27-Friend Or Enemies

89 7 6
                                    

Friend Or Enemies

(ETHEL's Point Of View)

"Let go of me you fucking bastard!"

Hinang hina na pero nagawa paring sumigaw ni Odeza habang hawak siya ni Carl, isa sa mga alagad ni Sandy.

Anong ginagawa ng rank three dito sa pwesto namin? Alam ba nilang wala si Amanda kaya ang lakas ng loob nilang sumugod?

"If the Arena know this talagang matatanggal kayo sa rango," halata ang pananakot sa boses ni Summy.

"And you think matatakot mo kami sa ganyan?Ms. Muse?" ngising wika naman ni Hans.

Mas hinigpitan pa ni Charles ang pagkakahawak sa braso na naging dahilan upang umawang ang nakatiklop kong labi.

"Anong plano niyo sa Arena?! Are you trying to ruin the Aren huh?!" sigaw nito.

Buong lakas kong inapakan ang paa niya at sinipa siya sa mukha, hindi kami nag insayo para lang mapatumba ng mga tarantadong 'to. I don't want to disappoint Amanda, marami siyang ginawa para sa amin at kami naman ngayon ang may gagawin para sa kaniya.

(AMANDA's Point Of View)

May hindi maganda akong kutob, after kong makita ang lalaking nag ngangalang Sandy Fableon para hindi na mapanatag ang puso ko.

"I have to go, May hindi ako magandang nararamdaman at ayokong balewalain ang pakiramdam na'to."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Chase Liam at agad ng tinakbo ang daan patungo sa kinaruruonan ng grupo ko, nanlaki ang mga singkit kong mata ng makitang halos basag ang iilang ilong ng mga lalaking sumugod.

"Anong nangyayari dito?" agad kong tanong.

Unang lumapit sa'kin si Ethel na may pasa sa kabilang pisnge at may hiwa sa braso. "Pinasok nila ang lungga natin kaya tinuruan namin ng leksiyon."

"Humihinga pa ba 'yan?" turo ko sa lalaking dumudura na ng dugo.

"Matitibay ang sikmura ng mga yan," sagot naman ni Summy.

"They're Sandy's group mates. The weird Rank Three."

May kinalikot na kung ano sa laptop si Odeza bago ito iniharap sa'kin. May mga slides doon na nag papakita ng private information ng mga taong walang malay.

May lalaking nag ngangalang Charles at Carl Llanita, hindi ko alam kung mag kapatid lang ba sila o kambal. Meron pang Hans na hindi naman handsome at ang huli ay ang lalaking mukhang adik na si Sandy Fableon. Ang leader ng grupong tinangkang sirain ang grupo ko.

"Itali ang mga iyan, kailangan nolang manatili dito hanggang bukas. Hindi ko hahayaang maging malakas sila afte ng ginawa nila sa inyo. Leave them after niyong itali, ako na ang bahala sa kanila."

Ginawa nga nila ang inutos ko kaya bumalik ulit sa laptop ang atensiyon ko, pinag-aralan kong mabuti ang ugali at buhay na meron ang bawat isa sa kanila, ang kahinaan at kalakasan na meron sila ay kinabisado ko rin. Kailangan kong makilala ang mga kalaban bago bumawi sa gulong ginawa nila.

Linapitan ko ang tatlong lalaking walang malay at nanlilisik ang matang kinuha ang mga cellphone nila hanggang sa mag ring ang cellphone na kulay pula, walang lock ito kaya kita kong si Sandy ang tumawag kaya sinagot ko.

"How is it? Bilisan niyo bago pa kayo mahuli ng leader nila. Linisin niyo lahat ng kalat at ayokong makarating sa Arena ang mga ginawa niyo."

Nang gigil agad ang ngipin ko bago sipain ang lalaking tingin kong owner ng phone.

"Paano kaya kung kalat mo ang linisin ko Sandy? Matutuwa ka kaya kung regaluhan kita ng malamig na bangkay? Mag papasalamat ka kaya kung iyon ang gawin ko?"

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now