Chapter 35

1.9K 22 0
                                    


"Saan ka pala banda sa Australia, Beckha?" Twinkle asked, inangatan niya pa ako ngayon ng kilay.

Pumunta kasi sila ni Tali ngayon sa kung saan kami at naki join sa grupo namin. Hindi ko rin alam kung nasaan na 'yong iba pang kasamahan nila. Wala naman na nagawa ang iba kasi nag pumilit rin si Twinkle. Ang sama rin naman kung pa-aalisin namin sila dito ni Tali.

"Sydney," tipid na sagot ko.

"Narinig ko na may sarili kanang business ngayon."

I smirked slightly. "Yes, and?"

Nasa tabing dagat kami ngayon gumawa kasi sina Rui at Onew ng bonfire. Parang Deja vu lang rin talaga. Kasi ganito rin 'yong ginawa namin noon. Mapait akong napangiti. Kapag kasi naalala ko ang araw na 'yon kung saan nalaman ko na buntis pala ako ay parang bumalik lahat sa akin. Takot at sakit na nararamdaman ko noong panahon na 'yon.

"Ang tagal mo rin na hindi bumalik, ah? I thought nag asawa ka na do'n? Narinig ko naman kasi na may fiance kana daw." interesadong saad ni Twinkle.

Cleyu cleared his throat saka binalingan ng tingin si Twinkle ngayon na katabi ni Tali.

"Are you sure that you heard that? Oh, baka naman gumawa-gawa ka lang ng storya." ngumisi pa ngayon si Cleyu. Nakitaan ko naman ng pagkagulat si Twinkle dahil sa sinabi nito. Siguro hindi niya expect 'yon.

"Ye-yes, narinig ko naman talaga." she even stuttering saka umiwas ng tingin sa akin ngayon at maging kay Cleyu.

"Until now, she's still crazy hindi pa ata nadala sa mental." bulong ni Eunice na katabi ko ngayon.

"Tama si Twinkle, narinig niya naman talaga ang issue about kay Beckha."

Napabaling ako ng tingin ngayon kay Tali na agad rin naman nag iwas ng tingin sa akin. Ngumisi ako.

Tumawa si Onew. "Alam ninyo, fake news kayo!"

"Fake news nga talaga.... kasi wala ka naman talagang fiance, pero dalawang anak meron." bulong ni Eunice ulit sa akin sabay hagikhik. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin baka marinig pa siya ni Gideon. Oh, baka naman nina Twinkle or Tali.

Agad tumayo si Rui saka pumalakpak pa. Napabaling naman agad ang tingin namin sa kanya ngayon.

"Ano ba naman kayo guys. Napaka serysuso ninyo naman. Mag sitayuan kayo at mag zumba tayo ngayon!"

Binatukan naman agad siya ni Onew kasi kung anu-ano naman ang naisisip na kalukohan.

"Charot lang, laro tayo ng volleyball ulit." aniya saka may kinuha na bola ngayon sa may gilid. "Baka naman mag tiktok tayo? Come on!"

Lumapit ngayon si Gideon sa may banda ko. Kanina pa siya tahimik. Pa minsan-minsan ko lang napapansin ang pa tingin-tingin niya sa akin.

"Are you okay?" he asked. Tumango naman ako sa kanya.

Tumunog ang cellphone ko kaya nag excuse na muna ako sa kanila saglit kasi tumawag si Mommy. Sinundan pa ako ngayon ng tingin ni Gideon.

"Hello, Mommy?"

"Mommy?"

It's Vivienne's voice.

"I thought tulog kana?"

Ang sabi kasi sa akin ni Mommy kanina ay tulog na ang dalawa. Anong oras na naman kasi. Siguro nagising ngayon si Vivienne. Tiningnan ko ang relo ko. Malapit na pala mag twelve midnight.

"I woke up because I miss you, Mommy." sa malungkot na boses nito. Napangiti naman agad ako.

"I miss you too, my love."

Admiring at MidnightWhere stories live. Discover now