Isa-isa pa muna naming ipinakilala kila Mokz ang mga kasama namin bago kami sabay sabay na kumain. Maraming mga matang nakamasid sa amin, alam kong kabilang sa mga iyon ang feeling F4 pero hindi ko na sila napapansin. Panay ang kuwento nina BJ, Migz at Michiko patungkol sa'min ni Naih at pare-pareho naman kaming nakinig sa kanila. Panay ang tawa ni Mokz sa mga ito at minsan pa ay nagbibiro.

"Ha ha ha ha ha! Really?"

"Yes po," tugon ni BJ kay Mokz. "Alam niyo po ba na silang dalawa lang lagi ang nakakasagot sa mga recitation nung Lec na 'yon?" patungkol niya pa kay Chupan. "Nakakainis na nga kasi parati pa rin silang pinagtri-trip-an."

"Ah, yeah, maybe that's his way of teaching, ha ha ha ha ha!"

"500 items--quiz? Hindi na po makatarungan iyon."

"Pumasa ka naman ba?"

"Oo naman po!" taas-noong tugon pa ni BJ.

"Ha ha ha ha! Oh? Ano ang problema? Kayang kaya niyo naman palang ipasa ang 500 items niya, bakit nagrereklamo ka pa?" nakangiti ngunit seryosong ani Mokz. "Wala kayong dapat na ikagalit sa kaniya dahil kung iyon ang paraan niya ng pagtuturo, congratulations sa kaniya dahil natuto kayo. Ha ha ha ha!"

"How long do you plan to stay here?" seryosong tanong ni Maxwell sa kalagitnaan ng kasiyahan.

Tumaas naman ang kilay ni Mokz. "What kind of question is that? It's as if you're just waiting for me to leave,"

"I'm just asking."

"Ah, yeah, your little brother wants to stay here longer, but I'm planning to stay until the sportsfest is over."

"That long?"

"Why not? Ha ha ha ha ha!"

"Aren't you studying?" kunot-noong baling ni Maxwell kay Maxrill, may bahid ng pag-aalala sa tono nito.

Napahinto naman sa pagsubo si Maxrill at nanunulis ang ngusong nag-angat ng tingin sa kaniya. "I d-don't go to school anymore."

"What?!" sabay naming tanong ni Maxwell kay Maxrill, bahagya pa nitong naiharang ang dalawang kamay niya sa mukha.

"I already told you, Noona, I want to stay here," nakanguso pa ring tugon niya habang nakatingin sa'kin.

"Hindi mo kakayanin dito," inis na tugon ni Maxwell.

"Why not? I can speak filipino and I know our culture. I like it here, Hyung, I want to stay here," seryosong tugon ni Maxrill bagaman nakalabi pa rin. "I can talk to Mommy if it's necessary. I've already decided--I'm staying."

"Andwae!" hindi pagsang-ayon ni Maxwell. "You will go back to Korea and stay with Mokz."

"Hyung?" nakikiusap ang tonong paglalambing ni Maxrill.

"You are staying in Korea," pagtatapos ni Maxwell sa usapan at hindi naman na nagpumilit pa si Maxrill, batid kong may kakayanan pang mangulit ito pero dahil may ibang tao ay hindi niya magawa. Nanatili siyang nakanguso at nawalan na ng ganang kumain, hindi siya makahingi ng tulong sa'kin dahil alam niyang hindi rin ako sang-ayon na manatili siya rito.

Mabilis naming tinapos ang tanghalian at sabay sabay rin kaming lumabas ng Canteen at nagpaalaman sa harap ng Batibot.

"Study well," habilin pa ni Mokz. "Okay? Ha ha ha ha!"

"I'll see you later," seryoso pa ring ani Maxwell at tinanguan ko naman ito.

Lumapit ako kay Maxrill na nagmamaktol pa rin. "Cheer up, I'll see you later."

HE'S INTO HER Season 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant