6

348 17 56
                                    

(Joj's POV)

Nasa sala ako ngayon, naghihintay na matapos si Jea maligo, hindi pa din sila okay ni Jane since if ever okay na sila, hindi dito maliligo 'to eh. Wala ding Jane na kumatok kanina sa pinto namin para lang personal na mag good morning kay Jea. She does that dati eh. Hayyy.

Kung tama yung counting ko, today yung fourth day ng cool-off nila. Kita ko naman kung pa'no yung effect nung cool-off na 'yun sa kanilang dalawa. Actually, lahat kami sa group napansin na naming may kakaiba sa kanila day one palang.

Hindi naman kasi mapaghiwalay 'yung dalawa tapos bigla-biglang nagbago na.

Naalala ko pa dati, 'yung dahilan bakit napaamin 'yung dalawa ay dahil du'n sa kalokohan ko about Marc being Jea's manliligaw.

Naisip ko, why not gawin ko ulit 'yun? Yung maging cupid ng dalawa? But then, ang insensitive ko naman kung mangingialam pa ako in that way. I can see them both hurting and surely, ang pagselosin yung dalawa is not the right way to help them, mas makakagulo lang 'yun eh. The best way is to be there for the two of them, kita naman kasing mahal pa talaga nila ang isa't-isa, support ang kailangan nila in this situation, that and guidance din.

Shiiit! Character development na ako nito! Naalala ko na naman 'yung sermon sa'kin ni Jea dati eh, binagabag ng sobra 'yung konsensya ko nu'n. Ayuko nalang talaga ulitin 'yung ganu'n, ang red flag ko dun jusko! Buti nalang talaga d ako natusta nila Jea at Jane. Grabe ang takot ko nu'n sa dalawa eh, buti nalang talaga andun si Josh to back me up.

Speaking of Josh, natatawa nalang ako everytime nakikita ko siya. Langya naman kasi, 2 years na siyang may gusto kay Lili.

Akala ko nga dati simpleng crush lang 'yung nag kwento siya na may naka eye-to-eye siya sa opening ng school dati eh, the very first time na tumugtog kami as a band, 'yun din pala 'yung first time na nagkita sila ni Lili.

I didn't know he was down bad for her, hinanap pa pala niya tapos nalaman niyang kapatid pala ni siraulong Paolo. God, the laugh and mocked I gave him nu'ng nag-usap kami na kaming dalawa lang. Walang swerte sa pag-ibig 'yung lalaking 'yun, kahit kailan, for real.

Si Lili naman, she's mature for her age, kaya nakakasabay din siya sa mga kalokohan at serious topics namin. 2 years na silang magkaibigan ni Josh pero sobrang clueless niya na hulog na hulog si Josh sa kanya.

Nakakatawa nga kasi ang motto pala nu'n sa buhay is "never assume unless stated", kaya tuloy si Josh, parang kuya lang yata ang role sa mundo ni Lili. Kawawang Josh.

Kung may gusto man si Lili kay Josh, hindi ko alam, hindi ko naman matanong si Pao kasi puro barda lang naman kasi nakikita kong ginagawa ni Lili sa kanya. Mag kuya nga 'yung dalawa pero tiklop si Pao sa kanya.

And, speaking of Pao...we really started as friends with obvious attraction for each other. I remember unang kita ko sa kanya, wala akong pakialam eh, busy ako sa love life at maging kupido para kina Jea at Jane. Tapos, when I saw him the second time sa back stage before our first performance as a band, I noticed him na. And the third time, sa may dagat, nung gumala kami ng barkada for a celebration, it was unexpected na andun din siya with Lili. And the fourth day, 'yun talaga 'yung time na I recognized na indeed, crush ko nga siya.

Flashback

"Lord!!! bakit kailangan ganito 'yung daanan!!!" mangiyak-ngiyak ko pang sabi. Pa'no ba naman kasi, hanging bridge 'yung dadaanan namin. Hindi naman ako takot sa heights pero pa'no naman kung maputol 'to bigla diba?!

"hey, Joj right?"

"ay palaka ka!" halos tumalon ako sa gulat. Langya! Bakit ako ginugulat nitong sino ba 'to?!

"sorry, I didn't mean to scare you." ay takte, si Paolo pala 'to.

Nag smile nalang ako sa kanya, ang awkward, tinanong lang naman niya ako kung Joj ba pangalan ko pero tinawag ko na siyang palaka.

"ahm, oo, Joj name ko. sorry pala natawag kitang palaka." sabi ko nalang, sana naman hindi siya magalit noh?

Forda gulat lang naman ang ferson eh.

"okay lang, gets ko namang nagulat ka tsaka you're also kind of scared, am I right?" tanong nito sa'kin.

Ay shiit! ang ganda nu'ng ngiti.

"o-oo eh." sagot ko nalang kasi totoo din naman talaga, ide-deny ko pa ba?

Asan ba kasi 'yun si Josh eh!!! Kung maka guide naman du'n kay Lili akala mo kailangan ni Lili nung guidance, takte, mas matapang pa nga si Lili sa kanya eh!

"---you." napatingin naman ulit ako kay Paolo, teka, ano ba sinabi niya?!!!

"huh? ahm, sorry, natingin kasi ako sa kapatid mo eh, d takot sa hanging bridge at sa heights." sabi ko sa kanya that made him smile again.

jusko yang ngiti na 'yan, model ba 'to ng toothpaste??!

"sanay na kasi kami ni Lili, we come here almost every year eh. nakakatawa nga kasi nagta-try umalalay si Joshua sa kanya pero parang siya 'yung inaalalayan ni Lili." sabi nito tsaka sumilip sa dalawa.

Wala na, nakatunganga nalang ako dito kay Paolo. Langya.

"anyways, sabi ko pala..." sabi nito sabay tumingin na ulit sa'kin.

"you can hold on to my hand for support, so that makatawid ka..you know, to help you." dugtong nito and umu-o naman agad ako.

"oo, sige, salamat." shiiit, masyado bang obvious na excited ako?!

He smiled at me ulit at in'offer sa'kin ang right hand niya na hinawakan ko naman.

Shiiit!

Mukhang mabago pero mabango talaga. [√]

Tsaka mukha siyang mayabang pero hindi pala.

"dahan-dahan, okay lang 'yan, andito ako." he said as he gently squeezed my hand.

Yup. D ko na ide-deny mga accusations sa'kin ng barkada, crush ko nga talaga itong si Paolo.

End of flashback

Since then, naging magkaibigan kami ni Paolo. Ang dami naming nalaman about each other, nagbabardagulan nadin kami pero mostly, siya lagi 'yung nagpapatalo.

Napaka gentleman din tsaka maalaga. Until he admitted his feelings for me 6 months after that hanging bridge moment. Pinayagan ko siyang ligawan niya ako, syempre.

But then, natakot ako sa mga sasabihin ng iba eh. Kahit naman kasi alam kong may ibubuga naman ako sa academics, talent at ugali, natatakot pa din akong makumpara sa mga nagkakagusto sa kanya. Ang dami kaya niyang fan girls dito sa school, hindi ako ready for the drama, for the stress at sa kung ano pa. Kaya ayun, binasted ko.

And he accepted it without bad feelings against me. He respected my decision. Pero sabi niya sa'kin, liligawan niya ako ulit pag pumayag na ako, baka daw kasi that time, ready na din ako.

Hanggang ngayon, walang nagbago, siya pa din and ramdam ko naman na ako pa din 'yung gusto at mahal niya. And I am very lucky kasi hindi siya nagsasawa na iparamdam 'yun kahit na wala namang kami. And of course, I know na hindi niya deserve 'yung ganitong situation..kaya sana, sana maging ready na din ako, sana hindi na din ako matakot. Kasi jusko. Paolo is one of a kind.

What Separates UsWhere stories live. Discover now