Chapter 1

797 12 4
                                    




Autumn's POV

I was stunned as I saw the invitation. Wedding invitation ng ex ko at ng babae niya.

It hurts like hell. I feel like crying right in the moment. It was just 3 months noong naghiwalay kami ni Jaxx at ngayon ikakasal na siya sa babaeng pinagseselosan ko lang noon.

Akala ko nga totally na kaibigan nya lng si Dianne nung naging kami, but it turns out na nagkakaigihan na pala sila. And there, I was left hanging. I cried hard that time. Nalingat lang ako sandali, ayun sila na at magpapakasal na agad.

I keep telling Jaxx na okay lang sa akin ang lahat noong time na sinabi niyang si Dianne na. Si Dianne na ang mahal niya but deep inside me, I feel like I was stab and can't able to call for help.

Nobody knows what I felt. I told no one about this. Ayokong kinaaawaan ako.

"I will never let them pity me. Pupunta ako sa putang-inang kasalan na 'yan. And I will be fabulous as hell!" sabi ko habang unti-unti ko nang pinaplano ang aking mga gagawin.

---

February 21. Kasal ni Jaxx at Dianne. White ang motif ng kasal, typical and boring. Napaka-old fashioned ng kasalang iyon! Well, not my thing.

Suot ko ngayon ang hapit na hapit na damit na halos luwa na ang aking cleavage. It was a red tube dress na halos hindi aabot sa kalahati ng aking hita. Sigurado akong kunting yuko ko lang nito makikita na ang aking kaluluwa. Tinernuhan ko ito ng kulay pula ring stilettos at medyo makapal na make up na mas nagpalutang sa fierceness ng aking mukha. And with a deadly red lipstick of course!

"Akala nila hindi ako pupunta?! Haa! In their dreams!" Mas kinapalan ko pa ang shade ng lipstick ko. I will never leave my condo unless kapansin-pansin na ang porma ko.

After hours of checking the mirror, I grab my car key rested on my couch and I immediately went to the church. Tiniyak kong magpa-late upang mas mapansin ako.

I step on the brakes as my car reaches the church's door. Bukas ang pinto nito at kitang-kita ko na naglalakad na si Dianne sa aisle ng simbahan.

"Sakto." I grinned widely.

I hurriedly get my ass out from my car and stand in front of the church's door.

In fairness ang ganda ng pagkaka-decorate kahit nasa labas pa lang ako. There were a bunch of white roses hanging at the door jamb of the church with white feathers as its outline. But damn! I should be the one who's walking down the aisle right now.

My tears build up quickly. "I shouldn't cry, hindi ba handa na nga ako, kaya nga ako nandito diba?" I silently whisper to myself habang pinipigilan ang along mga luha.

I step a little para tuluyan akong makapasok sa loob. Marami ang napasinghap ng ako'y makita. Who shouldn't? I wore a slutty red outfit in a solemn ceremony!

Napatingin ako sa harap. Nakita kong nilingon ako nina Dianne at Jaxx na ngayo'y nasa altar na, sa aking kinaroroonan dahil sa pagsinghap ng mga tao.

Things around me slow down as I saw the both of them holding each other's hand while eyeing me. Their face looks happy, taliwas sa inaasahan ko. I could be a threat to this wedding but why are they happy?

I imagine this moment before. Exactly like this. But it's me and Jaxx in that altar with this elegant decoration around. Dapat si Dianne ang nandito sa pintuan ng simbahan habang umiiyak at hinihiling na sana'y sila ang kinakasal.

Pero hindi ehh. It's Dianne who's standing in the spot that I should have been standing right now. Holding Jaxx hands and getting ready for the promise of forever in front of the God. Dammit! The pain is killing me. Hindi ko pa pala talaga kaya ang makita si Jaxx na iba ang pinapakasalan.

"Ate Autumn, I'm glad you came." sabi ng babaeng kapatid ni Jaxx na nakalapit na pala sa akin. Hinila nya ako sa pinakamalapit na upuan sa gilid at agad na sumenyas kay Jaxx at Dianne na humarap na sa altar.

