Chapter 2: His Bae

25.5K 354 4
                                    

Keisha's P.O.V.

"Ms. Gomez! Late ka nanaman, pangatlo na 'yan, don't you know that 3 lates are equivalent to one absence?" Umagang umaga 'yan 'yung maririnig mo? Sinong tao ang gaganahan?

Sinong taong matutuwa? Bakit hindi nila sisihin yung morning sickness ko? Tss.

"Sorry po." Paumanhin ko nalang, kesa awayin ko pa siya, eh ako naman talaga 'yung may kasalan, kung hindi naman ako nagpabuntis dun sa high-almighty-husband of mine eh, hindi ko naman sana dinadanas 'to ngayon.

Umupo ako sa upuan ko, "Keisha."  Untag sa 'kin ni Gneist, tropa ko. "Bakit?"   Tanong ko.

"Okay ka lang ba?" Usisa niya. Tumango nalang ako, baka mabingo pa 'ko lalo nung prof namin e.

Break time na pagkatapos nung subject na 'yon palabas na 'ko ng room, kaso bigla akong tinawag nung 'asawa' ko.

"Bakit?"  Tanong ko sa kanya.

"Mauna ka nang umuwi mamaya, may practice pa 'ko eh." Pagpapaliwanag niya. Sus! Excuses excuses excuses. Tss.

'Praktis? Praktis daw. Tss. Kikitain mo lang yung syota mo eh'  Bulong ko.

"Anong binubulong bulong mo jan?"  Tanong niya, bakas na sa boses niya ang pagkainis.

"Walaaaa. Sabi ko okay, practice mo. Uuwi na muna 'ko, wala na 'kong klase."  Palusot  ko.

"Okay, sabihin mo nalang kay mama ha?" Dagdag pa niya.

"Oo na. Sige bye."  Sagot ko, sabay labas nang room namin.

'Di pa 'ko nakakalayo ng- "Ingat kayo!" Sigaw niya, ingat daw kami?

'Ayos baby, may pakialam na sa'yo 'yung tatay mo ah.'  Bulong ko, yup, I'm 3 months pregnant, at dahil matatapos na 'tong huling sem ko, ay pagbabakasyunin na 'ko nila tita (mom ni Michael)

Paglabas ko ng school, agad akong pumara ng taxi, tapos umuwi na 'ko, pagdating ko sa bahay, wala pang tao.

Umakyat muna ako sa kwarto namin ng asawa ko. Naligo ako at nanuod sandali. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Maya maya, naramdaman kong may nagbubukas ng front door, baka si tita? Bababa na sana ako, pagtingin ko sa wallclock, 6 pm na. 7 hours akong nakatulog?!

Bumaba nga ako para tignan kung sino yung dumating, si Michael pala tsaka ano bang pangalan netong syota niya? Kris? Basta yun na 'yon.

"Andyan na ba si mama?"  Tanong ni Michael sa 'kin, hindi ko alam kung pa 'no ko siya sasagutin-

"Bae, sino siya?"  Tanong nung girlfriend niya, "Ahm bae ano-" napakamot ng ulo si Michael, kawawa naman.

"Ah, ser hinde pa po dumadateng si mam, siya po ba yong gerlfrend niyu ser? Ganda ser!"  Sabi ko, mukhang nagulat silang dalawa, "Nice bae, akala ko pinsan mo? Ang ganda mo ate para maging katulong." Sabi ulit nung 'bae' ng asawa ko.

"Ah eh, kakahire lang sa kanya bae." Nakisakay naman 'tong unggoy na 'to, pasalamat siya mabait ako.

"Here pala yaya oh, carry this upstairs, thanks." Sabi nung babae, ang bigat tignan nung bag niya, napalunok ako.

"Ah bae, ako nalang." Singit bigla ni Michael, may puso din pala 'tong isang 'to.

Maya maya biglang dumating si tita.

"Tita!" Bati nung babae kay tita, she shot Michael and I a confused look.

"Hi, hija! Long time no see." Bati ni tita sa kanya.

"Tara po ma'am kaen po tayo." Epal ko sa kanila, lalo namang nalukot 'yung mukha ni tita.

"Tara na po." Sabi ulit nung babae, Naunang pumasok 'yung babae sa dining room, nasa unahan ko naman 'yung mag-ina, napatawa ako nung pingutin ni tita yung tenga ni Michael.

"Enjoying this chaos much?" Sabi niya, halatang napipikon na.

"What? Ikaw naman nagdala ng girlfriend dito ah 'di naman ako." Inosenteng sagot ko.

"Ewan ko sayo." Sabi niya, sabay upo sa tabi nung syota niya.

"Yaya, sarap neto ha! Galing mo palang magluto."  Sabi nung babae bigla, nahiya naman daw ako kay Nanang Lucing siya 'yung nagluto neto eh.

"Ah, tenk yu po mam."  Sagot ko naman.

"So Krissa, what brings you here?" Pag-iiba ni tita bigla, so Krissa pala pangalan niya.

"Wala tita, I guess para magkaroon kami ng bonding time ng boyfriend ko, 'di ba sabi niyo po gusto niyo na rin po ng apo?" Sabi nung Krissa, halos maibuga ni tita 'yung kinakain niya, sabay tingin nila sakin ni Michael.

"Ah, tapus na pu akung kumaen mam, ser. Tenk yu pu sa dener. Labas muna po ako, papahangin po sana saglit." Paalam ko, ewan parang hiyang hiya ako, panira pala ako ng plano nila?

Dapat sila pala yung magkasama ganon ba yon? Ang sakit isipin na ako pala 'yung epal sa love story nilang dalawa.

Paglabas ko, siyempre dun ako tumambay sa balkonahe nila, mahangin kasi talaga dito e.

"Bye na pala bae, thank you tita sa pagkain. Hinahanap na din po kasi ako nila papa eh." Narinig kong paalam nung bruha, at siyempre paglabas niya, hinatid pa siya sa gate nung mokong kong asawa.

"Bye yaya, thanks sa pagluluto." Sabi niya pa sakin bago siya tuluyang lumabas ng gate.

"Sege po mam, engat po." Sabi ko with matigas na accent. Napansin ko namang napailing si Michael.

After ilang minuto, bumalik na si Michael, natapos na siguro silang maglampungan sa labas ng gate at nakauwi na din siguro yung bruha.

"Pumasok ka na malamig dito." Sita niya sa'kin.

"Oo, maya maya. Una ka na lang." Sagot ko, nginitian ko siya ng mapakla.

"Ano bang problema?" Tanong niya, umupo siya sa bakanteng upuan malapit sa kinatatayuan ko.

"Wala." Sagot ko.

*silence*

"Michael, I'm sorry. Promise habang nandito ako sa inyo, hinding hindi kita papakailaman." Sabi ko, nakita ko siyang nagulat sa sinabi ko.

"Ah, 'yun ba? Sige Keisha. Uhm salamat." sagot niya, maya maya napagdesisyunan naming pumasok na.

My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon