002 S.O.S

20 2 0
                                    

002
S.O.S.

Sunday. 6PM.

Masayang nagkukuwentuhan ang Team Bracelet sa boulevard ng barangay. They are all residents of Brgy. Northwave. They always reminisce the days kung paano at kailan nabuo ang squad nila. Purong hagalpakan ang naririnig mula sa kanila nang maungkat ulit ang topic tungkol sa history ng pangalan ng squad nila.

"Hindi pa rin talaga ako maka-move-on!" — Si Cherry. Siya ang pinakamalakas tumawa sa buong Team Bracelet. And her laugh is contagious. Kaya kahit hindi nakakatawa kapag nasa kan'ya ang spotlight, kusa na lang tatawa ang lahat dahil sa hagikhik niya.

"Pambihira! Nandito na naman tayo sa topic na 'to?" — Zarena. "Come on, people! Past is past!" The hugotera ng squad, exclaimed. Kapag sinasabihan ng hugot queen, counter-attack niya is, "Makata kasi." And the list goes on.

While in the middle of bickering and laughing, sunod-sunod na umilaw ang isang maliit na red light sa itim na mga  bracelet na suot nila. A red light indicates an SOS call which means one word —EMERGENCY!

Sabay-sabay na nagkatinginan sa isa't isa ang labing-dalawang nagkukuwentuhan. Seryosong tinignan ng lahat si Cherry while she hurriedly fetches her burner phone from the back of her pocket. She opened it, binasa ang mensaheng nasa pop-up window, at tumango sa grupo. "Crusaders, let's proceed to the headquarter."

Wala na ang Cherry na sobra kung tumawa. Ang nasa harap nila ngayon ay isang babaeng ma-awtoridad. They managed to leave the place in an instant na pinangunahan nila Angel, Zarena, and Llonard.

THE BORDER'S CRUSADERS [Part 1]Where stories live. Discover now