Chapter 28: In My Life

Start from the beginning
                                    

Natauhan ako ng malakas niyang sinara ang back door ng kanyang kotse. Muntik na ako mapatalon at saktong nakita niya pa ang aking reaksyon dahilan para siya ay mapatawa ng palihim. His chuckle is echoing here in the basement parking at walanghiya pang tumawa.

"Mukha kang bunny kung magulat." Aniya sabay tawa at kinagat ang labi para mapigilan niya ang kanyang pagtawa.

"Kainis ka talaga!" Hinampas ko siya sa kanyang biceps. Kahit yung pagkagulat ko ay pinagtatawanan niya.

"Aray!"

Wala akong nakitang ekspresyon sa kanyang mukha dahil nakayuko siya at hinihimas ang kanyang bicep mula sa pagkakasampal ko sa kanya kanina. Deserve naman niya yun. Alam naman yata niyang mabilis akong ma-triggered sa simpleng asar at inis sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nakita ko naman siyang naglakad sa harap pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Ano bang ginagawa niya at parang masaya pa siya. Nakangiti na parang loko at nakatingin sa akin. Pfft!

Binuksan niya ang pinto at hindi siya pumapasok. Instead, he stared at me and gestured his head and gesturing a signal to come over and to enter inside his car.

Hindi ko pa rin pinansin.

"Tara na! Iwan kita dito kapag hindi ka papasok sa car ko." Pangungumbinsi niya.

"At bakit naman?"

"Siyempre't uuwi." Panimula niya.

"Ano pa bang gusto mong gawin?" Tanong niya sa akin.

I gulped and had me caught off guard. Shit! Oo nga pala! Why am I fuming over something that is unnecessary? Ano ba 'yan. Sabog na sabog ako ngayon, dahil sa kanya.

Nakayuko akong tumungo hanggang sa makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan. He closed the door for me at naglakad na siya papunta sa driver's seat. Bumukas ang pinto at pumasok na siya sa loob. He started the engine and opened the radio.

"Oh ano? Galit ka pa sa 'kin?" He asked.

"Hindi." Sabi ko agad. Why would I be mad at him. I don't want him to apologize. Lutang lang talaga ako at wala sa modo. I need a refreshment para bumalik ako sa wisyo.

Nang-gugulat kasi, he never knew how much it triggered me. Hmm.. I think I'll just forget about it. Maliit na bagay, huwag ng palakihin at baka mag-overload apology pa siya. I want him to take it easy.

Once he opened the radio ay nag-drive na siya palabas ng parking valet at lumabas na rin kami dito sa basement. Gabi na pala. May mga streetlights na nakabukas at parang umulan yata dahil basang basa ang sementadong sahig at basa rin ang mga sasakyan.

Tumingin ako sa aking relo at 8pm na pala. Hindi ko na nabalitaan sina Billy kung saan ako nagpunta at tinakasan ko pa sila. Agad kong hinablot ang phone ko sa bulsa at binuksan ang data ko at tinignan ang text nila.

Thank god they knew about where will I go and who will I meet. At ang isa pa ay nang-aasar na naman, lalong lalo na si Troy at Samantha.

Austinianna lang malakas ft. mga singles (GC)

Troy: tumakas ang magjowa

Samanthalandi: AYIEEE malambing na ang stalker niya

Avery sent 4 photos.

Avery: sayang! wala ka @briannaGANDA maganda pa naman yung movie na pinanuod namin.

Avery: Sabi ko sa'yo eh.. sweet yan at funny

I rolled my eyes. As if na funny naman talaga si Austin. Ako na lang lagi ang pinagtatawanan niya.

Billy: Uwi ka ng maaga

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now