TDWM 28

724 18 4
                                    




JEMA'S POV


Linggo ngayon, kaya naman hindi ako pupunta sa shop. Pahinga kona din kasi itong araw na to. Maaga akong nagising, ewan ko ba kahit linggo ngayon ang sigla sigla ko. Dapat nag papahinga lang ako ngayon, pero ito ako nakanta habang nag luluto ng umagahan.

Parang tanga lang ako dito nakanta habang nag luluto sabayan mo pa na pa ng ngiting abot batok. Feeling ko tuloy mapupunit na yung mukha ko dito sa pinag gagawa ko. Finally nag tapat na saken si Ella ng nararamdaman niya para saken. Gusto ko sanang sabihin na mahal konadin siya para isang ano na agad, pero naalala ko kaylangang padalagang pilipina muna ako. Diba? Mapag hahalataan ako niyang patay na patay sa kanya.

"Hindi nga ba? Totoo namang patay na patay ka sa kanya. Mas una mopa ngang pinayagan si Ella kaysa kay tots na nauna namang mag tanong man ligaw." Sagot naman ng bwiset kong konsensya.

"Whatever! Kahit ano pang sabihin mo ngayon, wala akong pake. Basta mahal ako ni Ella." Sagot ko naman sa bwiset kong konsensya.

Nag patuloy lang ako sa pag luluto. Fried chicken lang naman at soup tapos fried rice yung niluto ko. Ito lang kasi yung kaya ko hehe. Oo nag babaked ako pero pag usapang ganto. Hindi ko kaya. Para saken mas madaling mag baked kaysa mag luto ng mga ganyan. Yung mga lutong bahay ganun. Yung basta alam niyo na yun.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit sarili ko na lang yung kausap ko hindi ko parin mahanap yung tamang word kong anong sasabihin ko. Yung bang nasa dulo na ng dila mo pero hindi mo mabigkas kong ano ba talaga yun. Sa gantong paraan talaga ako na mi-misinterpret ng mga tao.

Kaya nga laking pasasalamat ko nung dumating si Ella sa buhay ko. Para bang siya yung missing piece ko. Siya yung nawawalang kabahagi ng puso ko na siya lang din ang nakakabuo. Sa maikling araw na pag sasama namin, nandyan siya lagi para saken. Para gabayan ako. Para e tama ako. Para tulungan ako. Nandyan siya lagi para iparamdam na hindi ako nag iisa at kamahal mahal ako.






FLASHBACK

Mahimbing akong natutulog ng biglang may tumatapik sa pisngi ko. Hindi ko to pinansin at tinakloban ko lang ang mukha ko. Pagod na pagod kasi ako sa mag hapong kakaisip. Kakaisip dito sa katabi ko. Wait! Napabalikwas naman ako at nung maalalang wala pala ako sa kwarto ko. At nandito ako ngayon sa kotse ng nasa isip ko.

Jema:"Sorry! Akala ko kasi nasa kwarto ako ngayon. Nandito pala ako. Wait! Nasan ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya at tumingin sa labas. Madilim na at ang ganda ng kalangitan. Ang sarap pag masdan. Sa kabila ng madilim na kapaligiran meron nag kikinangang mga ilaw pero may nakatawag pansin saken. Sa gitna ng nag kikinangang ilaw merong isang ilaw na patay sindi. Nalungkot naman ako.

Ella:"Alam mo! Yung isang ilaw na patay sindi parang ikaw." Napatingin naman ako sa kanya. Napansin pala niya na nakatingin ako sa labas. Tingnan ko naman siya na nag tatanong. "Bakit naman ako yung ilaw look." Ngumiti lang siya saken. "Kasi kahit gaano pa kadami yang problemang nakapaligid sayo at bumabagabag sa isipan mo. (dilim ng kalangitan) pinipilit mo paring mag patuloy. Gaya nung ilaw na yun" Turo niya sa ilaw na kumikindat dahil patay sindi. "Kahit na mukhang hindi na kaya nung ilaw, pinipilit pa rin niyang mag bigay liwanag sa mga taong nakapaligid sa kanya. Gaya mo madami ka mang problema o iniisip, hindi mo lang napapansin pero may napapasaya ka. May natutulungan ka. May nagagawa ka sa paraan na hindi mo kaylangang mag effort para sa iba. Kasi yung simpleng Ikaw. Yung simpleng bagay lang na ginagawa mo sa araw araw. Hindi mo alam na daang daang tao na pala ang napapaligaya mo. Isa na ako dun. Lagi man kitang naaabutang tulala na akala mo may problema pero meron naman talaga." Bahagya naman siyang napatawa sa huling sinabi niya. Naiiyak ako sa sinasabi niya.

The day we met Where stories live. Discover now