Chapter 24: Street Food

4 2 0
                                    

"Oh maiwan ko na kayo." Pamamaalam ni Billy sa aming dalawa nang nagtagpo na kami ngayon dito sa tapat sa labas ng main gate.

"At Austin.. take care of her, okay? Masapak kita mamaya kapag hindi mo siya inuwi ng maaga sa dorm niya." Narinig kong bulong ni Billy na lumapit sa psa tenga ni Austin. After that, umalis na siya.

So threatening.

Binalik ni Austin ang atensyon niya sa akin nang makalayo-layo na si Billy. He smiled at me first, before giving me the boquet of 25 pieces of roses.

"Sorry, ngayon lang ulit nakadalaw. Busy sa acads, e." Tapos ay mahina siyang tumawa.

Kinuha ko naman yung boquet of rose na hawal niya at mahina iyong pinalo sa kanyang ulo. Ang drama naman! Kung alam niya lang ni busy ako sa acads at sobrang miss ko siya, malamang ay hahalikan na niya agad ako. (malay mo naman diba?)

"Aray! Ba't mo naman ginawa yun?" Napahimas pa siya sa kanyang ulo dahil sa biglaan kong paghampas ng rose sa kanya.

"Tsk! Tara na sa kwek-kwekan na sinasabi mo, Kakakain ko lang ng dinner kanina!" Hinampas ko naman siya sa braso.

"So abusive!" He sarcastically said. "Miss mo na ako noh!"

"Hindi ah, you're annoying!" I lied.

He raised a brow on me and pouted. "Sige, kapag hindi mo ako miss, aalis ako."

"Sabi mo magk-kwek-kwek tayo?"

"Oh, edi miss mo nga ako!"

"Tara na kasi!" Pagpupumilit ko.

"Okay." Simpleng sagot niya.

....

Nakarating kami sa kwek-kwekan at hiniyawan pa ni Austin si Manong na mukhang kakilala niya. Tumakbo siya papalapit kay Manong at nagmano siya sa kanya. Naglakad na lang rin ako papalapit doon at nginitian na lang si Manong. Pamilyar sa akin si Manong dahil nginitian niya pa ako. Weird! Saan ko nga ba ulit 'to nakita?

"Kumusta na kayo ng girlfriend niyo, Austin?" Tanong ni Manong sa amin.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Austin at namula agad siya, pagkatapos ay humarap ulit siya sa kay manong at nginitian niya siya. Nagkunot-noo naman si manong at kaagad niyang na-realize iyon.

"Ay hindi ba kayo mag-nobya, Austin?" Tanong niya ulit.

Simpleng umiling si Austin. "Hindi po. Magkaibigan lang po kami." Pag-amin niya sa kanya.

"Pasyensya na iha." Paumanhin niya sa akin. "Matagal na kasi 'tong walang kasama si Austin at lagi na lang nandito sa Morayta kaya kilalang-kilala ko na. Laging walang kasama 'tong binatilyo na 'to, e."

"Manong Julio naman, e. Natutuwa ka bang may kasama ako ngayon? Magkaibigan lang naman kami." Napakamot sa likod ng ulo si Austin na mukhang nahihiya na tuloy dahil sa akin.

"Aysus, ewan ko sa'yong bata ka, oo! Bumili na nga kayo!" Sabay abot ni Manong Julio sa kanya ng tatlong fishball sa iisang stick. Dalawa ang binigay niya sa kanya at inabot sa akin ang isang stick ng kwek-kwek.

"Here. Orange eggies!" He grinned, after giving me his stick of kwek-kwek on the stick.

"One for you, one for me." He continued.

Kinuha ko naman ang stick ng kwek-kwek mula sa kanya at bumuntong hininga habang umiiling. Sinuri ko pa yung kwek-kwek habang siya naman ay abala sa pagsasaw sa isa sa mga sawsawan. Napatingin naman ako sa kanyang ginagawa at awtomatiko siyang napalingon sa akin at nagkunot-noo. Agad akong nag-iwas ng tingin at naglakad papalapit sa kanya.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now