Chapter 02: The Squad

Start from the beginning
                                    

He looked at me right after he chatted Samantha at nahagilap ko naman ang tingin niya kaya nagtama ang mga tingin namin sa isa't-isa."Nasa KFC daw sila ngayon dito sa Morayta." Sabi niya.

"Teka akala ko ba Jollibee?" I asked out of confusion. There's one person came into my mind when the plan always changes at last minute.

"Tabi-tabi naman mga fast food do'n, e. Tsaka 'wag ka na mag-reklamo." Sambit niya at mahinang tumawa at ngumisi. Pinilit ko na lang ngumiti, at umirap ako sa kanya pagkatapos ay naglakad na papalayo.

He chased me right after I walked past Him. Tumabi naman siya sa akin at dumeretso kami sa paglalakad sa may footbridge. Medyo malayo papuna doon pero nakarating naman kami agad. ayaw ko kasing tumawid sa may Ped Xing kasi ayaw kong mabangga. Dami pa namang nagsisi-daanang sasakyan at ayaw kong mamatay nang maaga.

Naalala ko tuloy noong bata pa ako at muntik na ako mabangga ng jeep. Buti nasagip agad ako ni Papa noon at simula noon ay natakot ako tumawid mag-isa at gusto kong lagi may kasama. As the years passed by, I always walk in a footbridge nearby or take a friend to accompany me to cross the street.

"Kamusta kayo ni Pink-Hoodie? Hindi na nagno-notif phone mo, ha!" Pang-aasar niya sa akin at mahinang tumawa. HIndi ako nagsalita at dinedmahan ko na lang siya. Kabababa pa lang namin sa footbridge at kasalukuyan naming hinahanap sina Troy habang naglalakad kami sa sidewalk papuntang Jollibee.

"Na-lowbat ako, noh! Tsaka huwag ka ngang ano diyan, Ang creepy niya tapos aasarin mo pa 'ko do'n." I sighed and shook my head.

Nakapunta kami sa harap ng Jollibee ay kasunod naman ng sunod na agaw-atensyon ng pag-hiyaw ni Sam sa pangalan namin. Agad na nakuha ng atensyon ko at lumingon ako kung saan ko 'yon narinig at ganoon rin si Billy. We saw them running towards us, as the crowd of people walks across the sidewalk.

"Bria!" Agaw-atensyon na hiyaw sa amin nila Samantha kasama pa ang tatlong babae na nasa likod niya. It's the same for Troy and Livance reaching for Billy as they run towards Him.

"Billy!" HIyaw naman nung isa at alam kong si Troy iyon dahil sa katangkaran niya at sa malalim niyang boses. My eyes caught him and I'm surprised when he hugged Billy as tight as he could.

Nabigla na lang rin ako sa mahigpit na pagyakap sa akin ni Samantha, her arms wrapped around my waist and she hugs me tight as warm as the summer air. Kahit iyong pabango niya ay maamoy rin at alam kong kakapit iyon sa uniform ko. Nakakagaan sa pakiramdam at parang tumaba ang puso ko kaya napangiti na lang ako. Hannah and Avery did the same and hugged me, too.

Humiwalay silang tatlo sa pagyakap sa akin at nginitian ako bago siya magsalita, "OMG, kamusta na kayong dalawa ni Billy?" usisa ni Samantha sa akin at pinasadahan niya sa Billy ng tingin mula paa hanggang ulo.

Medyo may katangkaran si Billy kay Samantha, pero halata naman na magka-height silang dalawa.

Humiwalay rin naman sila Troy sa pagyakap kay Billy at lumapit naman silang dalawa ni Troy sa akin para yakapin ako nang mahigpit, pero sandali lamang iyon nangari. Humakbang sila papalayo sa akin at muling tumabi kay Billy.

"Huwag ka, pinilit ko pa 'yan kahit maraming gagawin" Pagyayabang pa ni Billy kina Sam at Hannah.

"Excuse me, marami kaya ako gagawin," Pagtataas ko ng boses sabay irap sa kanya. "Tyaka libre ni Liv 'di ba?" sabay tapon ng tingin ko kay Liv para palitan ang topic.

They averted their gaze at Billy. Nakahinga naman ako ng maluwag do'n. Pinasadahan ko ng tingin si Billy at gigil kong kinagat ang labi ko dahil sa inis at tinaasan siya ng kilay. Ngumisi lang siya at tumingin kay Livance na ngayon ay namumula ang pisngi at nanlalaki ang mata dahil tinawag ang kanyang pangalan.

The Boy in My DaydreamWhere stories live. Discover now