Chapter 01: Stalker

138 1 2
                                    

Note: I will make a story title in each chapter in this new version! Though, the whole manuscript is still unrevised.

"Nyay! May stalker ka noh?" Pang-aasar sa akin ni Billy habang naka-tingin sa akin at nakain ng french fries. Sa bawat pag-nguya niya ng fries ay parang may nagbabadyang sunod na text mula sa stalker ko. Kanina pa kami dito sa McDo at may lalake na kanina pa nagte-text sa akin. It's been minutes since he last texted me.

"Stalker pa ba 'to eh alam na yung cellphone number ko?!" Pasinghal kong sabi. Uminom ako nang malamig na coke upang pa-kalmahin ang sarili. This damn stalker is getting into my nerves. Isang text niya pa sa akin ay iba-block ko na talaga siya. Ayaw manlang sagutin ang tanong ko.

Kulang nalang ay ipapa-aresto ko na sa pulis at papa-imbestigahan kung sino itong lalakeng 'to na halos araw-araw kaming magkita sa main gate at araw-araw kung mag-text sa akin. Kahit na may blacklist option ay may paraan pa rin siya para kulitin ako. Hindi ko nga alam kung paano niya nare-reach ang number ko.

"Eh kulitin mo kasi na makipag-kita sa'yo. Malay mo eh kababata mo pala or baka may atraso ikaw sa kanya." Pagbibiro pa niya. I playfully punched his bicep. Mahina siyang tumawa at umiling na lang. Nagpatuloy ulit siya sa pag-kain ng french fries.

"Tulungan mo kasi ako na lumayo sa lalakeng 'yon. Napaka-creepy kaya niya." pangunngulit ko kay Billy pero ngumisi lang siya at umiling. I frowned by his reaction. Sarili niyang kabigan, hindi manlang matulungan.

Well, he always stands there outside the main gate like a cute serial killer who smiles first, then waits for his time to kill His prey. Buti na lang at hindi pa ako lumalapit doon. Kami lang yata ni Billy pamilyar sa lalakeng yun, habang yung iba ay walang pake sa kanya. Ako lang naman yata ang target niya, kaya palagi siyang naroon tuwing hapon at naalis rin agad pagkatapos akong makitang lumabas.

"Assumera mo naman, e," Sabi niya at mabilis naman niyang inagaw ang phone ko. I just let him do what he did. His eyes were fixed upon staring at my phone. Naningkit ang kanyang mga mata habang binabasa ang mga messages sa phone. He rubbed his thumb against the screen, and I saw him clicked something. Nagsalubong pa ang kanyang mga kilay at mahinang tumawa.

"Okay, done! He's like cute little wild child." Pagbibiro niya at ibinalik sa akin ang phone. "Mukha naming mabait at magalang.

"The fact that he is stranger to me and I can't trust him. Baka kidnappin niya ako at may masamang intensyon siya sa akin. I'm ignoring his text until now." I explained.

Umiling siya. "Anong plano mo?"

Uminom naman ako ng pineapple juice. My eyes were fixed on staring at the screen of myphone, reading his text messages that is soft and clingy for me but I know that this guy isn't trusted because I know his intentions. He has dirty mind and I'm not the girl to be played with. I'm a girl that can't be tamed with sweet words. 

I'm reading his texts that makes me feel uncomfortable.

09**********: babe, pansinin mo naman ako oh

09********** :huwag kang matakot sa akin, 'di ako kidnapper

09********** : I'm not trying to impress you with my pink hoodie... but I'm always here for you.. watching you

09********** : hindi ako stalker and I have no intentions to seduce you or any of that. I'm scared to get closer to you at baka mahampas mo ako ng tote bag mo na may maramilaman at mabigat HAHAHA char wanhap

09********** : ligawan kita? Charot wanfort

09********** : respond ka please? paubos na load ko.

09********** : I'm always here sa Morayta, huwag kang mag-alala hindi kita iiwan.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now