15-Annoyed

75 7 0
                                    

Annoyed

"Anong nangyari sa usapan niyo?"

Halos masipa ko ang taong bigla lang nag salita sa likod ko.

"Punyeta ka! Nakakagulat ka kaya!"

Tumawa lang siya bago mag lakad paalis, sinundan ko naman siya dahil hindi ko pa alam ang daan palabas sa pasilyo na to.

Kumpara sa lalaking nasa office kanina, iba ang aura ng isang to para siyang goodlucky guy, yung easy going lang tapos walang pakialam sa pangyayari lalo na kung hindi naman siya involve.

"Are you following me?"

Hindi ko na mapigilang matawa dahil sa tanong niya. Malamang i'm following him dahil nga sa palabas siya at ganon din ako, hindi ko alam kung aling daan ang dapat daanan at iisang daan lang ang daanan namin kaya mukang ganon na nga.

"Hindi ko alam kung paano lumabas," kamot batok kong pag amin.

Nag kibit balikat lang siya bago simulan ulit ang pag lalakad, hindi ko alam kung binagalan niya ba dahil nag lalakad ako sa likod niya para narin makasabay ako at hindi mawala, or talagang mabagal lang siya.

"Hindi naman tayo dito dumaan kanina ah," pansin ko.

Huminto siya sa pag lalakad tapos humarap sakin malapad ang ngiti niya at namamanghang mga mata.

Anong nakakabilib don? Na sinabi kong mali ang dinadaanan namin? Hindi ko man kabisado ang pasikot-sikot pero alam ko kung anong itsura ng mga pader na dinadaanan namin.

Papunta dito hindi kami dumaan sa isang room na may paintings ng butterfly at clouds pero ngayon nadaanan namin yun.

Kanina ko pa napapansin na iba talaga ang mga pasilyong dinadaanan namin dahil wala din akong nakitang glass door nong papunta kami pero ngayon himala at meron na... Nakakasilaw pa!

"Hindi ko alam na matalas pala ang memorya mo?"

Ngumisi ako dahil sa naging komento nito, "Hindi ako mapupunta dito kung uuto-uto lang ako kagaya ng mga kilala mo."

Nakakairita ang pamamaraan ng pag titig niya ayokong may namamangha sakin kahit wala pa naman akong ginagawa.

"No wonder na subrang init ng mga mata niya sayo.. Hindi ka nga naman talaga isang normal lang."

"Muka ba kong may super powers?" bara ko dito.

Naiirita man pero pinanatili kong kalmado ang sarili.

Ang masama dito pag mapikon ako at hindi ko makaya baka hindi na ko makalabas pa sa building na to, ang pag kakaalam ko maraming patibong sa area na to dahil building to ng officers.

Marami na before ang nag tangkang nakawan ng files ang officers kaya gumawa sila ng mga patibong para mahuli o mapatay ang mga yun. Well kwento lang naman sakin ni Summy yun hindi ko lang sure kung totoo.

"Mabuti, hindi ka niya sinaktan kanina."

Yung lalaking nasa loob ba ng office ang tinutukoy niya? Malamang iyon lang naman kasama ko kanina.

Palihim ko siyang inirapan. "Bakit niya naman ako sasaktan? As far as i remember wala akong ginawang masama sa kanya.. nihindi ko nga siya kilala."

Natawa naman siya sa naging sagot ko. "So brave, what a wild tiger with a cute kitten height."

Ouch, biro ba talaga ang isang iyon? Parang personalan na ah. Porket ba ang gwapo niya? Binabawi ko na yung mga naging comment ko sa kanya, hindi na pala siya cute o gwapo pangit na siya para sakin mula ngayon.

"Ang sama naman ng biro mo pre."

He laugh and tap my head. Wow feeling close yan?

"Tara na alam kong pagud ka sa kakahanap ng members mo."

Dahil sa sinabi niya may naalala tuloy akong tao, yung about kay Odeza nalang ang problema ko and after that makakasama na namin siya sa gang at makakapag laban na kami sa arena.

"Yung kasama mong lalaki sa room before," panimula ko.

Nag kwekwestiyon niya naman akong tinignan. "Dalawang lalaki ang kasama ko. Alin don sa dalawa?"

"Yung maraming tatto? Tapos yung lalaking cool tignan meron din siyang hikaw sa ilong at gilid ng labi," explain ko sa mga nakita.

Tumango tango naman siya at nilagay ang isang daliri sa baba na para bang ang lalim ng iniisip niya.

"Naalala ko na! Si Frank ba ang tinutukoy mo?"

Frank? Iyon ata yun eh, bakit ba kasi hindi ko maalala ng maayos yung pangalan ng batang yun?

"Alam mo dorm niya? Saan ba siya laging tumatambay?"

Tinaasan niya ko ng kilay pero hindi ko ito pinansin maybe sa kinikilos ko nag tataka siya kung bakit hinahanap ko yung Frank na yun.

Don't get me wrong dude, nakasalalay sa lalaking iyon ang pag kabuo ng grupo ko, kaya isipin mo na lahat hindi ko na problema yun.

"Ikaw ha, ayaw mo kay Chase kasi si Frank ang gusto mo.."

Dude? What's with that panunukso?

"Siraulo, si Odeza ang may kailangan sa kanya hindi ako kaya sabihin mo na kung nasan siya," irap kong sagot.

"Well, lahat ng officers ito ang building maliban lang kay Summy dahil mas gusto niya yung normal lang at malapit sa mga regular na tao," mahaba niyang salaysay.

"Tapos?"

"Nandito lang din sa building na to ang mga officers kaya hanapin mo nalang."

Nag simula na siyang mag lakad lakad kaya mabilis ko naman siyang sinundan dahil baka mawala ako sa lugar na to.

"Bakit hindi mo nalang ako tulungan? Like dzuh hindi ko alam ang pasikot sikot ng building na to kaya nga kita sinundan kanina pa eh," mas binilisan ko pa ang pag lalakad dahil hindi siya tumitigil sa pag lalakad. "Ano ba help me naman you're so annoying as fuck!"

Nakikita kong nag tataas baba ang balikat niya.

Is he tumatawa? Nakakainis naman! Ngayong araw na ang deadline ng usapan namin ni Odeza at isa pa pag ngayon ko makausap mas magiging early ang training namin at makakasali na kami ngayon palang sa gang fight.

"Nandito na tayo."

Tumigil siya sa isang door na may malaking karatula, Knock And You're Dead. For sure ito na ang room ng lalaking hambog na yun.

Ano nga ulit ang paalala ni Odeza sakin? To ask Frank na makipag laban sa kanya using coding and computer?

"Ito na ba yun? Yung Frank na sinasabi mo?" pag su-sure ko.

"Muka ba kong nag sisinungaling?"

"Muka ka kasing sinungaling," banat ko.

Masama niya kong tinignan bago kumatok sa pintuan.

"Coming you fucker!"

Narinig kong sigaw nito bago sunod sunod na kumalabog ang kung ano sa loob.

"Good luck, alalahanin mo Chase can kill anyone para sa pag aari niya."

I showed him my middle finger.

"Fuck you and your Liam! Both of you are so annoying as fuck!"

He laugh and left.

Kasabay ng mga hakbang niya ang pag bukas naman ng pintuan at tumambad sakin ang lalaking gusto makausap ni Odeza.

Well, wait for me Odeza dahil simula ngayon magiging member kana ng Nobody Gang.

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now