Chapter 10

9 1 0
                                    

A/N: Don't forget to vote, comment, and spread<3

Third person's POV

Bumangon si Theia at nag unat. Nagpapasalamat siya dahil lahat ng subjects niya ngayon ay mga major bukas din ay mga major lang. So kampante siyang hindi niya makikita si Adonis. Pwera nalang kong magkita sila sa cafeteria. Naligo kaagad si Theia at napaisip. Mag papractice sila ng magic pero dahil nakasuot siya ng bracelet hindi siya makakapagcast ng mga spells. Naisip niyang hubarin nalang ito at isusuot lang ulit pag lalabas ng building.

Pagkatapos makapagbihis ay lumabas na siya. Naka fitted white shirt siya at skirt na stripe na kulay yellow. Naka sandal na white naman siya na may takong. Naisipan niya lang mag ayos ngayon kasi puro major subjects lang naman ang mga subjects niya. Naglakad siya papuntang cafeteria nang namataan niya si Adonis.

"shit" nabulalas nito. Ayaw nitong makita ang binata kasi alam niyang uutusan siya nito. Buti nalang at napadaan si Aella kaya tinawag niya ito.

"Aella! " mahinang sigaw niya sa dalaga. Lumingon naman si Aella at nagulat sa ayos ng kaibigan niya.

"ang ganda natin ngayon ha" nanunuksong saad ng dalaga kay Theia. Napanguso nalang siya sa sinabi nito.

"may favor sana akong hihingin sayo" at nag puppy eyes siya. Natawa nalang ang dalaga sa naging asal nito. Naisip niyang may ganitong side pala si Theia na ikinatuwa naman niya.

"ano naman yun? Siguraduhin mo lang na kaya ko ha" sagot ng dalaga sa kanya. Napangiti naman si Theia at sinabing bilhan siya ng pagkain. Nagtaka naman ang dalagang si Aella.

"bakit naman? Ayaw mo bang pumasok sa cafeteria?" tanong nito. Bumuntong hininga naman ang dalagang si Theia at nagdadalawang isip kong sasabihan ba niya ito.

"kasi ano eh... basta may pinagtataguan ako. Please maghihintay nalang ako dito tapos pag may nagtanong sayo sabihin mo hindi mo ko nakita ngayon ha? " saad ng dalaga kay Aella. Kahit naguguluhan ay tumango si Aella at pumasok sa cafeteria. Alam naman niya ang order ng dalaga dahil palagi naman niya itong nakakasabay.

"hiding from me huh" nagulat ang dalagang si Theia ng may narinig siyang nagsalita sa likuran niya. Napakamot nalang siya sa kanyang batok ng makita niya si Adonis sa likuran niya.

'so much for hiding from him' saad ng dalaga sa isipan niya. Hinarap niya ang binata na nakasimangot ang mukha.

"do you need anything?" inunahan na nito ang binata alam naman niyang may iuutos ito eh. Napangisi naman ang binata. Kaya nainis si Theia. Yung ngisi kasing iyon ay nakakainis. Inirapan niya ang binata at naghintay sa sagot nito.

"Nah just making sure you're wearing your bracelet" saad ng binata kay Theia. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga.

"Alam mo naman siguro pag ang witch ay nakasuot nitong bracelet nato hindi niya to matatanggal mapapaso lang siya. Kaya no need to follow me just to make sure that I'm wearing the bracelet" mukhang nagulat siya. Hindi niya yata talaga alam. Ipinag kibit balikat nalang ito ng dalaga at tinalikuran ang binata pero bago pa sya makahakbang ay hinawakan ng binata ang braso nito kaya napalingon ito sa kanya.

" I didn't say that you can walk out on me" napairap nalang sa isip si Theia.

"What do you want boss Adonis?" Inip na tanong sa kanya ng dalaga. Malelate na siya sa klase niya at itong kasama niya eh ang bagal sumagot.

