15th Incident: Tattoo & Glasses 刺青と眼鏡

Start from the beginning
                                    

Marami pa rin talaga akong gustong malaman.

Nasaan ang filecase?

Sino ang batang umaaligid sa nanay ko?

Bakit ganun na lang ang panggugulo ng kapatid ni Ayako sa amin?

Bakit nagpakamatay ang thirteen people na 'yon?

Sino-sino sila?

Bakit itinatago ng police at ng Peculiar magazine ang lahat ng related sa 23:57.

Bakit huminto ang oras sa 23:57 nang mangyari ang event na iyon kay Daisy?

Paano kami makakawala sa sumpang ito?

Marami pang mga tanong na hinahanapan ko pa ng sagot. Sa totoo lang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip pa lang dahil hindi normal ang nangyayaring ito sa akin. Sa amin. At sa totoo lang, bakit ba kasi ako nasa ganitong sitwasyon?

Para akong na trap sa isang web of mysteries.

Wala na si Tetsu-san. Si Daisy naman ay nagpapagaling. Hindi ko lang alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya knowing that she is still in the curse. Wala na akong balita kay Investigator Yamamura. Kahit katapat ko lang si Ayako, I never knocked her door. Maybe because part of me wants give space and I want my own space too. Apart from the fact that crazy things are happening when we are together, I want to think thoroughly alone first. I want to be alone for the mean time and figure out things. Especially those that are related to 23:57.

May nagpatong ng green tea sa mesa ko. Si Oliver. Nakasuot siya ng pang manager na uniform.

"It's in the house." Senyales niya na libre niya na itong green tea sa akin. At sinamahan niya ako sa mesa.

"Thank you!" sabay tango ko kay Oliver at inilapit ko ang green tea sa harapan ko. "Did you visit Daisy?"

"Un. Earlier today." Sagot niya sa akin. "Noong una, akala ko hindi na ako papapasukin ni Nurse Riiko. Akala niya ako ang cause kung bakit nagsuka si Daisy. Pero ayun, naipaliwanag ko naman ang side ko at pinayagan ako."

"So you told her abou-" hindi pa ako nakakatapos sa gulat kong tanong ay sumago na agad si Oliver.

"No. No. I just told her that I panicked and I did things because of Daisy's condition. Somehow she believed that." Oliver told me with relief.

"So, what made you decide to stay in Private I Café?" tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot agad. Sa totoo lang, medyo alangan ako kay Oliver. He is also a mystery to me. Unlike Daisy who is very vocal about what she knows and what she wants to say, Oliver is quite different. Parang may parehong vibe sila ni Ayako...

At makalipas ang ilang segundo, sinagot ko ang tanong niya.

"Alone time. Gusto kong gamitin ang araw na ito para sa bagay na hindi konektado sa - alam mo na" pabulong kong sabi. "Pero siguro, bukas, kapag mag isa pa rin ako, magagawa kong mag imbestiga nang walang iisipin. Pero sa ngayon, gusto ko lang munang mag stay dito."

Kahit ngayong araw lang.

"I am doing the same thing pero, alam mo na. Busy pa sa café ngayon." At tumayo na si Oliver para bumalik sa trabaho.

"So, are you going to visit Daisy again?"

"Around 16:30 siguro. After my shift."

"I see."

23:57Where stories live. Discover now