"Late ka masyado. Akala nga ng marami na hindi ka raw pupunta. At tsaka red? Well not bad Ate, pero sana hindi ganyan ka-revealing. You know, takaw-atensyon ka." bulong sa akin ni Janah na kapatid ni Jaxx na naging ka-close ko.

Napatunganga lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. My throat hurts dahil sa pagpipigil ko ng luha.

Pinagmasdan kong magpatuloy ang seremonyas na iyon. Pigil na pigil ko ang aking mga luha the whole time.

"Nasasaktan pa rin pala kasi ako."

--

Kasing-ganda ng simbahan ang decoration sa reception. Pero ito ako, nagpapakalasing sa madilim na bahagi nito na syang kinaroroonan bar.

Masakit na masyado. Ang sweet-sweet nila na tila di alintana ang presensya ng ibang tao. Ni hindi nga nila ako nagawang lapitan at i-appreciate man lang ang katapangan ko sa pagpunta dito.

Inikot-ikot ko ang aking baso. Nakaka-apat na basong whiskey na ako pero parang di pa rin ako natatablan. Fuck. Kahit ngayon lang gusto kong malasing at makalimot sa lahat ng ito. Hindi ko na talaga kaya.

Kusang tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata ng makita kong pasekretong umaalis sina Jaxx at Dianne sa reception gamit ang backdoor ng function hall na nasa giliran ko lang.

"Excited na excited." natawa ako ng mapakla.

"I perfectly know that they're the reason for your tears and that whiskey." biglang sabi ng isang lalaki. Nilingon ko sya ngunit hindi ko maapuhap ang kanyang mukha dahil medyo dim ang ilaw dito sa bahaging ito. Pero batid kong mestizo, matangos ang ilong at ma-muscle ang lalaking aking kaharap. Bumagay din sa kanya ang kanyang kulay puting amerikana.

Typical guy. Gwapo nga at may dating pero iiwan ka lang din tulad ng ginawa ni Jaxx.

Agad kong pinahid ang aking mga luha. Tinungga ko ang aking pang-limang baso ng whiskey. "You shut up. Wala kang alam and I don't even know you kaya umalis ka." mahina man, nababakas ang galit sa aking bawat salita. I really don't have time for anyone tonight. Ni wala nga ni isa sa kanila na nagkaroon ng oras para makinig sa aking nararamdaman.

"You don't know me but I know you. Autumn Ricardo, right?" he grinned widely as if he knows something more.

"Iniwan ka niya para lang sa bride niya, dba?" he added. Tumahimik nalang ako. He really knows something more. Perhaps, it was the whole damn truth.

I was just a past time of Jaxx until he met Dianne. He never loved me even though I gave him everything. I suddenly became a burden to them when they fall inlove to each other.

Naghahanap na lang nga ng dahilan si Jaxx na magkahiwalay kami.

We fight even with a very small thing. Pati ang pagba-bake ko sa kanya ng cake, pinag-awayan namin. It was a sweet gesture pero di ko alam bakit galit na galit siya. He's goddamn unreasonable that time!

Napaiyak na naman ako as memories came flooding again. It's chocking me to death.

"You want to get out from this? C'mon, honey. Come with me." sabi ng lalaki sa akin habang simpatikong nakangiti at inaabot ang sariling kamay sa akin. Nakatingin ako sa kanya. Nakakabighani ang ngiting iyon. Nakakadala.

I intently starred at him. Gwapo nga talaga sya. Hindi naman siguro masama na sumama sa lalaking ito na ni hindi ko man alam ang pangalan.

Mabuti na siguro ito kaysa patuloy akong magpakatanga kay Jaxx na kasal na't maghintay lang na maging kabit nya lang. Because I know with myself that I'll  be so willing if he would just ask me to.

Bottle of TemptationWhere stories live. Discover now