007 BACK ON THE LOOSE

18 0 0
                                    

007
BACK ON THE LOOSE

Sinenyasan ni Jo si Glen na kumalma at bumalik na lamang sa puwesto nito sa harap ng monitors.

She nodded to Kim at walang pasubaling nag-focus ito sa screen ng computers. After ten seconds of hearing the keyboard typing and clicking sounds, the projector lights up. The TBC logo is projected to the white screen in front of them. Another click at tumambad sa kanila ang isang litrato ng babaeng pamilyar naman sa lahat.

"When I was in the hospital, somebody begins to take my case. This person tried her best to move without the government's help because she knows not to trust anyone regarding the case. Gumalaw siyang mag-isa. And at the same time, she took care of me. That time na bigla akong nawala sa hospital, dinala niya ako sa isang private rest house na pag-aari niya at nandito rin iyon sa loob ng Trese. The rest house is full of security alarms and according to her, there's a shoot to kill order in the system kapag may na-detect na hindi kilalang tao or kahit na ano pa man. That's why hindi ninyo ako nahanap sa loob ng halos tatlong taon. And now, that person is missing." May bahid ng lungkot at galit habang sinasabi niya ang mga iyon.

"Miss Dominguez is nowhere to be found. Huli kaming nagkausap ay two weeks ago pa, through a burner phone that she handed to me. Nasa rest house niya pa ako nang mga oras na iyon. Sinabi niya lang na may kinakausap siyang importanteng tao, kaya wala akong ideya na may mangyayari sa kaniyang masama. I know I was still recovering physically and from the trauma pero dahil hindi ako mapakali na walang ginagawa, I watched the news for the first time in awhile. The next days na hindi ko na makontak si Reynalyn ay kinabahan na ako. Nang nalaman ko sa balita na laganap na naman ang mga ganitong krimen sa Trese, a week ago, I decided to contact Carlo. I asked him about the news and he verified it. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang Scorpions sa pagkawala ni Reynalyn that's why I asked Carlo for Lily's contact number and told the people who work under Reynalyn na magpapasundo ako sa isang unregistered private helicopter. Lily never hesitated to bring me back here kahit pa nasa North Carolina siya nang mga panahong iyon. I asked her to take a leave para sa misyong ito and I'm grateful na pinaunlakan niya iyon. Good thing na inasikaso kaagad ng mga tauhan ni Reynalyn na magkaroon ng access ang private helicopter ng TBC. And after we exit the land, they terminated the registration ayon na rin sa napagkasunduan namin."

"I can't disclose the private land na pag-aari ni Miss Dominguez. Kaya pagkasyahin niyo na lang ang mga sarili ninyo sa mga impormasyon tungkol sa kaniya diyan sa loob ng folder na nasa harap ninyo." Sambit pa niya.

She looked intently to Carlo. Nakuha naman agad ng huli ang gusto niyang sabihin.

Carlo let his hands do the work. He simply typed series of codes, and different fonts and colors appear on the monitor. Sa kaliwang screen ay ang picture ni Miss Dominguez, while in his right was a CCTV footage. He pressed the enter button of the keyboard and the footage displays to the white screen.

Jo pointed the laser cursor to the white screen. Nakatayo na siya ngayon. "Kagabi lang, Carlo managed to find a recent footage kung saan nahagip ng isang CCTV camera si Miss Dominguez."

Makikita sa video na may isang babaeng pumasok sa isang convenience store. Namukhaan agad iyon ng lahat. Maya-maya lang ay lumabas na ito ng establishment, sa oras na eksaktong alas nuebe. Hawak nito ang isang cup noodles sa kaliwang kamay na umuusok pa at sa kanang kamay ang pares ng chopsticks. Naupo ito sa bakanteng upuan na nasa harap ng establisyemento. Naka-sideview siya sa CCTV camera. She looks at her brown-leathered wristwatch, and taps the chopsticks on the table after putting down the cup noodles. Inulit niya pa ng dalawang beses ang pagtingin sa oras at ang pag-tap ng chopsticks. After that, she lifts up the cup noodles. Tinungga niya ang laman niyon which the audience in the hall found weird. Pagkatapos lagukin, itinapon niya ang empty cup sa red na basurahan, at sa blue ang chopsticks. Before she leaves, inangat niya ang mukha sa CCTV camera. Then she walks away, turns left of the road, at nawala ito sa proximity area ng CCTV camera at ng convenience store.

THE BORDER'S CRUSADERS [Part 1]Where stories live. Discover now