Chapter 39: STAB! STAB! STAB!

73 4 7
                                    

Date Published: November 29, 2022

==================================================================

Rejs Shneider POV

Maraming ng namatay sa grupo ko dahil sa pesteng batang kaharap namin ngunit kahit ganun ay may napapatay rin kami sa grupo niya.

"Boss, mukang yung kapatid ni Equinoxx ang kaharap natin ngayon. Balita ko malakas din ang batang 'to." Bulong sa akin ng isa kong kasama.

Kilala ko ang kapatid ni Jay dahil madalas niya itong ma kuwento sa akin kapag pumupunta ito sa shop ko, alam ko rin na mainitin ang dugo nito kung kaya nakaisip agad ako ng paraan upang makuha ang atensyon nito.

"Heh! Jasper, alam kong ikaw yan!" Sigaw ko, alam kong magtataka ang batang ito kung bakit alam ko pangalan niya hahaha.

"Alam ko rin na nasa kabilang site si Kuya Jay mo hahaha. Pero 'wag kang mag-alala kaibigan. Dahil apat lang ang pinadala ko na makakaharap ng grupo ni kuya mo." Saad ko, dahil totoo naman talaga na apat lang ang ipinadala kong miyembro ng clan ko.

"Gago! Minamaliit mo ba kami?!" Sigaw sa akin ni Jasper at sa tuno ng boses niya ay alam kong naiinis na 'to sa akin pero ito talaga ang plano ko ang inisin siya para hamunin siya ng one on one.

"Hahaha. Ano naman ngayon kung oo?" Sagot ko sa kanya at napansin kong tumayo siya at tama nga ang hinala ko na punong-puno na ito sa pang-iinis ko sa kanya.

"Lumabas ka riyan. Gago ka, harapin mo ako kung hindi ka duwag!" Naiinis na sigaw nito.

Tumayo na ako habang naka ngisi dahil successful ang pang-aasar ko kay Jasper.

"Boi, sino ba tinatawag mong duwag? Ako ba o ang sarili mo?" Pagkasabi ko nun ay nagsitawanan ang mga kasama ko na mas lalong nakapainit ng dugo ni Jasper.

"P*tang i** mo! One on one na lang, ano!?" HAHAHA huli ka boi, wala kang kawala sa akin.

Hindi ko makukuha ang title kong bounty hunter kung hindi ako magaling sa one on one.

"Hinahamon mo ba ako bata sa isang duwelo? Sure, walang kaso yan sa akin pero parang wala yatang thrill kung gagamit tayo ng baril. So, ano bata tinatanggap mo ba hamon ko?" Saad ko dahil mas magiging epektib ang title ko kung hahamunin ko siya sa melee combat.

Pansin kong sumeryoso ang mukha nito at mukang nag-iisip kung papayag siya o hindi na melee weapon lang ang gamitin namin.

"Heh! Pumapayag ako, walang hamon na hindi ko inurungan." Patay ka ka sa akin boi, hindi mo ata alam na sikat ang clan namin dahil sa melee weapon lang ginagamit namin kapag lumalaban.

"HAHAHAHAH! Yan ang gusto ko, okay men back up niyo sina Velocity, ako na bahala rito." Saad ko at agad namang sinunod ng mga tauhan ko ang uto ko kaya't dali-dali silang tumakbo papuntang site A.

Initusan din ni Jasper ang kanyang ibang kasama na pumunta sa site A upang alalayan ang kanyang kapatid na si Jay

"Tayo na lang dalawa ang nandito bata, ilabas mo na yang miliit mong sandata."
Saad ko, ngunit isa naman itong pang-aasar sapagkat may double meaning sinabi ko.

"Gago ka, hindi 'to maliit!" Sigaw nito at agad nilabas ang kanyang axe. Kakaiba ang axe niya dahil kulay pula ito at ang disenyo naman nito ay kakaiba.

"Ang ganda naman ng palakol mo bata ah? Pero mas mahaba at mataba ang aking sandata kumpara sa'yo." Agad kong nilabas ang aking baseball bat. Mayroon ding kakaibang disenyo ang baseball bat ko, dahil meron itong mga pako na naka uslit dito.

"Ano bata, handa kana ba?" Tanong ko rito.

"Tama na ang satsat, tanda!" Sigaw nito at kaagad na tumakbo papalit sa akin upang atakihin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPECIAL ASSAULT FORCE ONLINEWhere stories live. Discover now