Natawa siya sa sinabi ni Marla.

"Ikaw naman, mas lalong gumaganda."

"That's the reason why you are my favorite cousin. Magaling kang mambola."

Nagkatawanan sila.

"By the way, Cenon, how's the company?"

"Doing great, Lolo Max. You're too busy nowadays. Hindi ka na tuloy nakakadalaw sa company."

"Busy in doing nothing! Ewan ko ba kung bakit kailangan pang magretire. Namimiss ko na ang office!"

"Dad, you know naman your blood pressure. Besides, matanda ka na," ani Tita Mely.

"Hah! Kalabaw lang ang tumatanda! Hindi ba, Marvin?"

"Mismo!"

At nag-high five pa ang dalawa.

Muling napuno ang silid na iyon ng tawanan.

Natutuwa talaga siya sa kambal na ito. Kahit ilang unos na ang pinagdaanan ay nanatili pa ring matibay ang samahan ng mga ito bilang magkapatid. At tila hindi iniinda ang katandaan. Maliliksi pa ring magsikilos.

"Teka, mabalik tayo kay Cenon..." bumaling sa kanya si Lolo Max. "May mapapangasawa ka na ba, iho?"

"Po?" Nabigla siya sa tanong nito. Ikaw ba naman, out of the blue ay tanungin ng gano'n?

"I just ask. You're already twenty five. Legal na para mag-asawa."

"Oo nga naman, iho," segunda ni Lolo Marvin. "Besides, nasasabik na kaming makita ang magiging apo namin sa iyon. Lalo na ang twins."

Sa una pa lamang ay naniniwala na ang mga ito na kambal ang magiging anak niya. It's in the blood, 'ika nga. Every other generation ng angkan nila ay nagsisilang ng kambal mula sa kaisa-isang apong lalaki. And he is the one.

Gusto niyang pagtawanan ang paniniwala ng mga ito na iyon. Pero nang sabihin ng mga ito minsan na hindi ihohonor ang magiging anak niya kung hindi kambal, nagbago ang isip niya. Maybe kailangan talaga niyang seryosohin ang paniniwalang iyon ng mga ito.

"Don't forget, Cenon. A boy and a girl," tukoy nito sa gender ng magiging twins niya.

"I'm keeping it in my mind, Lolo Max."

"Then who's the lucky lady, grandson?"

"Ahh... Lolo Marvin... kasi..." Hindi niya malaman ang isasagot. Hindi naman sa ayaw niyang mag-asawa. May girlfriend pa nga siya ngayon na kahit ora-orada niyang yayaing magpakasal ay papayag. Ang kaso ay hindi pa siya handang mag-asawa. Pakiramdam niya ay masyado pa siyang bata para doon.

"Siguro'y hindi pa ready'ng mag-asawa si Cenon, dad. We have to give him time," salo ng dad niya. Nahalata siguro nito na uneasy  na siya at walang mahagilap na sasabihin.

"Alright. Pero 'wag masyadong matagal, ha? We have to see our twin grand-grandchildren first before we leave this earth."

Tumango na lang siya.

"Thanks, dad," bulong niya sa ama.

Tinapik lang nito ang balikat niya.

"TSK. Tsk. Tsk..."

Napailing na lang si Laizel habang tinitignan ang laman ng wallet niya. Kinuha niya ang nag-iisang papel na naroon.

"Limang daan para sa isang kinsenas? Mabuhay kaya ako nito?"

Sa katapusan pa ang sahod niya, sampung araw pa mula ngayon. Nagtatrabaho siya bilang cashier sa isang convinience store. Hindi ganoon kataas ang sahod pero mapagtityagaan na.

NOW THAT I FOUND YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora