PAGLISAN

47 57 1
                                    


Sa pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking mga pisngi
ay siyang pagpatak ng luha na naghuhudyat ng pighati
nahinuha ng aking munting isip
paglisan ang  siyang tanging sumilid

lilisan sa mundong nakasanayan
mamaalam kung kinakailangan
lilimutin ang nakagisnan
hindi na lilingon kaylan paman

Pagsulat ay naging sandata ko
Dahil dito naging buo ako
naging masaya ang buhay ko
Ngunit ngayon ay tatalikdan ito

Paglisan ang nasa isipan
magpapahinga kung kinakailangan
Pagiisip ang lilinisan
para sa sunod na pahina maging masaya ang kakahantungan

Ngunit madami akong maiiwanan
sa paglisan ko madami magsisiiyakan
dahil akoy mamaalam
sa mundong minsan ko ng naging sandalan

~RianAino

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 Donde viven las historias. Descúbrelo ahora