Kinabukasan, wala akong schedule kasama ang witch na iyon.  Thanks God, magiging mapayapa ang araw ko. Nagready na ako para pumunta sa Gym, and later, may Voice Lesson ang ilang mga kids students ko. Excited ako. Ang saya ko kapag mas maraming bata ang gustong matuto na kumanta. Iba talaga ang saya ko.



Pagbaba ko sa lobby ng unit ko at napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kapatid ko. Si Thea.





"Kuya!" nakangiting bati nito sabay kaway. As usual, hindi ko kayang ngumiti pabalik sa kanya. Nasasaktan parin kasi ako sa disappointment na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.





"Bakit ka nandito? Umuwi ka na." malamig na sabi ko dito at umuwis ako tsaka ako naglakad at nagmadali.



"Kuya naman. Ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ako? Miss ko na yung Kuya ko eh. Ang tagal na masyado Kuya!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko iyon.



"Paano mo nalaman na nandito na ako nakatira?"




"Kay Ate Gia! Tinanong ko——"




"Gia? Paano mo nakilala si Gia??"





"I asked Tito Pat kung saan ka nakatira. He said na tanungin ko sa bago mong Road Manager! She's so nice kuya! Sinabi niya sa akin ang schedule ko!"



"Wag na wag mong kakausapin yun. Tsaka Thea, umuwi kana. Hindi ka dapat nagpupunta dito."



"Kuya! Punta ka sa birthday ko please. Kulang ang birthday ko kung wala ka dun." nagkuyom ang kamao ko. Nagagalit parin ako. Naiinis. Hindi niyo ako masisi. Sobrang disappointment ang ginawa niya.




"May mas importante akong commitment sa araw na iyon. Wag mo na akong asahan na pumunta. Besides, you have that—— and the father of that child diba?." may kirot parin sa dibdib ko. Naglakad na ako papunta sa parking area at mabilis akong sumakay sa kotse ko.







Thea is a nursing student. I worked hard para mapagtapos ko siya ng pag-aaral. Masakit lang na hindi niya natapos ang pag-aaral dahil sa nalaman ko. Buntis siya. Pagbubuntis na itinago niya sa amin nila Mama for how many months. So much pain and disappointments ang naramdaman ko. Bilang kuya. Ang sakit. Ang hirap. Hindi ko kayang magpatawad. Hindi ko alam kung kelan ko siya mapapatawad. Ngayon, masakit parin sa dibdib ko at naiinis ako na para bang hindi ko siya na protektahan. Nawala at naglaho lahat ng pinangarap namin sa kanya. Pakiramdam ko ay nabigo ako bilang kuya.






Nang makarating ako sa gym ay dumiretso ako sa spot kung saan ako laging nagwowork out. Wala masyadong tao dito sa gym ngayon. Siguro naman ay masusulit ko ang dalawang oras ko dito.










Nang matapos ang session ko , nagpahinga muna ako saglit bagi magbihis at dumiretso sa music school.



Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang Witch kong RM.






Sinilip ko ang phone ko dahil walang nagsasalita sa kabilang line. Pero alam kong nasagot iyon. Wala bang pagbubunganga akong maririnig ngayon? Mabuti naman.




"Hoy , alam ko nasa kabilang linya ka. May kasalanan ka sa akin Gia."





"Ako pa ang may kasalanan sa ating dalawa hah??!!! Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa akin!!!" sigaw nito kaya nilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Pinaglihi ba ito sa megaphone ??? Tsss..



"Dati ka bang wang-wang?!! Di ka pwedeng kumalma??"




"Humanda ka bukas Arman!" pagbabanta nito kaya natawa ako.




WANDA For YouWhere stories live. Discover now