"You know what? I'm gonna late for my class so maybe we can talk later?" Hindi na niya ito pinasagot at kusa ng umalis.

Pumasok siya sa klase niya at doon nalang hinintay si Aella. Baka pupunta yon dito pag di siya nakita sa labas.

Last subject na nila ngayon kaya naghihintay nalang si Theia sa upuan niya nang biglang umupo si Alexandra sa tabi niya. Naalala niya ang babaeng ito, ito yung sinasabing bagong kaibigan ni Aella na binully dati.

"Hi!" masigla niyang bati kay Theia tumugon naman ang dalaga at nagpakilala.

" I already know your name. Aella told me." Tumango nalang si Theia at tumahimik. Napatawa naman bigla si Alexandra kaya lumingon ulit ang dalaga sa kanya.

"totoo nga ang sabi ni Aella na ang tahimik mo nuh? Hahahha" natawa nalang si Theia dahil nakakahawa ang tawa niya.

"Hindi lang ako sanay" sagot nito kay Alexandra tumango naman ang dalaga at nagkwento nang nag kwento. Nakinig lang si Theia kasi tungkol naman sa school ang kwenekwento ni Alexandra.

"Next week na ang Acquaintance Party alam mo ba? Actually i aannounce palang siya hahaha inunahan ko lang sila sa pagsabi sayo" natawa ulit ang dalaga kasi nacucute tan siya kay Alexandra lalo na pag tumatawa nakakahawa talaga.

"Really? Ano naman gagawin doon?" Takang tanong ng dalagang si Theia. Hindi niya gaanong alam ang salitang acquaintance party basta ang alam niya ay isang party ito.

"Hmm hindi ko pa alam kung anong theme ngayong year, kasi last year, masquerade yun eh. Pakilala lang ganun tas pwedeng makisalamuha sa iba't ibang nilalang at may mga games din na for sure matutuwa ka" mahabang paliwanag ni Alexandra kay Theia. Nagagandahan talaga ang dalagang si Alexandra kay Theia dahil sa mga mata nito na kulay berde.

'May kamukha siya eh' saad sa isip ni Alexandra habang nakatitig siya kay Theia. Hindi niya lang alam kung sino basta pamilyar ang mukha ni Theia.

"Talaga? Nakakaexcite naman." Natutuwang sabi ni Theia kay Alexandra. Ngayon niya lang mararanasan ang ganito. Nagkwekwentuhan lang sila ng biglang pumasok ang guro nila.

"Good afternoon class. I have an announcement. Next week will be your acquaintance party. And this time, the theme will be Retro. Magsusuot kayo ng mga makalumang kasuotan. 80's to 90's ang pwede niyong pagbasihan. There will be also games of course but this time magkakalaban na ang mga witch, vampire, hybrid, and werewolf. The mechanics of the games will be further explain during the acquaintance party. Class dismissed." At umalis na ang kanilang guro. Umingay sa loob ng classroom nila, iba't ibang komento para sa upcoming acquaintance party. Lahat ay excited lalo na sa mga games na sasalihan nila.

"Omygoood retro pala ngayon. Alam mo dapat magshopping na tayo para sa susuotin natin." Naeexcite na sabi ni Alexandra kay Theia. Lumapit naman si Aella sa kanila. Kararating lang kung saan.

"Ba't ngayon ka lang Aella?" Tanong ni Theia sa kanya.

"Ang sakit kasi ng tiyan ko ngayon lang ako natapos hehe so ano tong naririnig ko na acquaintance party daw next week?" Tanong ni Aella sa kanila. Tumango naman si Theia at Alexandra sa kanya.

"Yup so dapat makapagshopping na tayo ngayon. Wala na namang klase eh. We can now go home" masayang sabi sa kanila ni Alexandra. Tumango ang dalawa at napag pasyahan na uuwi mo na sa dorm kasi magbibihis. Tatawagin din nila si Dite upang makasama sa pag gagala nila.

@nanaxoxo1312

Superno Academy: School for supernatural beingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon