TDWM 35

779 6 4
                                    



Still JEMA'S POV...

Nandito pa rin ako sa labas ng kwartong pinag pasokan kay Ella. Nakaubob at humihiling sa panginoon na sana. Sana, huwag siyang mawala. Hindi ko kakayanin. Kahit hindi niya sabihin saken, alam kong madami pa siyang gustong gawin. Madami pa siyang pangarap na hindi pa niya natutupad.

"Nasan si Ella? Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nabangga? Ipaliwag mo saken yun, Jema!!" Nag pupuyos sa galit na sigaw nito saken. Hindi naman ako makaimik agad sa takot.

"Sagotin mo ako, Jema! Ilang minuto lang yung lumipas, bago mo pa ako tawagan. Tumawag pa siya saken. Sinabi pa niya saken na...na feeling niya sasagotin mo na siya ngayon. Kaya nga tuwang tuwa pa siya habang kinakausap ako. Tapos...tapos ito yung nangyari? Paano? Paano nangyari ang lahat nang to? Halos...halos umabot na nga siguro sa Pluto yung ngiti niya pihado sa sobrang kagalakan. HAHAHAHA... Bakit? Bakit kaibigan ko pa? Bakit Jema? Bakit nangyari to? Explain to me..Please lang. Mawawala na ako sa katinuan nito.." Pag katapos niyang sabihin ang lahat ng yun. Napaluhod siya at humagulgol. Kanina pa akong umiiyak, habang nag sasalita siya.

"Ate..ate sorry! Hindi ko alam, bakit nangyari to sa kanya. Nag hahabolan kasi kami ate, ta~tapos..habang tumatakbo siya. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya ate. K~kayaa.. kaya nabangaa siya. Hindi ko alam na nasa bandang kalsada na kami. Sa kanya lang kasi ako nakatingin ate, kaya siguro hindi ko na din napansin na may papalapit na truck. Huli na ang lahat nung nakita ko yun. Na...Nab~anga n~na siya a~atee...Sorry po ate! Patawadin mo po ako. Kong sana..sana hindi ko na siya hinabol pa. Sana okay pa siya ate..Sana nandun na kami sa lugar kong saan niya ako tatanongin, pero sinira ko yun ate. Sinira ko yung araw na sana, sana lagi naming aalahanin at babalikan kong kaylan dapat magiging kami. Sabay naming aalahanin ang araw na to, bilang mag kasintahan. Pero..Ganto ang nangyari. Sorry po ate..." Hindi ko kaya. Gusto kong ipaliwanag Kay ate yung nararamdaman ko. Kasi anytime, anywhere alam kong bibigay at bibigay na ako. Ayaw kong bumigay kong alam kong nag iisa lang si ate sa maiiwan dito. Ayaw kong dagdagan pa ang problema ni ate Ly.

Alam kong napasakit para sa kanya na masaksihan na ang taong mahal niya. Ang taong walang sawang nandyan para sa kanya. Ang taong sila lang dalwa lagi ang nag kakaintindihan. Sa ilang buwan na pag sasama namin ni Ella. Napansin ko at inaadmire ko ang pag sasamahan nila ni ate Ly. Simula bata pa lang sila, sila na daw lagi ang mag kasama. Kahit may iba't iba silang circle of friends sa kanila at kanila pa rin sila babalik. Kong titingnan mo more than friends sila. Oo more than friends. Hindi lang sila basta mag kaibigan, kundi parang pamilya na. Mag kapatid ang turingan nila sa isa't isa. Kong ano mang meron yung isa meron din. One time nga, na kwento saken ni Ella.

Nung nag overnight daw si ate Ly sa kanila. Sa lahat daw ng makakalimutan ni ate Ly, underwear pa talaga. So yun, no choice hiniram niya yung kay Ella. Mapapansin mo talagang mag kapatid sila kong mag turingan. Siguro hindi na mag kakalayo yung kanilang pusod.

_____________________________________

"Kaylangan malaman ni na Laura ang nangyari. Hindi pwedeng hindi. Sasabihin ko kay Laura na puntahan niya sina Tita at Tito. Alam kong hindi nila kakayanin na nag kaganto ang kanilang anak. My god, Ells! Ano ba naman tong nangyayari? THE FUCK NA MAY SAKIT KAPA SA PUSO, tapos ganto pa nangyari? This is bullshit!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Si Ella? May sakit sa puso? Bakit hindi ko to alam? Bakit ngayon lang? Sa tagal naming mag kakilala, ngayon ko lang to nalaman.

"A~ate? Ate? Si Ella po may sakit sa puso? Paano? Bakit? Bakit ngayon ko lang po nalaman? Wala po siyang sinasabi saken."

The day we met Where stories live. Discover now