Chapter 4

386 26 11
                                    

Chapter 4

We waited until we heard his car driving away. Tumayo siya at inalalayan ako.

Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya. She looked at my hand, which was firmly holding hers.

"What?" masungit niyang tanong.

I let go of her and gave her a faint smile. "Nothing."

Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya pinagtaguan si Benj at bakit in-ignore ang tawag nito pero naalala ko na wala ako sa posisyon.

Tumalikod na siya.

"'Yong panyo mo pala, ibabalik ko na lang kapag nakita kita sa school."

"No need. You can either keep it or throw it away."

Sumakay siya sa big bike at patakbo ko siyang sinundan. Kahit mataas ay binilisan kong sumampa rito.

Gulat ang mukha niya na nilingon ako. "What are you doing? Get off my motorcycle!"

I shook my head and smiled playfully. "Hahayaan mo ako o sasabihin ko kay Benj na pinagtaguan mo siya?"

"Do you know my boyfriend?" Nalukot ang noo niya.

I felt a sharp pain in my heart. "Oo naman. Nasa iisang university lang tayo."

Inalis niya ang tingin sa akin. "I don't care if you tell him. Now, get off."

"Ayoko. Sinama mo ako pagtatago kaya isama mo rin ako kung saan ka pupunta."

Muli niya akong nilingon. "We don't know each other," she said, irritated.

"I'm Am." Inilahad ko ang kamay. "You?"

Mas tumindi ang inis na lumarawan sa mukha niya. How could someone look so beautiful even when angry?

Hindi niya ito tinanggap kaya ipinulupot ko na lang ang mga kamay sa beywang niya.

"Bitaw."

"Ayoko."

"Isa," bilang niya.

"Dalawa," tuloy ko.

"I'm not joking around," she warned.

Imbes na matakot ay mas hinigpitan ko ang yakap. It was easy to wrap my arm around her tiny waist.

Naka-halter off-shoulder siya na V-neck top at PU shorts na itim. Pinaganda pa ng rock star-studded black leather belt niya ang porma. A sharply dressed girl who had a good sense of fashion, as if clothes were her best friends.

"Drunk girls are a pain in the ass," she whispered to herself, but I still heard it.

Isinuot niya sa akin ang hawak na helmet at napatitig ako sa mukha niya. Pumorma siya pag-start ng engine hanggang sa nakalabas kami ng hotel resort.

"What's your name?" I almost shouted.

Kahit alam ko ay nagtanong pa rin ako para may mapag-usapan kami.

"You're so loud," she said and sped up.

Tumingin ako sa kalangitan at napansin ko na sobrang dilim, hindi dahil gabi kundi parang uulan.

Hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang bumuhos ang ulan. Mabilis kong hinubad ang helmet at inilagay ito sa pagitan ng mga hita ko.

"Shit," she cursed.

Loosening my hug, I stretched my arms wide and let the raindrops fall on my body.

"What's your address?"

Hindi ko pinansin ang inis niyang tono. "Come on, let's enjoy the rain! Ang sarap sa pakiramdam!" nakangiti kong sigaw kahit hindi niya nakikita. "Why did your parents name you 'Rain'? Umuulan ba no'ng pinanganak ka?"

Raindrops on FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon