Chapter 1: Why So Rude Michael?

44K 487 39
                                    

Author's Note

This is a work of fiction. Which means I just made it up. Any names, characters, place, and incidents are either the product of the author's hideous imagination or are used fictitiously, and any resemblance to living or dead, establishments, events, or locales is coincidental.

Michael's P.O.V.

"Hoy! Ano ba? Hindi ka ba papasok?" Tanong niya sakin, araw-araw simula nung ikasal kami, hindi na lumilipas 'yung araw na hindi niya 'ko gigisingin, hindi na lumipas 'yung isang araw na hindi ko makikita yung mukha niya, pesteng buhay 'to oh.

Bakit ba kasi siya pa? "Hoy! Please nga pakitikom mo 'yang bibig mo! Una sa lahat, ayoko nang pinapakialaman ako, siguro naman alam mo na 'yan? Pangalawa, 'wag ka ngang umasta na parang totoong mag-asawa tayo!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry naman! Ginigising ka lang ang dami mo nang sinabi! Hmp! Bahala ka jan! Malate ka sana peste!" Sigaw niya naman pabalik sabay walk-out.

Pagtingin ko sa wallclock, paker! Mag-a-alas otso na, 8:30 yung klase ko. Nagmadali akong bumababa at naligo, dumampot ako ng orange bago umalis ng bahay, hindi uso 'yung paa-paalam sa pamamahay na 'yon eh.

Pagdating ko sa room namin, wala pang prof, pag sinuswerte ka nga naman!

"Hoy Michael! Si Krissa hinahatay ka kanina pa!" Sigaw sakin ni Nathan (short for Nathaniel)

"Ah, oo sige I-tetext ko nalang siya, salamat tol." Sagot ko.

To: Krissa
Bae, bakit? Kapapasok ko lang eh. Kita nalang tayo mamaya sa practice. Love you.

Wondering kung sino si Krissa? Well, siya yung girlfriend ko for 4 years. And kung walang nangyari samin nang asawa ko, siya talaga 'yung pinaplano kong makasama habang nabubuhay ako.

Natapos na 'yung second subject namin nung naramdaman kong nagvibrate 'yung phone ko,

From: Krissa
ahM. OkEi phoEex. Labsyuuu.

Oo, may pagkajejemon siya, pero I don't know, I find it cute eh. Hindi ko na siya ni-replayan, I focused my attention on my prof, tapos biglang-

"Ms. Gomez! Late ka nanaman, pangatlo na 'yan, don't you know that 3 lates are equivalent to one absence?" Panenermon nung prof namin, at alam niyo kung sinong sinesermonan niya? Obviously, 'yung magaling kong asawa.

My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon