Chapter 09: FYD

9 1 0
                                    

I THOUGHT we will go to somewhere else, but we ended up going to Jollibee. Naulan sa labas kaya dito kami pumunta, basang-basa tuloy kami ngayon.

Umalis naman muna siya at nag-order do'n sa counter para bumili ng pagkain naming dalawa. Pinapagpag ko naman ang damit ko at pinunasan ang aking sarili gamit ang panyo dahil naabutan kami ng ulan kanina. I was busy wiping myself, but it interrupted when someone texted on my phone. Kinuha ko naman ang phone ko bulsa at tinignan kung sino ang nag-text. It's Billy.

Billy: Where r u?

Billy: uwe ka na.. may donut ako dito

Billy: sorry kagabi

Billy: huyyy :(((

Billy: Bawi ako sayu please.. saan ka na?

I easily got irritated when I got his text. I know that he blames himself for leaving me alone that night pero ngayong naga-apologize pa siya sa akin, it feels like he's begging me to come home right now.

I didn't reply on his messages dahil gusto ko munang mag-spend ng time with Austin. He really consoled me that easily, and I need to thank him for being this caring and being nice. I can't just leave him alone because of Billy.

Kagaya nga ng sabi ni Avery sa akin na mabait na tao siya. Kailangan ko yun makita yun sa kanya kung talagang good person si Austin. If she's correct, then I think I am capable of doing something good to Austin too.

Nang makablik na si Austin sa aming table ay may bitbit naman siyang tray na may laman ng foods namin. May dalawang sundae at dalawang large fries at yum cheese burger at coke rin. Nanlaki ang mata ko dami niyang binili. I never asked him to treat me for dinner, or meryenda pero ang dami. Nadadamihan ako!

I cleared my throat after niyang umupo sa tapat ko at nilapag ang tray sa table at binigay sa akin yung mga pagkain at kumuha na rin siya ng para sa kanya. Sa ganitong naulan at malamig ay nag-order pa siya ng ice cream.

My eyes were fixed on staring at the ice cream na nakalapag ngayon sa tapat ko at tinuro 'yon. Muli kong pinasadahan ng tingin si Austin. Nakataas ang kanyang kilay na tila ba nagulat sa aking reaksyon.

"Bakit sundae?" I asked him at bumuntong-hininga dahil sa inis.

"Anong gusto mo? Mondae?" Pamimilosopo niya, sabay halakhak.

Hindi na lang ako sumagot at umirap na lang ako. Kinuha na yung ice cream at kumain na lang. Tagal ko nang nag-crave ng ice cream at ayaw ko naman tanggihan ngayon 'tong binili niya para sa akin. Nangingilo pa ang ngipin ko dahil sa sobrang ng ice cream na kinakain ko ngayon.

"Arte ka pa diyan, kakainin ka rin naman pala." Sabi niya at inabot sa akin ng tissue. Tumingin muna ako sa kanya at nagtaka kung bakit binibigay niya yung tissue sa akin.

Nilapag niya yung kanyang ice cream cup at sinenyasan niya sa tabi ng labi niya kung ano ang dapat kung punasan. Doon naman ako natauhan at mabilis na kinuha sa kanya yung tissue at natawa siya sa ginawa ko dahil agresibo ko 'yon pinunasan.

"Para kang bata kung kumain," He insulted and smiled at me. Hindi ko na lang siya pinansin at tinapon yung tissue sa gilid ng table at kinuha yung burger pata kainin na 'yon.

I didn't expect na gutom na talaga ako mula pa kanina. Maybe, I was crying and suffering real hard a while ago Thank god, nandito si Austin.

"Libre mo ba 'to?" I asked him while eating my burger.

He nodded and smiled. "Yes!"

"Sorry kung naabala kita, ha." I quickly apologized and I saw his brows furrowed. He got confused at me right now.

The Boy in My DaydreamWo Geschichten leben. Entdecke jetzt