CHAPTER 90:PROMISE

14.7K 236 6
                                    

After 3 years.....

(Kj's POV)

Nandito ako ngayon.. sa harap ng puntod nya...


Hay...ang bilis ng panahon.. hindi ko namalayan na tatlong taon na ang nakakalipas simula nung mangyari ang lahat....


Matagal tagal na rin pala simula nung mawala sya...hindi ko napigilang hindi umiyak...

Kasi naman eh....


"Hello...hay... ang tagal na pala no.. simula nung nawala ka..."


Tumigil muna ako sandali

Pinupunasan ko yung luha ko.. kasi alam ko ayaw nyang umiiyak ako..


"Sorry kasi umiiyak na naman ako.. ikaw kasi eh nakakabadtrip ka...mangangako ka tapos hindi mo naman tutuparin... ano ba problema mo?"sabi ko


"Alam mo ba galit na galit ako sayo.. kasi sabi mo hindi mo ko iiwan tapos.. bigla bigla ka na lang mawawala .. ano yun joke?"sabi ko

"Yung pangako mo hindi mo natupad.. galit na galit ako sayo.. nakakainis ka"

"Pero miss na miss na kita.. alam mo ba yun??nawalan na ako ng tagapagtanggol simula nung mawala ka... ang daya mo talaga... pero mahal na mahal na mahal kita..."

".sana nandito ka pa ngayon.. edi sana sabay tayong gagraduate ngayon... nangiwan ka kasi agad eh.... pero kahit ganon mahal na mahal pa rin kita"sabi ko


Magsasalita pa sana ako kaso. Nagring yung cellphone ko... si alliana


"Hello"


[Huy kj.asan ka na ba?nagsisimula na yung graduation ceremony .. malapit nang matapos. Nasan ka na ba??kanina pa hindi mapakali dito yung beloved mo o... galit na nga eh..]


Napatingin ako sa relo ko. Patay kanina pa pala nagsimula yung graduation...waaah di ko napansin... bumili pa kasi ako ng regalo para kay kurt...

hala


"Uhm sige babye.. we miss you kuya kieth.."paalam ko


Hay... matagal na rin pala simula nung mawala si kieth.. ang kambal ko...

Hay... oo nga pala si kurt.. sabi ko pa naman sa kanya susunod ako.. panigurado galit na naman yun saken

Hay ang daming nagbago ...


Nung gabing pinakidnap kami ni steven at nabaril nya si kurt.. hindi na sya nagpakita pa.. gusto nila alliana na ipapulis si steven...


Pero tumanggi si kurt.. ayaw nya daw.. mas mabuti na pabayaan na lang daw muna namin sya.. hindi naman na sya nanggugulo pa

2 Weeks na naospital...si kurt dahil sa mga sugat nya.. hay.. naawa ako sa kanya nung mga oras na yun..

Pagkatapos kong pumasok sa school dumidiretso ako sa kanya sa ospital para alagaan at bantayan sya.. minsan nagagalit sya kasi palagi ko syang pinupuntahan sa ospital...

When The Mafia Prince Meets The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon