Chapter 36

6.3K 478 90
                                    

"SINO ANG batang iyan?" tanong ni Missy nang matanaw si Baltazar sa lanai mula sa sala na maganang kumakain ng nilutong puto bumbong ni Mang Perla. Tuwang-tuwa rin ang kanyang mommy at daddy kay Baltazar. Nailibing na ang pamilya ng bata. Inaasikaso na rin nila pag-aampon sa bata para sila na ni Romulus ang maging legal na guardian nito. Si Manang Melita since wala naman pamilya ay isinama na nila at siyang magiging tagapangalaga ni Baltazar.

"Si Baltazar." Tumayo si Beatrix. "Halika. Ipapakilala kita." Tumayo naman si Missy, iniwan nito ang bag sa sofa.

"Oh, saan kayo pupunta? Ito ang meryenda." Inilapag ni Manang Perla ang meryenda sa center table.

"Sa lanai lang po. Ipapakilala ko lang si Missy kay Baltazar. Balikan po namin 'yan." Tinungo ng dalawa ang lanai. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nang makita ang maganang pagkain ng bata.

"This is delicious, lola and lolo," ani Baltazar na muli na namang sumubo.

"Napaka-cute na batang ito, Beatrix. Gustong-gusto namin siya ng papa mo." Parang hinaplos ng banayad na kamay ang kanyang puso sa nakikitang kaligayahan sa mukha ng ina. Parang ngayon na lang niya uli ito nakitang ganito kasaya mula nang mamatay ang kanyang kapatid.

"Parang ngayon lang nakakain ng puto bumbong," nagagalak namang sabi ng kanyang ama.

"Dito na lang kayo tumira, Beatrix. O di naman ay iwan mo na lang dito si Baltazar muna habang nagtatrabaho ka sa Maynila," ang kanyang ina.

"Oo nga. Kakausapin ko si Madallena, baka may magawang paraan para maka-recover ako para ako na lang ang maghahatid kay Baltazar kapag papasok na siya school." Nagkatinginan ang mag-ina sa narinig na sinabi ng ama. Nagalak ng husto dahil nagkaroon muli ng dahilan ang kanyang ama para muling makalad. Handa pa itong makipag-ugnayan ngayon sa Paganus para lamang gumaling.

"Ahm. Pag-uusapan po muna namin ni Romulus at ni Manang Melita ang tungkol sa bagay na ito, mom, dad."

"Ako ayos lang." Naglapag si Manang Melita ng tubig sa mesa. "Ang ganda ng lugar na ito. Mas gugustuhin kong manirahan dito kaysa sa siyudad."

"How about you, Baltazar? Do you want to live here with lolo and lola?" tanong ng kanyang ama. Nag-angat si Baltazar ng tingin sa ama.

"Opo. I want to live here," tugon nito na muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Napaka-cute na bata naman nito," komento ni Missy na bahagyang umuklo sa tabi ni Baltzar matapos nitong lumapit.

"Hello, little boy. Puwede ba akong makipagkilala?" Luminga naman si Baltazar, dinilaan nito ang labi para linisin ang kumalat na pagkain.

"Hello, I'm Missy." Tumitig lang si Baltazar kay Missy at makalipas ang ilang sandali ng pagtitig ay bigla nitong binitawang ang tinidor na hawak saka tumalon mula sa kinauupuan. Tumakbo ito kay Beatrix at yumakap sa kanyang hita. Inilagay niya ang kamay sa ulo nito at marahang ginulo ang buhok.

"Nahihiya ka ba? She's Ate Missy."

"She's a monster." Malakas na tumawa si Missy sa sinabi ni Baltazar.

"Grabe naman ang monster. Mukha ba akong monster?" Muling umuklo si Missy para pumantay ang mukha sa mukha ng bata pero agad na sinubsob ni Baltazar ang mukha sa hita ni Missy.

"Go away!"

"Hindi niya ako gusto." Tumulis ang labi ni Missy. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Missy dahil marami pa raw itong aayusin para sa party na gaganapin bukas. Nagpunta lang ito para ihatid sa kanya ang kanyang costume na hindi pa niya na-tse-tsek. Kumaway siya kay Missy nang bumaba ang bintana ng sasakyan.

"May susundo sa 'yo bukas," pahabol nito na sinagot niya ng marahang pagtango. Bukas ng umaga ay tutungo sila sa bahay ni Romulus sa Benguet dahil mas malapit na iyon kina Missy. Kung dito pa kasi siya susunduin ay aabutin ng mahigit dalawang oras pa ang biyahe.  Nang wala sa kanyang paningin ang sasakyan ay bumalik siya sa lanai. Wala na si  Baltazar doon, ang kanyang magulang ang naroon. Naupo si Beatrix sa silya kung saan nakaupo kanina si Baltazar.

A Vidente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon