21-Defeat

79 4 0
                                    

Defeat

"Tumalon ka pa! May itataas pa ba iyang talon mo?! Tangina!" tumingin naman ako sa gawi nila Ethel at Summy. "Walang oras para mag pahinga! Hila! The fuck?! With fucking force!"

"Master time out muna! Hindi na ko makahinga eh!" reklamo ni Summy bago umupo.

Anong time out? Wala nga siyang ginawa kundi ang uminom ng tubig at umupo kung kunwari hindi ako nakatingin.

"Gagalaw ka o dadagdagan ko ng isa pang gulong iyang hinihila mo?!"

Para siyang nabuhayan ng dugo dahil sa sinabi kong iyon mabilis niyang hinawakan ang tali bago huminga ng malalim at hinila ang malaking gulong.

Hindi ko sila masisisi kung bakit ganyan sila mag react kahit sa mga simpling gulong lang, hindi sila nasasanay at ganyan din naman ako nong nag sisimula palang.

Hindi ko alam kung bakit ako tinuturuan ng Yaya dahil alam ko naman safe ko lalo na pag nasaloob lang ng mansion.

Pero nong araw na sinabi nilang aalis sila doon ko narealize na hindi sa lahat ng oras may taong gagabay at proprotekta sayo kagaya noon, at hindi ka dapat masanay na dumepende lang dahil dadating ang araw na kahit ang mga taong nangako sayong hindi ka iiwan, lilisan ng walang paalam.

Sa loob ng limang araw puro ganito lang ang ginagawa namin bago gawin ang hand to hand combat, ako mismo ang nag turo dahil kahit si Ethel na dating myembro ng gang hindi alam kung paano ang totoong pag sipa.

Sa mga araw na lumilipas nasasabi kong bawat minuto meron silang nalalaman at mas lumilinaw ang katotohanan na kaya nilang lumaban at mag kaisa sa kagipitan.

"Summy and Odeza alam niyo na ang gagawin before mag simula ang laban, pasukin niyo ang camera sa buong arena para malaman kung may dayang mangyayari," paalala ko.

"Ethel, na ayos mo na ba ang mga damit na susuotin bukas? Dapat maganda ang pag kakagawa," baling ko dito.

"Ayos na lahat Amanda hinihintay ko nalang ang safety boots at gloves na pinagawa ko sa isang kaibigan," she answered.

Nag thumbs up ako bago bumaling sa kalendaryo na nasa gilid lang ng inuupoan ni Ethel.

"Bukas na ang laban at alam kong hindi pa kayo masiyadong handa pero hinihiling ko na sana gawin niyo lahat ng makakaya niyo dahil hindi lang para satin iton, para din sa mga students na gusto ng umuwi at makasama ang pamilya nila."

Kampon ni Vallery ang makakalaban namin bukas at ito din ang dating grupo ni Ethel kaso dahil nga sa para sa mga ito, wala na siyang silbi. Pinakawalan nila kahit ang totoo mas may ibubuga itong si Ethel kaysa sa Vallery na leader nila.

Hindi na ko mag tataka kung bakit sasabihin ni Ethel na puro pacute lang ang ginagawa nila sa laban dahil iyon ang ugali ng leader nila. Pacute, pabebe, pavictim, and last pagago!

"Can i ask something?" Odeza asked.

"Ano?"

"You promised last time na ililibre mo kami ng ice-cream so what happend?"

Nakita kong humulma ng ngisi ang labi ng dalawa dahil sa narinig. Iba talaga ang utak nitong si Odeza hindi lang codes ang kayang imemorize pati narin mga promises na tatakasan ko na sana.

"Bukas, pag nanalo tayo hindi lang ice-cream ang ililibre ko."

"Tsk," tanging naging tugon niya.

"Sa ngayon mag pahinga lang muna tayo at mag isip ng mga plano o gagawin para matalo ang grupo nila, we want to win right? Then let's do everything para manalo," ngiti kong saad.

Kinabukasan, parang puno ng tensyon ang dorm ko dahil sa pagiging seryoso nila hindi narin maingay si Summy na labis kong pinag tataka.

Ganon ba sila mapressure? Nagiging subrang tahimik? Hindi man ako sanay sa ingay dahil nga mag isa at wala akong kaibigan pero mas hindi ako sanay na hindi sila umiimik o nag iingay manlang.

Lahat sila focus sa mga damit na gagamitin at computer para mamaya while me, chill and eating my breakfast.

"Kumain muna kayo parang byernesanto iyang mga mukha niyo eh, mamaya pa namang alas tres ang laban natin."

Para akong isang hangin dahil sa hindi manlang nila pinansin ang sinabi ko.

Wow naman ang sakit non ha, minsan na nga lang maging friendly tapos dipa papansinin? Pag kami nanalo, hindi ko ililibre ang mga to.

"Let's cancel the fight," malamig kong saad.

Trying to het their attentions at hindi din naman ako nag kamali dahil parang kulang nalang mapunta matanggal ang ulo nila sa katawan dahil sa mabilis na pag lingon.

"Cancel your ass," walang prinong sagot ni Odeza.

"Hindi kami nag hirap para icancel mo yung laban." Ethel.

"Wala namang ganyanan master," nguso naman ni Summy.

That's it finally nag salita din ang tatlo at bumalik sa pagiging isip bata itong si Summy.

"Hindi niyo ko pinapansin kaya dapat lang icancel iyon, i'm not sanay na ganyang kayo katahimik mas gugustohin ko pang maging maingay na parang aso't pusa itong si Ethel at Summy kaysa parang may lamay at halos hindi mag usap-usap."

Nag iwas naman sila ng tingin bago bumalik sa ginagawa.

Dumaan ang ilang oras pero ganon parin ang pangayayari, natapos nalang mag bihis at papunta na sa arena pero hindi talaga sila umiimik.

"This will be our first fight as a group! Let's do our very best!"

Pumuntang kwarto si Summy at Odeza para ihack ang cameras all over the arena para iwas cheat pag may tinatagong mga armas.

Hindi na bago sakin ang ganito dahil noon pa naging libangan ko na ang pumatay at lumaban ng mag isa, lahat ng mga taong nasapaligid ko puro kalaban na handa akong sugurin para kunin ang truno ko.

"Vallery is hiding a niddle hindi ko alam kung ano ang gagawin niya don pero for sure makakapatay iyon ng tao," imporma ni Odeza.

"Her snakey members brought a small knife nakaintall iyon sa boots nila na makakasugat pag sinipa tayo," turo naman ni Summy.

What a trash, ganyan sila mag plano? Mukhang walang bago sa labas man o loob ng school na ito. Parating ginagamit ng mga kalaban ko ang mga santada o kagamitan na iyan kaya hindi na ko mabibigla kung pati dito gagamit yang laos na paraan.

"Log out na kayo tinatawag na tayo nong host sa arena, mag sisimula na daw ang laban," sulpot ni Ethel.

"Yung inutos ko?" i ask.

Binigay niya sakin ang isang kwentas na kayang mag buga ng kakaibang amoy na pag malanghap makakatulog at bukas pa magigising, pinagawa ko to dahil alam kong manganganib kami hindi dahil sa magagaling sila kundi marumi silang mag laro.

"May binugay na mask yung kaibigan ko, ito oh."

"Wag niyong gagamitin kung kaya niyo pang lumaban at iwasan ang mga maruruming ataki nila. Naiintindihan niyo naman ako diba?"

Sabay-sabay silang tumango bago isuot ang mask na prinovide para hindi kami makalanghap ng kahit anong usok.

"We will defeat them without using a dirty tricks dahil iba tayo sa kanila, we will defeat them using our fist cause we can kill without using knife."

Vallery the bitch, be fucking ready dahil tatalunin namin kayo at ipapakilala namin kung sino ang totoong reyna ng arena.

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now