7

350 18 74
                                    

(Joshua's POV)

Nasa library ako ngayon, maaga akong pumasok kasi nag review pa ako para sa quiz namin mamaya..madali lang naman 'yun pero kailangan pa din mag review, you can never chill so much pag College ka na eh.

Bakit hindi ko nagawa 'yun last night is because I had other important matters to attend to.

Minalas kasi, wala dun sa kung san kami nag dinner kagabi 'yung ice cream na gusto ni Lili, wala din sa mga convenience store malapit dito sa school. Kaya ang ending, nagpunta pa ako malapit dun sa school namin ni Jane dati. At thankfully nakahanap naman ako nung rocky road ice cream na gusto ni Lili.

Antok na antok na ako nung makauwi na ako sa dorm, hindi ko na kaya mag review pa kaya after setting my alarm ay natulog na ako. And now, here we are.

Yung ice cream, nakisuyo pa ako du'n sa cafeteria na ipa-freeze 'yun, syempre, nagbayad ako, wala ng libre ngayon.

Napapangiti nalang ako pag naaalala ko mga pinag-gagagawa ko because of Lili. Like, hindi naman niya alam lahat ng mga ginagawa ko for her, hindi niya ako pinipilit pero the fact na gusto kong gawin and ibigay sa kanya 'yung mga bagay na kaya kong ibigay na gusto niya, kahit na minsan mahirap hanapin, ewan, it gives me joy. Nakikita ko kasi na masaya siya. And it makes me happy too.

Napasandal ako sa upuan ko at napatingin sa ballpen na gamit ko, it's a pen given by Lili. Ang cute nung design, may sabit-sabit pa na panda. Hindi naman ako mahilig sa ganito pero somehow, natutuwa ako.

Lili's not only a genius, cute at maganda din siya kahit na napaka simple lang niya, mabait din, mabuting kaibigan kahit na nambabarda lagi at nanghahampas, talented din siya, nag audition pa nga 'yun both sa music at dance club, pareho siyang nakapasa pero mas pinili niya 'yung music, 'yung reason niya is ayaw niya na laging nakikita kuya niya, langya, ang babaw eh. Pero swerte na din ako sa part na 'yun, kasi dahil pinili niya ang music club, lagi ko siyang nakakasama, mas nakilala ko pa siya at habang tumatagal, mas lalo akong nahulog sa kanya.

Gusto ko ng umamin kay Lili, pero hindi ko alam kung kailan ko magagawa 'yun. Ang alam ko lang, hindi ako umaasa na magiging mutual ang nararamdaman namin.

Alam ko naman kasi na impossible. Alam ko kasi na kuya at kaibigan lang ang turing niya sa'kin.

Buti nga napatigil ko na siya sa kaka-kuya niya sa'kin eh. Isang taon din kaya niya akong tinawag na kuya.

Pero alam nila Jea, Jane, Joj, Pao at ng buong grupo maliban lang kay Lili na may nararamdaman ako para dito. Alam din nila na kahit gustong-gusto at mahal ko ito ay ni minsan, for real, there was never, not even a single time na nag take advantage ako. Close kami ni Lili pero hindi ako touchy sa kanya, hindi din naman siya touchy na tao eh, maliban lang sa part na nanghahampas siya.

At 'yun ang dahilan kung bakit boto sa'kin si Pao para kay Lili. He knows I respect his sister so much. But then again, kahit pa boto sa'kin si Pao, if Lili does not have the same feelings for me, then, wala pa din.

And it's okay. Gusto ko lang naman umamin..deserve din naman kasi ni Lili malaman na 'yung taong kuya na din ang tingin niya ay mahal siya ng higit pa sa pagiging kapatid at kaibigan.

If may magbago, sana hindi maka apekto sa samahan naming lahat. Nakausap ko naman din ang lahat tungkol sa plano ko, they agree naman na dapat umamin na din ako kay Lili. Now, I'm just waiting for the right time.

Wala din talaga akong swerte sa love. Just like what Joj said about me and love, real na real talagang wala akong swerte dun.

Dalawang babae na kasi ang minahal ko at nagustuhan bago si Lili. It was only between me and Joj, secret namin. Hindi na din naman kasi need pang sabihin, tapos na eh, masaya na ang lahat at okay ako sa naging desisyon kong hindi magsalita tungkol du'n.

But yeah, the first girl I fell for was Jane. Simula bata palang kami, crush ko na siya, when we grew older na realize kong mahal ko na pala siya..kaya lang, Juls fell for her din pala. I saw them happy and so wala akong sinabi. I watch them both be in love and fell apart, I saw them mend everything and be okay. Akala ko hindi ko na mahal si Jane, but then, akala ko lang pala. Hanggang sa pinilit ko ang sarili kong 'wag na lalo pang mahulog, na 'wag na siya lalong mahalin. And with that, I succeeded. Being her best friend is enough.

Years later and College came. Unang kita ko palang kay Jea, gusto ko na agad siya. Kilig na kilig pa ako nung nagkausap kami the first time. I even told myself na sasabihin ko agad kay Jane na may nagugustuhan na ako, after years of not having a crush on someone. Hindi ko naman kasi sinabi kay Jane na minahal ko siya kaya clueless siya sa part na 'yun, so naging excited din ako na finally, may crush na ako, crush na pwede kong sabihin sa kanya.

Pero naudlot agad. Wala pang tatlong oras, urong agad ako. The moment I saw how Jane stood there in awe habang kaharap si Jea, I knew I had to stop crushing on the latter.

In Joj's words "wala pa nga, nganga ka na agad.." and she's right. Kaya that time, na established na naming malas ako sa pag-ibig.

And with Lili now. Well. Ganu'n pa din talaga.

I sigh as I heard the first bell ring sabay niligpit ko na mga gamit ko.

"Lord, kung hindi si Lili ang para sa'kin.....bakit hindi?" I asked as I started walking out of the library, may 5 minutes pa naman before class starts at malapit lang room ko.

+++++

NOTE: Joj and Joshua's POV's tayo for now. 😁 Silip lang sa mga iniisip at pinagdadaanan ng best friends nila Jane and Janella dito sa story 😁

Good evening.

What Separates UsWhere stories live. Discover now