Chapter 3

14 2 0
                                    

A/N: Don't forget to vote, comment, and spread<3

Amaltheia's POV

Nakatayo kami ngayon ni Aunt Larissa sa labas ng gate ng Superno Academy. Grabe ang laki naman ng school na ito. Castle na yata to eh. Color peach ang color ng gate at may nakaubrang letter SA sa baba naman nito may naka lagay na 'for supernatural beings only'.  Hindi halata na bawal ang mga mortal dito ha. Note the sarcasm.

"ready? " napatingin naman ako kay Aunt. Ay bawal ko na pala siyang tawagin ng ganoon. Kaya ko ba? Kinakabahan ako ng sobra.

"relax okay? Hindi naman kita papabayaan. I already arrange your subjects and you're under my class except sa PE at mga minor subjects mo. Hindi kasi ako naghahandle noon. Don't worry tatlong minor lang naman yun. Pero mag iingat ka ha? Dahil sa mga minor subjects na yun halo halo ang mga studyante, may mga witches, werewolves at mga vampires kang magiging kaklase. So please be careful and remember what I told you okay? " mahabang paliwanag ni Aunt. Tumango naman ako at huminga ng malalim. I can do this. I'm the daughter of Hades and Hermione, the two most powerful hybrids in the world. I can't be chickening out right now. I shouldn't be.

"let's do this MISS" natawa naman siya sa huling sinabi ko at pumasok na. Sumunod ako sa kanya. Pumunta siya sa may gilid at may biglang lumabas na monitor. Parang iniiscan ka pagkatapos biglang bumukas ang gate.

Napanganga ako nang makapasok sa loob. Grabe sobrang ganda! Parang nasa ibang mundo ako. May mga fairies din na lumilipad at nagtataasang mga puno. Para sa akin, hindi na siya creepy ikaw ba naman tumira sa gubat sa loob ng tatlong taon, hindi ka ba masasanay? Kaya imbes na matakot mas bumilib pa ako sa lugar na ito.

"ganda no? " nakangiting tanong ni Aunt sa akin. Tumango naman ako.

"sobra Aunt. Grabe hindi ako makapaniwala na estudyante ako ditoooo waaah! " kinikilig kong sabi sa kanya. Natawa naman siya at hinila na ako papasok. Akala ko maglalakad lang kami hanggang makapasok sa loob pero hindi pala. May biglang humintong van sa gilid namin at bumukas lang ito bigla. Wow.

Pumasok si Aunt kay pumasok na rin ako. May mga new students din akong kasama na nandito sa loob ng van. Yung iba vampires, werewolves tapos kunti lang yung witches. Mga nasa 15 lang yata kami lahat dito kasama na ako at si Aunt.

"Welcome students to Superno Academy the school for supernatural beings! " napahawak ako bigla sa dibdib ko nang may nagsalita. Nagulat ako doon. Napatingin ako sa gitna at ayun yung nagsasalita nasa monitor siya. Actually walang mukha, boses lang ang naririnig namin. Ilang sandali lang ay nakapasok na kami sa loob at bumaba na.

Iginala ko ang paningin ko sa lobby ng Superno Academy. May malaking chandelier sa taas nito at napapalibutan ng ibat ibang paintings ang lobby. Parang nasa five star hotel lang ang peg nitong Academy. Maya maya lang ay may biglang dumating sa harapan. Actually ang bilis niyang nakarating jan, kanina lang ay nasa likuran lang siya eh. So I guess vampire siya or isang hybrid.

