CHAPTER EIGHT

1.9K 80 0
                                    

CHAPTER EIGHT

HINDI na niya alam kung gaano katagal na naghinang ang mga labi nila. Kapwa sila hinihingal nang sa wakas ay naghiwalay ang mga labi nila. Hindi na niya alam kung sino'ng unang bumitaw.

Unti-unting iminulat ni Laizel ang mga mata. Nasalubong niya ang mapupungay na mga mata ni Cenon. Gusto niyang panuyuan ng lalamunan sa ibig ipahiwatig ng tinging iyon.

Iniiwas niya ang mga mata dito. Nag-iinit ang pisngi niya sa ginawang pagtugon sa mapusok na halik nito. Dahan-dahan niya itong binitawan at itinulak. Subalit hindi niya natinag ang katawan nitong nakadikit pa rin sa kanya. Unti-unti nang bumabalik ang huwisyo niya.

"You can't lie to me now, Laizel."

"Pakawalan mo ako." Muntik na niyang hindi marinig ang sariling tinig sa lakas ng pagkabog ng puso niyang hindi pa rin humuhupa.

Ilang saglit itong nawalan ng imik. Pagkuwa'y niluwagan ang pagkakayapos sa kanya. Hanggang sa tuluyan na siya nitong bitiwan.

Waring nakahinga siya nang maluwang. Pero ngayon niya lang napansin ang panginginig ng tuhod. Napasandal siya sa lababo'ng nasa likuran niya upang hindi siya tuluyang matumba.

Alam niyang nakatitig pa rin ito sa kanya. Ramdam niya ang nagbabagang tingin nito sa kanyang balat.

Dumaan ang ilang saglit na katahimikan. Hindi niya malaman ang gagawin. Naiilang na rin siya sa titig nito.

Mukhang wala pa rin itong balak magsalita.

Mas minabuti niyang humarap na lamang sa lababo at ipinagpatuloy ang naudlot na paghuhugas ng pinggan. Nanginginig ang mga kamay na dinampot niya ang isang baso at ang sponge. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat nang sa wakas ay nagsalita ito.

"There's a belief in our family that I will have twin kids. A girl and a boy..."

Napatuwid ang likod niya. Itatanong ba nito kung anak nito ang kambal? Aamin ba siya?

Hindi siya sumagot. Hinintay niya lang itong magsalita. Narinig niya ang paghila nito ng silya.

"Tell me, nag... nagbunga ba ang nangyari sa atin noon? Ako ba ang ama nila?"

Lalong hindi siya nakaimik. Sasabihin niya ba ang totoo? Kung sabihin man niya, maniniwala ba ito? May mangyayari ba kapag umamin siya?

Alam niyang may karapatan itong malaman ang lahat, pero paano kung kunin nito sa kanya ang mga bata? Ayaw niyang isipin na papanagutan siya nito. Sino namang tangang lalaki ang susuong sa responsibilidad sa isang babaeng hindi naman nito kilala? Ito ang ikalawang beses na nagkita sila. Bagaman hindi niya maitatanggi sa sarili ang masidhing damdaming nararamdaman nyia dito, hindi niya alam kung ganoon din ang nararamdaman nito. Sa yaman nitong iyon baka iniisip nito na isa siyang oportunista at ginagamit niya ang dalawang bata para makuha ang gusto niya.

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya nang kurot sa dibdib sa isiping iyon.

NOW THAT I FOUND YOUOnde histórias criam vida. Descubra agora