"Hindi natin sila kakayanin!" sigaw ng isang babaeng Paganus na nagawa namang depensahan ang sarili laban sa shedim gamit ang ice manipulation ability nito. Naikulong nito ang shedim sa bloke ng yelo.

"Romulus!" Sindak na sigaw ni Beatrix nang makita ang isang shedim na tumakbo nang matulin patungo kay Romulus na nakatalikod mula sa halimaw. Ang atensiyon ni Romulus ay na kay Beatrix kaya hindi nito iyon nakita. Kita niya ang mataas na pagtalon ng shedim kay Romulus at ang matatalas na kuko ay nakahanda na sa pag-atake. Napigil ang paghinga ni Beatrix sa matinding takot. Ang takot ay naibsan lamang nang ang pag-atake ay napigil nang may tumamang pana na enerhiya sa mismong sentido niyon. Bumagsak ang shedim sa lupa, nangisay hanggang sa masunog. Nang linungin niya ang nagligtas kay Romulus ay nakita niya ang papalabas na si Manoela mula sa portal in her fairy form, riding in a huge black horse. Mahaba ang mga tainga. Silver-blue na buhok pati ang mga mata at ang suot ay isang kulay na puting bestida na may mahabang slit sa magkabilang hita. She's wearing silver-blue corset armour that pushes her breasts up, silver-blue gladiator-style shoes, and she's holding an energy-based blue silver bow and arrow. Kasunod na lumabas mula sa portal sina Damon, Logan, Sixto at iba pang Lycan. Romulus dashed towards Beatrix, grabbing her by the waist and pulling her away from the shedim who was about to attack her. Maneola dispatched it with an arrow.

"Are you okay?" pagkausap ni Romulus sa kanyang isip.

"Yes," She responded verbally. Ang isang malaking kamay ni Romulus ay dumiin sa halos buong baywang niya. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg nito at ibinaon ang kanyang mukha sa mabalahibo nitong leeg habang karga siya nito.

"If I die tonight, I want you to know that I love you, Romulus. I love you very much!"

Romulus groaned, rubbing his hairy cheek against her head. "I won't let you die. We will kill these monsters and Siera. We will survive."

Nag-angat ng ulo si Beatrix nang lumapit sa kanila si Manoela. "Kailangan mong palabasin ang kapangyarihan mo, Beatrix. Alam kong hindi lang 'yan ang kakayanan mo."

"Paano natin mapapatay si Siera?"

"The god's blade." Magkasabay na dumako ang tingin ni Manoela at Beatrix sa punyal na pinuprotektahan ng isang evil spirit.

"Ang sabi mo nagawa mong hugutin ang punyal na iyan mula sa katawan ni Hieronimos. Ibig sabihin ikaw ang susunod na maaaring mag may-ari ng punyal na iyan at ikaw lang makakapatay kay Siera."

"Manoela I can't. Hindi ko kaya. Masyado siyang malakas pati na ang mga alagad niya. Can't you see? Kaya niyang tawagin kahit ano'ng klaseng masamang elemento."

"Kakayanin mo. Kayanin mo or else we are all gonna die." Lumabas bigla ang isang chain mace weapon sa kamay ni Manoela na katulad ng sa black rider, iyon nga lang ay gawa sa bakal ang sa black rider pero ang kay Manoela ay mula sa enerhiya pero natitiyak niyang kayang tapatan nito ang sandatang meron ang black rider na mukhang sila ang aatakihin dahil ang kabayo nito ay matuling tumatakbo patungo sa kanila.

"I'll deal with this one—let's go!" Marahang itinapik ni Manoela ang paa sa gilid ng katawan ng kabayo. Nagsimulang tumakbo ang kabayo pasalubong sa black rider. Ipinaikot-ikot ng black rider ang hawak na chain mace na siyang ginawa rin ni Manoela. Tumayo si Manoela habang tumatakbo ang kabayo. When the two horses were side to side, the two creatures, good and evil took their shot in unison. Suminghap si Beatrix nang makitang nabasag ang bakal na chain mace ng rider. Nang lumagpas ang kabayo ay pinatigil iyon ni Manoela at pinapihit pabalik. Pinaikot ni Manoela ang chain mase sa ibabaw ng ulo bago muling pinatakbo ang kabayo pasugod sa black rider na ngayon ay nakaharap ng muli kay Manoela. Buong puwersa iwinasiwas ni Manoela ang chain mace sa ere patungo sa blackrider nang makalapit ito. Tinamaan iyon sa ulo at parang hanging naglaho kasama ang kabayo. Ang chain mace ay naglaho at isang latigo naman ang pumalit na armas. Sinalubong ni Manoela ang lahat ng shedim na lumulusob, pinatamaan ng latigong enerhiya. Her power was amazing. Hindi niya nakitang ipinamalas ni Manoela ang ganyang klaseng kapangyarihan noon sa digmaan ng Paganus at Lycan.

A Vidente Donde viven las historias. Descúbrelo ahora