Chapter 1

40 7 0
                                    

Walang tigil ang pag agos nang luha ko kasabay nang walang tigil ding pagtakbo ko.

Alam kong panaginip lang ito! aware ako sapagkat wala namang taong walang mukha hindi ba?

Pinipilit kong mag mulat pero hindi ko magawa!

Madilim, at hinahabol ako nito.

Takbo lang ako nang takbo habang sinisilip sa likuran kung malayo pa ba ito sa akin.

Ngunit bigla nalang itong naglaho! at sa pag papalinga linga ko ay nagulat na lamang ako dahil nasa harapan ko na pala ito.

"ack.." impit nang boses ko nang mabilis ako nitong sakalin.

"bi- bitaw- bitawan mo ko" nauutal na sabi ko habang pinipilit kong tanggalin ang kamay nito sa leeg ko pero hindi ko magawa hanggang sa tuluyan nang lumutang ang mga paa ko sa ere.

Alam kong panaginip lang ito pero hindi ko magawang makawala! nauubusan na ako nang hangin!










"ahhhhhhhhh" sigaw ko nang maimulat ko na ang sarili ko sa bangungot na iyon.

"cough...cough.." umubo ubo ako habang hinahawakan ko ang leeg kong sinakal nang tao- no, I mean, halimaw na yon.

Mangiyak ngiyak ako dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang sakal na yun!



"Lady Amisty!" narinig kong sigaw nang kung sino.


huh?


Lady Amisty?

At sino naman kaya iyon? wala namang may Amisty na pangalan dito sa bahay ah.


"My Lady! may masakit po ba sa inyo?"

Napalingon ako sa tarantang boses nang babaeng iyon na kasabay nang pag bukas nang pinto ay ang tumatakbo nitong pigura papunta sa harapan nang kama ko at saka yumuko.


What?!, Ako ba ang tinatawag nito?


Wait,

Nakasuot ito nang damit nang isang katulong? E wala naman kaming katulong dito sa bahay ah.

tsaka isa pa, hindi ordinaryong pang katulong talaga na damit ang suot nito e. Alam niyo yung costume nang mga dama sa encantadia? yung long sleeve dress na hanggang talampakan at parang may belt, ganun siya. Ang kaibahan lang ay kulay gold ito na may touch of white.

basta gets niyo yun kung napanood niyo na yung encantadia hehe.


Pero teka lang nga,

Where the hell I am?!


Ngayon ko lang din napansin na hindi ito yung kwarto ko ah!

Eh?

Victorian styled room?

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan nang kwartong ito.

Ang kinahihigaan ko pala ay isang canopy bed.

shems ang lambot!

Anyway,

Sa magkabilang gilid ay mayroong table lamp, kung saan ang isa ay kaunti lang ang distansya sa pinanggalingan nang pumasok ditong babae na sa tingin ko ay ang labas nang kwartong ito.

Pagpasok nang pintuang yon ay bubungad kaagad ang isang sala set, sa harapan naman nang kamang kinahihigaan ko ay natatakpan ng makapal na kurtina na siguro ay isang balcony or bintana, habang sa kabilang gilid naman nang kama ay may vanity at study table.

Into that WorldWhere stories live. Discover now