TDWM 13

822 21 2
                                    



Nasundo na ni tots si Jema sa condo nito at dumaretso na agad sila sa restaurant na pwede nilang kainan. Hindi na nag aksaya pa ng oras ang dalwa at kumain nadin. Kakatapos lang nilang kumain at ngayon naman ay pumunta sila sa labas, para mag pahangin at mag usap. Bumili muna sila ng inumin sa Starbucks, para may mainom sila habang nag uusap.






Jema's POV


Nandito kami ngayon sa labas habang nakaupo sa isang gilid. At nakatanaw sa kalangitan na ngayon ay kitang kita ang mga nag kikinangang bituin na para bang mga diamonds. Ang sarap nilang pag masdan. At idagdag mopa ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aming mga balat. Sakto lang ang lamig at hindi ka giginawin.


Hayyy ang sarap ng simoy ng hangin, tamang tama lang ito para samin. Ang sarap tumambay sa labas, lalo na kapag kasama mo ang the one mo. Tamang usap lang about sa mangyayari sa future. Sabay kayong mag paplano kong ano at kaylan gaganapin ang kasal yung ganun ba..Tapos sabay niyong babalikan ang nakaraan niyo, kong saan at kaylan kayo nag simula at kaylan hindi matatapos ang meron kayo. YUNG PANG HABANG BUHAY NA KAYO..Soon magagawa din namin to ng THE ONE ko. Napabuntong hininga na lang ako sa mga naisip ko. Soon mangyayari din yan..

T:"Oh muntik na akong malunod diyan ah hahaha. Share naman kong ano yung iniisip mo."Napansin niya palang malalim ang iniisip ko at ang pag buntong hininga ko hayyy..
J:"Ah wala yun. Tamang isip isip lang ng kong anong mangyayari saken sa future." Yun na lamang ang naisagot ko.
T: "Ano ba naman to?! Kaya nga tayo nandito para mag usap e para saan pat nagkita pa tayo."
J: Ang kulit naman nito.."Yun nga kasi yun. Naisip ko lang na ang sarap mag ganto lalo na kapag kasama mo yung THE ONE mo. Tamang babalik balikan niyo lang yung mga alala alala na nagawa niyo sa isa't isa. Yung sabay niyong tatawanan at maiiyak kana lang sa mga pinag daanan niyo, yung ganun ba." Paliwanag ko sa kanya..
T:"Oo nga lalo na pag ako yung kasama mo." Sabay tingin niya sakeng mga mata..Na awkward tuloy ako kaya nag iwas ako ng tingin..
J:"Ano ba yang pinag sasabi mo?! Tumigil ka nga.." Saway ko sa kanya..
T:"Diba nga, malay mo tayo yun yung mag kasama someday."
J:"Isa pa! Tumigil ka nga diyan tots.Hindi ako nag bibiro." Suway ko uli sa kanya at tinaasan ng kilay.. Hindi ko maimagine na tayong dalwa yun. Sabi ng isip ko..
T:"Hahaha! Okay titigil na. Basta pag pwede na at pinayagan mo na akong man ligaw sayo at sinagot mo na ako.Gagawin natin yung plano mo." Ano ba naman to!? Wala pa nga akong balak mag paligaw uli tsee..
J:"Tsee wala pa nga akong balak mag paligaw." Sagot ko sa kanya..
T:"Alam ko naman yun. Kaya nga hihintayin kitang maging handa uli, para masimulan kona yung first move ko." Sabay wink nito saken..
J:"Ewan ko sayo!" Sagot kona lang sa kanya. Kasi hindi ko mafeel talaga na siya yung makakatuluyan ko. Hindi ko mafeel yung mga excitement at kilig na tinatawag pag ganyan siya saken..Bigla namang nag ring ang phone niya.
T:"Wait lang Jema ha sasagotin ko lang to!" Tumango na lang ako sa kanya..
Napabuntong hininga na lang uli ako..Bakit hindi ako masaya? Bakit hindi man lang ako kinikilig sa mga banat niya saken? Pero bakit dun sa isa, simpleng kindat lang niya saken nag wawala na yung mga paru-paru sa tiyan ko. Napabulong na lang ako..








Sa may di kalayuan ay may nakatanaw na isang lalaki. Na nakikinig sa usapan ng dalwa kanina pa. Rinig din niya ang pag bulong ni Jema. Tungkol sa nararamdaman nito.



Someone's POV

"Walang kinang ang mga mata niya, habang kausap yung babae na yun.Ikaw ang gagamitin ko sa hinahanda kong plano. Ikaw tots." Sabi nito sa sarili niya at napaka smirk na lang..

















Hello readers!👋🥰
Kasunod po ito ng update ko kagabi hehe. Game day na ngayon ng ccs. Sana manalo sila at less error and more wins ccs girls!🥳💯 Sa sunod napo uli ang next update hahaha. Thankyou po sa pag babasa nitong story ko. Maraming maraming salamat po.😘 Yun lang po uli and I thankyou!😘💗






The day we met Kde žijí příběhy. Začni objevovat