BALIK TANAW

76 80 3
                                    

"𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖"

Kumintal sa aking isipan ang mga agam agam
Na sa aking balintataw ay aking natanaw
Ang Lunos ng mga matang pumukaw
Habang mag-isang Namamanglaw

Sa aking pag babaliktanaw
Kapighatian ay Dumungaw
Hagipis na tinungo ang Durungawan
Habang ang mata ay luhaan

Naisin ko mang Magpahingalay
Naapusap parin sa aking Gunita
Ang sakit ng kahapong nagdaan
Na sa puso'y Nakintal na ng tuluyan

Adhika ko man na ito ay talikdan
Mas lalo lang nababaon sa karimlan
Habang lulan ng isipan
Ang agam agam sa dumatal na kasalukuyan.

Panaghoy ng pasakit
Sa isip ko ito'y naka ukit
Habang mahigpit na nakakapit
Ang Pasakit sa puso kung unti unting nainikip dahil sa Gunita na sa isip ay sumilid.

......

☘︎𝑅𝑖𝑎𝑛 𝐴𝑖𝑛𝑜

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 Where stories live. Discover now