TAGU TAGUAN

107 92 3
                                    

"𝚃𝙰𝙶𝚄 𝚃𝙰𝙶𝚄𝙰𝙽"

Tagu Taguan maliwanag ang Buwan
Habang tumatagal ako sayo ay nasasaktan
Mistulang alipin ng Nakaraan at kasalukuyan
Kaya ngayon puso ko ay sugatan

Pagbilang kong sampo nakatago na kayo
Para dina makita nitong puso
Na ako ay niloloko nyo
At Pinagmumukhang Gago

Isa, Dalawa,Tatlo
Hahakbang palayo sayo
Dala ang mga pangako
Ngayon ay unti unting naglalaho

Apat,Lima, Anim
Ako'y pumailalim
Binalot ng Dilim
Ang puso kong naninimdim

Pito, Walo, Siyam
Ang sakit ng aking nararamdaman
Nilukob ng Karimlan
Yaring Pusong nasasaktan

Sampo
Itataas ang Bandera
Iiwan kana at Dina babalikan pa
Lilimutin masasayang alaala
Tatalikdan ang nagdaan sa ating Dalawa

Tagu Taguan
Ng nararamdaman
Subalit nabisto iyong kasinungalingan
Ako pala ay Option mo lamang
Dyan sa mundo mong Walang patutunguhan
Kaya ngayon ako ay lilisan
Iiwan ka kahit ako'y luhaan
Dahil alam ko ito ang tamang daan
Taguan ka Para dina Masaktan

~𝑹𝒊𝒂𝒏𝑨𝒊𝒏𝒐

𝑫𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝑰𝒗𝒐𝒓𝒚 𝑪𝒂𝒓𝒕𝒆𝒓

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 Where stories live. Discover now