Gusto ko lang naman magpasaya
gusto ko lang makita ang mga taong nakapaligid sakin na tumatawa
gusto ko lang na masilayan mga ngiti sa labi nila ay kukurbaBata palang ako pangarap kona maging isang payaso
magpasaya ng maraming tao
tanggalin sakit sa kanilang puso
wakasan ang lungkot na sakanila ay namuoSinubukan ko na magpatawa
Subalit walang pumansin sa aking ginawa
marahil busy lamang sila
kaya di nila nakita aking inakdaHuminga ako ng malalim
Habang nakatingala sa langit na makulimlim
Pumikit at nanalangin ng taimtim
Mapasaya ko sana sila bago dumilimSubalit ako'y nabigo
ng maalala sinabi ng auntie ko
Malalanta lang lahat ng lalapit sayo
Dahil salot ka sa lipunang itoAno mang gawing pagpapasaya
lungkot lamang naibabahagi ko sa iba
Mistula akong madramang piyesa
Payasong malungkot sa tuwinaPayasong gustong magpasaya
lungkot ay hatid sa madla
luha ko'y pumatak ng masagana
Ng mapagtanto kong wala akong kwenta
dahil isa akong payasong di makapagpasaya~RianAino
YOU ARE READING
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀
Poetry𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐭𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 𝐒𝐚 𝐥𝐮�...