Chapter 4

597 12 0
                                    

"So, ang tagal na nating hindi nagkikita ah? Bakit parang kulang kayo ngayon?" Ma'am Amelia laughed.

"She's busy po eh." Misha said and sipped on her glass of water.

"Ah ganun ba? Sayang, at lagi pa naman ako natutuwa 'pag magkakasama kayo."

"Makakasama naman po namin siya, masyado nga lang busy ang taong 'yon." I said as I stole food from Misha's plate. She looked at me with disbelief, and I smiled at her.

"Sige eto na nga at magkukwento na ako dahil saglit ako didito sa sainyo. Sinabi ko sa inyo noon na nahihirapan ako manganak, diba? Sinisi ako ni Joseph dahil doon, at siya nakipaghiwalay sa akin. Jusko po, ang presyo ng annulment dito sa bansa ay napakataas pero hindi ko na rin naman siya gusto makasama kaya pumayag na ako." I continued eating the croissants that I stole from Misha.

"Tuloy pa rin naman ang buhay ko. Sa pagtuturo and pag-aalaga ng mga pamangkin at halaman sa bahay. Tapos nakilala ko si Quentin." I stopped eating and looked at my former professor. Pumapag-ibig ulit ah.

"Kakilala siya ng kuya ko sa trabaho tapos dinala siya ng kuya ko sa bahay nila dahil may kukunin para sa trabaho. Nung araw na 'yon, nagkakwentuhan kami habang naghihintay. Simula sa araw na 'yon, lagi na siyang bumibisita at gumagawa ng dahilan sa kuya ko para makasilay sa akin. Hindi rin naman problema sa akin 'yon dahil gusto ko rin." Ma'am blushed at that.

"I'm kilig naman, Ma'am! Joseph is a boy piece of shit. You deserve to be loved by a man!" Misha said, na nanginginig na ewan dahil sa kilig.

"Napakabuting tao ni Quentin. Ang sarap niyang tingnan habang nilalaro ang mga pamangkin ko. Kaya tingnan niyo, nagbunga." Ma'am Amelia laughed as she caressed her belly. Maybe if she wore something fitting, her baby bump would've been noticeable.

I continued eating the croissants, not minding the conversation as it continued. Mabuti na lang mabusog kaysa mainggit.

"Buti na lang rin nakita ko kayo dito at hindi na ako pupunta isa-isa sa inyo. Aabot ko sana itong invitation sa inyo. Sana makapunta kayo, dahil naging paboriting klase ko talaga kayo noon." We looked at the wedding invitation she held, and our eyes widened.

"Ikakasal ka na, Ma'am?!"

"Sana all ikakasal!"

Both Misha and I said in unison. Ma'am Amelia laughed.

"Oo, ikakasal na kami ni Quentin. Hindi dahil buntis ako, kundi sigurado na kami sa isa't isa. Simpleng kasalan at maliit na salu-salo lang pero sana makadalo kayo, ah? Aasahan ko kayo."

"Grabe, Ma'am. Syempre, hindi ko papalagpasin 'to. Paborito kong professor noon, magiging misis na sa tamang tao." I said while still reading the details shown in the invitation.

"Same, Ma'am! I promise to attend! We will bring her too! Kami na mag-say sa kanya ng details about the wedding." Misha added as she also looked over the details of the wedding.

"Naku! Salamat dahil hindi ko na siya pupuntahan, bigay niyo nalang 'to sa kanya pag nagkita-kita na kayo ah?" She held out another invitation to which I get.

"Masyado ba kayong masaya na ikakasal at parang lagi kayo may baon na invitation?" I asked.

"Ikaw talaga, Crimson. Hindi pa rin nagbabago. Kumusta kayo nung jowa mo? Phillip ang pangalan nun, diba?" Misha laughed out loud at that, making me punch her left thigh under the table. Ma'am Amelia looked at her in confusion, tumawa ba naman nang malakas na parang ewan.

"Ah, Ma'am, matagal na kaming hiwalay noon. Ayaw ko na eh. Kayo naman, parang 'di friends sa FB!" I awkwardly said while chuckling.

"Hala? Pasensya na at hindi na rin naman kasi ako nagbubukas ng FB ko simula nung nakilala ko si Quentin. Okay ka naman, hija?"

"Grabe, Ma'am. Syempre okay lang, lalaki lang 'yon, madali palitan." I sipped on my water.

"Sana you can say that too in your current situation." Misha whispered like a demonyita.

"Sige, mauna na ako at mukhang kanina pa ako hinihintay sa table namin. Pasensya na rin kung medyo late ko na na-send ang invite ah? Onti na lang tuloy ang preparasyon niyo. Aasahan ko kayo ah? Sige, mag-ingat kayo ah!" Ma'am Amelia got up from her seat at tumayo na rin kaming dalawa para magbeso sa kanya at magpaalam.

"Kukuha ulit ako ng pagkain ah? Nakakagutom pa lang mainggit." I said then went on to different food stations to try other food I haven't tasted earlier. I also went to the desserts corner to see the desserts displayed in each tray and racks. Babalikan ko kayo mamaya.

"It looks like Daniel really took a toll on you. Kanina ka pa nagkakain." Misha said as I sat in my seat.

"Mind your own business. At least hindi sayang ang pagbabayad ng buffet dahil sinusulit ko, 'di katulad mo. Nakakain ka lang ng may kanin, busog ka agad? Nagbuffet ka pa."

"Stop attacking me! Kumain naman ako ng breakfast, maybe it was a heavy meal din kaya I'm full now." She defended herself.

As I ate, I continued our conversation that was cut off earlier. Ilang beses na ako nagkukwento sa kanila about kay Daniel, at pare-parehas ang sinasabi nila.

"He doesn't care about you enough to give you the reassurance that you need. He always focuses on his friends. Tapos there's no text from him? Kaya wakeup, sissy! You're not someone to be disregarded like that." Misha said. I will always be thankful to have her with me. Kahit minsan nakakairita kasi ang conyo, mahal ko pa rin 'tong misuang 'to.

|🌙|

Change of FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora