HALOS HINDI malunok ni Laizel ang kinakain niya nang mga oras na iyon. Ramdam niya ang matitiim na titig ni Cenon sa kanyang balat. Sa bawat sulyap niya dito ay nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya.

At naaapektuhan siya ng titig na iyon. Ayaw man niya subalit ramdam niya ang apoy na dulot ng mga matang iyon. Kakaibang pagkauhaw ang naramdaman niya. Nawalan ng lasa ang kinakain niya. Dinampot niya ang baso niya at muling uminom. Saka niya napagtanto na wala na iyong laman. Sa sobrang tensyon niya ay hindi niya namalayang naubos na pala niya.

Napatingin na lang siya sa kaharap nang tumayo ito at salinan ng tubig ang baso niya.

“You should eat. Hindi puro tubig. Kagagaling mo pa naman sa panganganak,” nakangiting sabi ni Cenon.

Iniiwas niya ang paningin dito. “T-thanks.”

“Laizel, is there something wrong? Kanina ka pa walang gana,” nag-aalalang tanong ni Marla.

“Ah, w-wala. Okay lang ako.” Pinilit niyang ngumiti dito.

Magsasalita pa sana si Marla pero inunahan na ito ng binata.

“Maybe she's just tired.”

Lumipad ang paningin niya dito. Pero agad din iyong binawi nang makitang titig na titig pa rin ito sa kanya.

Ah! Ito na yata ang pinakamahabang hapunan na naranasan niya! Hindi naman siya makaalis dahil lalo lang makakahalata ang mga kasama niya.

Laking pasasalamat niya nang sa wakas ay matapos na ang kabagut-bagot na dinner na iyon.

Nagpaiwan siya sa mesa at tumulong sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Hindi siya inoobliga ni Marla na gawin ang bagay na iyon subalit ayaw niya nang makasama si Cenon sa iisang lugar.

Pakiramdam niya ay napakaliit ng mundo niya kapag malapit ang binata. Nahihirapan siyang huminga. Idagdag pa ang dibdib niyang tila minamartilyo sa tuwing nagtatama ang paningin nila. Tila may kahulugan ang bawat titig nito. May nababasa siyang kung anong emosyon doon. Was it longing and... hunger?

Napalunok siya ng laway nang maalala ang ipinahihiwatig ng mga titig nito. Ramdam niya ang init na gumuhit sa kanyang katawan nang maalala ang naganap sa kanila. It's almost ten months simula nang una't huli silang magkita. Hindi niya akalaing natandaan siya nito. O, baka naman nag-iimagine lang siya?

Napailing siya. Hindi dapat siya magpaapekto dito. Wala silang naging relasyon noon kaya hindi siya dapat maapektuhan ng presensya nito. Eh ano kung ito ang nakauna sa kanya? Ano kung ito ang ama ng kambal niya? Wala namang mangyayari.

“Laizel, ako na diyan.”

Nilingon niya si Manang Lorna. Hinuhugasan na niya kasi ang mga pinggan.

“Ako na po, manang. Magpahinga na po kayo. Tulog na naman po ang mga bata.”

“Sigurado ka? May bisita, ah. Ayaw mo bang makipagkwentuhan sa kanila?”

Umiling siya. “Family bonding po iyon. Ayaw ko pong makigulo. Sige na po. Okey lang po ako dito.”

“O siya, sige. Magpapahinga na ako. Ikaw na ang bahala diyan, ha?”

“Opo.”

Itinuloy niyang muli ang paghuhugas sa mga pinggan nang umalis ito. Napakadami niyang iniisip.

Napakamapaglaro talaga ng tadhana. Bakit kailangang maging kamag-anak pa ng mga taong kumupkop at tumulong sa kanya ang ama ng mga sanggol na iniluwal niya? Paano niya ngayon sasabihin kina Marla ang bagay na iyon?  O, kailangan pa bang malaman ng mga ito? Ang pagkakaalam ng mga ito ay iniwan siya ng kasintahan niya. Paano niya masasabing ipinagpalit niya ang dangal sa pera? Tiyak na bababa ang tingin ng mga ito sa kanya.

NOW THAT I FOUND YOUOnde as histórias ganham vida. Descobre agora