"good morning new students. I'm Athena Poland the head mistress of this academy. You can call me Ms. Ena. So, I will be explaining the rules of this academy, so makinig nang mabuti okay? This school is divided into four categories, the witches, vampires, werewolves, and lastly the hybrids. You can see that building over there? That's Pythonissam building, the building for the witches. Yun naman ay Lamia building para sa mga vampires. At yan ay lycanthrope building para sa mga werewolves. At yung natatabunan ng mga malalaking puno ay mongrel building para sa mga hybrids. At makikita naman ang Auditorium sa second floor nitong building na kinatatayuan niyo. The headmistress's office is over there. In the right side of this building." Napatingin naman ako sa mga itinuro ni Ms. Ena, ang kulay ng building ng mga witches ay purple, sa vampires naman ay red, sa werewolves ay white at sa mga hybrids ay black. Magkadikit lang ang building namin ng mga vampires tapos sa harapan namin ay sa mga werewolves. Ang mga hybrids ay nasa bandang likuran ng lycanthrope building pero makikita pa rin dito ang mongrel building.

"if you are a witch please go over there. And if you're a vampire just stay where you are. For the werewolves, in the left side please. And for the hybrids in the front." Sinunod namin si Ms. Ena at pumunta ako sa may right side at tiningnan ang makakasama ko. Limang witches ang kasama ko kasali na ako. Tapos tatlong werewolves. Apat na vampires at dalawang hybrids.

"for the witches, you're gonna wear these violet bracelet it's for your identification and for your protection as well. Vampires and hybrids wear these rings, it's a daylight ring. If you already have replace that ring in this ring okay? For the werewolves wear this necklace. That accessories you are wearing is also a tracking device. So that we can locate you even if you're cloaked." Napatingin naman ako sa bracelet ko. It has a pendant, a magic wand pendant. At napapalibutan ng mga diyamante. Ang ganda.

"There are four levels here before you'll graduate. Obviously kayong mga newbie ay nasa level 1 pa. Anyway, here's your schedules, someone will tour you around later. Enjoy your stay." At bigla nalang siyang nawala. Hahakbang na sana ako nang may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa babaeng may violet na lipstick, at well, violet din ang suot niyang damit at sapatos. Halatang violet lover ito.

"Hi! I'm Aella Griffith. A Griffith witch and you are?" nakangiting pakilala niya sa akin. Oh my god, I'm starting to like this place.

"my name's Theia. A Lambros witch. It's nice to meet you Aella" nakangiti kong sagot sa kanya. Nakipagkamay siya sakin. At inakbayan ako.

"Lambros? I thought wala na ang mga Lambros dito, may natitira pa pala." Komento niya. Well, si grams nalang ang nag iisang Lambros witch dito.

"ah, yeah me and my grams. We're the only Lambros left." Tumango naman siya at humarap sa akin. Kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya sakin. Parang kinikilatis ako ng mga mapanuring mata niya.

"you know, I can feel how powerful you are and how many secrets you're hiding." Seryosong saad niya sa akin. Napalunok ako at huminga ng malalim.

"a-ano ka ba of course I'm powerful because I'm a Lambros witch. And lahat naman yata tayo may tinatago?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at natawa sa sinabi ko.

"yeah, you're right. Come on" bumuntong hininga ako ng tigilan na niya ang panguusisa. Sumunod kami sa naka assign na mag totour sa amin. Nagkwentuhan lang kami ni Aella sa mga bagay bagay tungkol sa sarili namin. Alam ko na din kung saan ako titira dito. Ako lang mag isa thankfully. At nalaman na rin namin kung saan ang cafeteria dito at ang mga magiging room namin. Magkaklase kami ni Aella sa lahat ng major subjects. Hindi nga lang sa mga minor. May tatlong minor subjects ako. Katulad ng PE, History class at defense class. Ang PE ko ay sa lycanthrope building. Ang history class ko naman ay nasa lamia building at ang defense class ko ay sa mongrel building. Malayo layong lakaran to.

Natapos ang araw na ito na walang masamang nangyari. Binisita din ako ni Aunt Larissa sa room ko at kinamusta at sinabing mag iingat palagi. Sinabi ko naman na mag iingat ako at hindi hahayaang mapahamak ang sarili. Bukas na mag sisimula ang unang klase at sana maganda ang kinalabasan. Hays sana nga.

...

@nanaxoxo1312

Superno Academy: School for supernatural beingsWhere stories live. Discover now