Chapter 24

6 0 0
                                    

A/N: Don't forget to vote, comment and spread<3

"Y-your eyes.." mahinang saad niya habang gulat pa rin ang mukhang nakatingin sa akin.

We just stared at each other for 5 seconds until I felt that my eyes were back to normal. I gave him my cold stare and warning look.

He stayed silent the whole time. I know hindi matatapos ang araw na ito na hindi niya ako kokomprontahin. I'm torn between telling him the truth or just lie to him. Hindi ko na alam kung ano pa ang irarason ko sa nasaksihan niya kanina. Perhaps I just need to tell him the truth.

When we finished our food, Adonis immediately held my arms. I gave him a knowing look. Kaya tumango siya at nauna ng lumabas.

"Ah guys. Adonis and I will just stroll around." Paalam ko sa kanila. Nagtataka naman silang tumingin sa akin.

"Ha? Kailan pa kayo naging magkaibigan?" Tanong ni Josh. Ngumiti lang ako ng peke sa kanya.

"Ah just now? Hahaha anyway I'll explain later. Bye bye!" Mabilis kong paalam sa kanila at lumabas na. Naabutan ko naman si Adonis na nakatayo sa labas. He gave me a cold look and walked away so I followed him.

I don't have any idea where we're going and I still don't know if I should tell him the truth. Napabuntong hininga nalang ako. Ang tanga tanga mo kasi Theia! Inis kong sinabunutan ang sarili ko.

Namalayan ko nalang na papunta pala kami sa sasakyan niya. Nang makapasok na siya ay binuksan niya ang isang pintuan kaya pumasok na rin ako.

Nang makaupo ay naging tahimik ang paligid. No one dares to break the silence. Pero halatang naiinip na siya kaya binasag na niya ang katahimikan.

"Care to explain? Huh? What was that? Did I saw it right? Your eyes turned red." Naguguluhan niyang tanong sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Yes. My eyes turned red." Sagot ko. Napalunok naman ako ng tingnan niya ako ng malamig.

"And? Aren't you going to explain why that happened?" Naiinip niyang tanong.

"I don't know if I should tell you or not. But are you going to respect my decision if I'll decide not explain anything to you?" Umaasa kong tanong sa kanya. I'm not ready to tell him the truth. I don't know kung mapagkakatiwalaan ba siya. I already lost my mother I don't think kaya ko pang mawala pati tatay ko.

"I... if you're not ready then I don't have a choice but to respect your decision. But. If you ever hurt any of my friends. Know this. I will never forgive you and I will make sure that everyone will know about your secret." Pangbabanta niya sa akin. Napatawa naman ako ng mapait. He don't trust me eh?

"Of course you don't trust me but I will never ever hurt my friends too." Malamig kong saad sa kanya at lumabas na ng kotse.

Naghintay nalang ako sa labas ng mall at si Adonis naman ay nasa sasakyan lang.

"Oh I thought you're going to stroll around ha?" Pang aasar ni Josh ng maabutan nila ako sa labas. Inirapan ko tuloy.

"Tapos na." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Hindi talaga kayo magkasundo nuh? Hahahaha anyway lets go may booth pa tayong aasikasuhin." Saad naman ni Dite. Tumango naman ako at naglakad na pabalik sa sasakyan.

The whole afternoon passed like a blur. At ngayon ang second day ng Superno Festival at ngayon din magaganap ang duel between vampires and werewolves.

The good thing is pina close na muna ang mga booths namin dahil need na may audience sa magaganap na duel. Kaya ako ngayon nandito sa kwarto at nag aayos. Mamayang 8AM magsisimula na ang duel. I heard random pick daw eh. Makikita sa screen kung sino ang makakalaban mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Superno Academy: School for supernatural beingsWhere stories live. Discover now