22-Nobody Vs. Imposters

81 5 0
                                    

Nobody Vs. Imposters

"Handa na ba ang lahat para masaksihan ang pinaka unang laban ng Nobody?! Kung handa na wag makakalimutang huminga habang nanunuod kung gaano nila o sila pababagsakin ng Imposters Gang!"

Kahit kaunting kaba wala akong maramdaman na para bang hindi nakasalalay ang buhay ko at buong Mercury sa laban na ito.

"Putangina master nanginginig kamay ko!" malakas na sigaw ni Summy para marinig namin.

"Kumalma ka lang mas magaling ka kaysa sa mga babaeng yan."

Tinawag ng host si Summy at isang member ng grupo ni Vallery, kahit matagal na kayong lumalaban hindi ako naniniwala na walang dayaang nangyayari dahil hindi naman kayo magagaling para mapunta sa ika-limang rango.

Isang nang iinis na ngisi ang nakita ko habang pinasadahan ng tingin si Summy mula ulo hanggang paa.

Iba ang ugali ni Summy at mabilis lang din siya mapikon, sana naman hindi niya hayaan na lamunin siya ng inis ngayon dahil pag umiral ang inis niya hindi na niya makakaya pang kontrolin ang sarili.

(SUMMY's Point Of View.)

"The loser muse is now here and fighting with me ha? HAHAHA at talagang sumali kapa sa mga mahihinang yan," ngisi nito.

Huminga ka Summy pakalmahin mo yang puso mo dahil baka mapatay mo ang babae na yan.

"I'm not a loser bitch dahil hindi mo naman ako kauri, hindi tayo pareho ng magulang kaya bakit ako magiging kagaya mo?" sarkastiko kong tanong.

Nawala ang ngisi niya sa labi at humugot ng isang kutsilyo sa gilid niya, before mag start ang laban may mga armas na o proteksyong nilagay ang host at facilitators dito para gamitin.

She choose to use the small knife habang isang pamaypay na kahoy ang kinuha ko, hindi ko alam kung paano gamitin to pero nakuha niya ang atensiyon ko.

"Are you insulting me?!" her.

"Are you insulted?"

Ilang beses niya kong sinugod gamit gamit ang maliit na kutsilyo pero walang pagud at hirap ko itong iniiwasan.

Hindi masamang umamin pero ang pag hihila namin ng malaking gulong na iyon ang nag bigay sakin ng dagdag lakas para hindi mabilis mapagud.

Nang makita kong bumibilis ang pag hinga niya sinyalis na hinihingal na mabilis kong pinalo ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo. Hindi niya inaasahan ang galaw kong iyon kaya nabitawan niya ito at umatras.

Kinuha ko ang pag kakataon na iyon para sipain ang armas niya palayo sa kanya bago umpisahan nang sumugod.

Dahil nga sa isang kahoy ang pamaypay na ito alam ko kung gaano kasakit kahit ang mahina lang na pag hampas. Hahampasin ko pa sana ng malakas ng may mapansin akong button sa pinaka baba nito na hinahawakan ko.

Pinindot ko ito at nagulat akong mag karuon ng matatalas na metal ang dulo ng pamaypay, hindi lang pala ito isang ordinaryong pamaypay pansangga kundi isa ding nakakamatay na armas.

"Raise your hands bitch before i stab you using this sharp fan."

Sinundan ko ang tingin niya at dumapo ito sa mga kagrupo na masama ang tingin sa kanya. Wala siyang choice kung hindi ang sundin ako, dahil dalawa lang ang choices niya it's either she surrender or she'll die.

(ETHEL's Point Of View)

Hindi ko mapigilang magalit sa dating kagrupo nong ako ang nasa sitwasiyon na iyan at piniling sumuko nalang hindi nila ko tinanggap pero ngayong nakikita ng dalawang mata ko kung paano itaas ni Queeny ang dalawa niyang kamay pero malugod parin siyang tinanggap nila Vallery, parang nararagdagan lang ang galit at puot ko sa kanila.

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now