Chapter 22

1 0 0
                                    

A/N: Don't forget to vote, comment, and spread <3

Aella's POV

Dumating ako sa school exactly 3am. Yan kasi ang napag kasunduan namin ng mga ka grupo ko. Fortunately, magkasama kami ni Theia sa booth. We're both on the 3rd floor so kami ang nakaassigned sa paggawa ng cafe booth.

We decided na ang cafe booth ay sa labas lang ng building namin while the horror booth ay sa second floor. Pagdating ko sa labas ng building namin ay marami rami na rin kami rito. Hinanap ko si Theia pero hindi ko siya nakita. Baka papunta palang dito.

"Good morning everyone! Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, I'm Hannah and I was assigned to be the leader of this group." As far as I know, nasa level 3 na siya.

"I will be assigning you all. Para may ambag ang lahat okay? I have the list here sa lahat ng miyembro rito. So to start with, ako ang mag susupervise through out the superno festival week. Tapos rotation tayo. For the first day, Alexandra, Aella, Amaltheia, James, Derick, and Patrick kayo ang assigned sa pag seserve ng mga customers. Kayo ang group 1 while Pea, Amara, Keziah, Gilbert, John, and Jeffrey kayo ang assigned sa kitchen kayo naman ang group 2 at Kim, Anna, and Racquel sa cashier kayo which is group 3 lastly, Sam and Avi kayo ang assigned sa labas ng cafe natin kayo ang magtatawag ng mga customers and group 4 kayo." Mahabang paliwanag ni Hannah. Sakto namang dumating si Theia na maaliwalas ang mukha. Hmm these past few days kasi parang ang lalim palagi ng iniisip at ang bigat ng aura niya pero ngayon nawala, bumalik sa dati nung una kami nag kakilala.

"Hey." Bati niya. Nagtanong pa kung ano ng pinag uusapan namin.

"Nag assign lang si Hannah. Group 1 tayo." Tumango naman ito at nakinig nalang muna kami sa harapan.

"So I will post a list sa third floor kung saan lahat makakakita. Doon sa list ay yung rotation natin. So if sa first day ay sa kitchen kayo sa second day ay iba naman. Naintindihan ba ng lahat?" Tumango kami sa kanya at nagsabi na magsimula ng gumawa ng cafe booth.

Kaming group 1 ang nakaassigned sa pagkuha ng mga lamesa at chairs sa storage room. Kaya lumapit na kami kay Alexandra na kasama sina Derick, James at Patrick.

"Hi girls, this is Derick, James, and Patrick nga pala. Guys, si Theia and Aella." Nakipag kamay ako sa tatlong lalaki. Derick has a soft feature while Patrick has bad boy vibe and James yung may pagka nerd.

"Hey." Bati nilang tatlo. Tumango naman kaming dalawa ni Theia at nagsimula ng pumunta sa storage room.

Nang marating ay pinag tulungan namin kunin ang mga lamesa. Ang tatlong boys ay binitbit lang ang mga gamit while us girls used magic para lumutang ang mga gamit.

After an hour ay natapos na ang cafe booth namin. Perks of having magic.

"Ang ganda!" Saad ni Theia. Napangiti naman ako. Right. Maganda nga ang pagkagawa namin.

Dahil maaga pa naman at 8am pa mag sisimula ang event napagkasunduan namin na matulog muna ulit. Kaya dumiretso na ako sa room ko pagkatapos kong magpaalam kay Theia.

...

Amaltheia's POV

Nagpaalam si Theia at ang iba na matutulog muna sila. Ako? I don't know hindi ako inaantok. Napag pasyahan ko nalang pumuntang falls. Nang makarating ay umupo ako sa favorite spot ko- ang malaking bato.

Napabuntong hininga ako. Ngayon parang nabunutan ako ng malaking tinik. Parang nawala ang malaking nakapasan sa akin. Maybe because I was able to see for the last time my mom and was able to say goodbye. Plus I met Uncle Ken.

Napangiti ako. Magaan na ang pakiramdam ko.

"You should smile more." Napalingon ako sa nagsalita.

"Hey." Bati ko rito. Tumango naman ito at umupo sa maliliit na bato.

"Something good happened? These past few days you've been down and I don't know sad?" Tanong niya. Halata pala.

"Yeah. But I'm okay now." Tapos ngumiti sa kanya. Napangiti naman siya.

"Yan. Ganda oh." Napairap ako sa naging tugon niya.

"Bolero as always Zech." Natatawa kong saad sa kanya.

"Alam mo rin pala tong lugar na ito? When I came here with Josh ngayon niya lang to nakita raw eh." Tanong ko sa kanya. Akala ko kami lang ni Adonis ang may alam.

"Hmm. Remember you brought me here? Doon pa nga sa kweba oh. Hahaha" sabi niya. Right. Nakalimutan ko. Dito ko nga pala siya dinala noong tinanong ko siya kung bakit alam niyang ako ang nagpainom sa kanya ng dugo.

We chatted until the sunrise. Masaya naman palang kasama si Zech although mahangin lang talaga. At palabiro pa. He really have this happy go lucky side.

"Mauna na ako. May booth pa akong dapat asikasuhin." Paalam ko sa kanya. Tumango naman ito at tumayo na.

"Ano pala ang booth niyo?" Dagdag ko pa.

"Hmm. Jail booth and kissing booth." Napakunot naman ang noo ko sa narinig. Really? Hybrids?

"Talaga? Parang wala naman sa bokabolaryo niyo ang gumawa ng ganyan." Komento ko rito.

"Well, blame Cassy. She's the mastermind." Hindi ko kilala ang pangalang sinabi niya. Nabasa niya yatang hindi ko kilala kaya pinagpatuloy niya ang kanyang sinabi.

"Cassy. Yung nakabangga mo sa first day? The bitch. Cassandra." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Cassandra dahil sa naging pahayag ni Zech sa kanya. But I chose the former.

"HAHAHAHAHA seriously? The bitch? Although you're right." Natawa naman ito sa naging tugon ko sa kanya. Totoo naman. Feeling Queen.

Nagpalaam na kami pagkatapos sa isa't isa. Ako dumiretso na sa room. Nagpahinga sandali at naligo na.

Paglabas ko ay naabot ko si Aunt Larissa sa kama ko nakaupo.

"Aunt." Tawag ko rito. Malalim kasi ang iniisip niya kaya hindi niya ako napansin kaagad.

"Theia." May halong pag aalala at pangamba sa pagtawag palang niya ng pangalan ko.

"Any problem?" Umupo ako sa tabi niya.

"About the duel? Baka pwede kang mag panggap na may sakit kaya hindi ka makakasali?" Suhistyon niya.

"Aunt. I'm okay. I want to be in the duel. I promise it will be quick. I won't get hurt." Pagpapakalma ko sa kanya. Bumuntong hininga siya. Alam naman na niya na hindi niya ako mapipigilan.

"Fine. But promise me okay?" Tumango ako rito. Niyakap pa niya ako bago nag paalam. Nagbihis ako pagkatapos. I just wore a boots with heels and a leather pencil like skirt. Pinaresan ko ito ng sweater na medyo fitted sa akin.

Pagkatapos kung mag ayos ay lumabas na ako. Here we go. The first day of Superno Festival.

***
@nanaxoxo1312

Superno Academy: School for supernatural beingsWhere stories live. Discover now