I mean wala masama kung gano'n nga ang nangyari. Both couples naman ay nakitaan ko ng pag mamahal sa isa't isa. Kahit medyo nag iba lang ang ihip ng hangin.

"Alam ninyo pareho kayong mali kasi ikaw na gagalit ka kapag nag tatampo si Onew sayo. Tapos si Onew naman nag seselos sa boyfriend ni Muri ngayon. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin n'yan...."

I smiled playfully, teasing her.

"Ano?"

"Pareho kayong immature ng boyfriend mo." then I laughed medyo sinapak niya pa ako sa balikat saka tumayo at nilapitan ngayon si Onew. Tinawag ko naman agad ang anak ko para iwan na muna ang dalawa para magkaayos na.

Pinuntahan ko ngayon si Mommy sa kwarto niya at para narin e check si Vivienne kung ano ang ginagawa. Wala kasi si Mama at Papa ngayon umuwi na muna sa bahay kasi iniwan nila si Snowy do'n.

Ang bahay namin hanggang ngayon hindi pinagbili nina Mama at Papa dahil nga sa grandparents ko pa 'yon. Tanging ang flower shop lang namin ang naibinta nila no'ng lumipat sila sa Batangas.

Plano ko nga sana na bilhin ulit sa bagong may ari ngunit ang sabi ni Mama mukang malabo na daw 'tong ibinta ng bagong may ari ngayon kasi bakery na nga ito.

"Mommy!" tili ni Vivienne ang bumongad sa akin pag pasok ko ng kwarto ni Mommy.

"Anong ginagawa mo?"

Nakita ko ngayon na pinakialam niya ang mga bags at make-up ni Mommy kaya agad ko siyang nilapitan para iligpit 'yon.

"Let her be, Beckha. Saka she's enjoying it..." ngumiti sa akin si ngayon Mommy.

May ginagawa siya ngayon sa laptop niya pero pa minsan-minsan niyang cheni-check ang pinanggagawa ng anak ko.

"Pero baka masira niya ang bag at mga make-ups mo." rason ko dito na tiningnan lang ako ngayon.

"It's just a thing. I want her to be happy, Beckha. Saka I want to give her everything na hindi ko nagawa sa 'yo noong bata kapa. Sa kanilang dalawa ni Gionne." saka ngumiti si Mommy sa akin.

Lumapit ako ngayon kay dito at hinarap siya. Si Gionne naman pinagsasabihan ngayon ang kakambal niya.

I know na gusto lang niyang bumawi sa lahat ng pagkukulang niya sa akin sa pamamagitan ng ganitong bagay. Simula ng nalaman niya na anak niya ako halos ginawa at binigay niya lahat-lahat sa akin.

Everything I need. Kahit na hindi ko naman luho ay binibilhan niya ako. Bags, shoes, damit, at kung anu-ano pa. Tumigil lang siya ng sinabi ko sa kanya na hindi ko kaylangan ng mga materyal na bagay.

Pumasok si Daddy ngayon sa kwarto kaya lumabas na muna ako. Hinanap niya ngayon si Gionne at Vivienne. Ang sabi niya at pupunta daw silang mall mamaya. Sobrang tuwa naman ng dalawang anak ko nang narinig nila 'yon sa Didi nila.

Dumating na ngayon sina Muri at Keanu na may iilang dala. Nandito narin si Rui at Cleyu sa may sala. Ang ingay pa nila.

"Ano tara na?" excited pa talaga niyan si Rui.

"Mauna ka mag isa, pre!" si Onew.

"Gago ka! Mas maaga mas maraming time...."

"Ang sabihin mo gusto mo lang mang chics!" pang bara ni Eunice na umirap pa ngayon.

Nag prepare lang naman kami ng mga dadahilan namin na gamit saka pagkain. Sabi nila mag o-overnight daw kami do'n sa Kembali kaya naman nag dala ako nang iilang extra na damit.

After kong nag paalam kina Mommy and Daddy saka sa dalawang anak ko ay umalis na kami. Gamit namin ngayon ang van na gamit namin dati noong nag bonding rin kami sa beach nila Keanu na pinsan ko.

Admiring at MidnightWhere stories live. Discover now